CHAPTER 24.1

1142 Words

“NABALITAAN mo na ba?” salubong sa akin ng kasamahan kong si Dorothy pagkapasok ko sa restroom na lagi naming ginagamit dito sa Clifford para magbihis. “Ang alin?” untag ko saka binuksan ang bag ko.  Inilagay ko muna ang bag ko sa gilid saka inilabas ang scrub suit ko. Si Dorothy ay nag-aayos ng sarili at mukhang kapapalit lang din niya ng scrub suit. Pumasok ako sa isang cubicle para magpalit din pero maririnig ko naman si Dorothy. “Nakuha na raw nila boss ang SGC kaya ang ilan sa atin ay malilipat doon.” Namilog ang aking mga mata. “Teka, seryoso ba ‘yan? Sino naman ang papalit dito sa Clifford kung sakaling ililipat ang ilan sa atin sa SGC? Huwag nilang sabihing magbabawas sila dito? Malaki rin ang building na ‘to, ha. Hindi natin kakayanin kung babawasan tayo.” “Alam mo namang d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD