“KANINA ka pa nakatulala kay Orion, may problema ba?” Napabaling ako sa gilid nang biglang nagsalita si Mama. My son is playing on his Playpen. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala siya pinagmamasdan. I could definitely watch him all day. Hindi nakakasawang pagmasdan at sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya at naririnig ko ang munting halakhak niya ay natutunaw ang puso ko. “Ang agang nagising ng batang ‘yan, sinasabayan ka yata,” muling untag ni Mama. Napangiti ako nang maalalang nauna pa ngang nagising sa akin kanina si Orion. Nagising ako dahil dinaganan niya ako sa tiyan. “Paano kasi hindi na yata ‘yan natutulog kapag tanghali kaya maagang natutulog tuwing gabi tapos kinaumagahan nauuna pang magising kesa sa ‘kin.” Mama sighed. I felt her stared at me. “Ilang araw ko nang na

