“MAGING ako ay hindi makapaniwala na magagawa iyon ni Lauren. I mean, we trusted her. Of all people in the Art’s kitchen, she’s the last person that I think would do such a thing to you.” Mapait akong ngumiti sa sinabi ni Ma’am Alice. It’s been a while since we last met. Magmula kasing mangyari ang eskandalo noon ay ginawa ko ang lahat para maputol ang ugnayan ko sa kanilang pamilya dahil hindi ko alam kung paano sila patutunguhan. Ilang beses din akong niyaya ni Alexis noon pero ni isa sa mga imbitasyon niya ay wala akong pinaunlakan. “Alam kong magiging komplikado ito pero kung kakasuhan mo si Lauren ay maiintidihan ko, hija.” Mabilis akong umiling. “Wala ho akong balak. Tapos na po iyon at napatawad ko na si Miss Lauren.” Nasa punto na ako ng buhay ko na wala na akong panahon para

