Nagising ako sa mahihinang katok sa kwarto ko. Inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin si Caleb na mukhang galing sa labas at may dalang pagkain.
"Good morning," he smiled. He handed me a mug of hot chocolate. "Your favorite, mahal na reyna." I chuckled before accepting it. Alam na alam niya talaga na hindi ako umiinom ng kape sa umaga.
Lumabas kami ng kwarto at nakita kong may pagkain na sa lamesa. "Nagluto ka?" Tumingin siya sa'kin na parang nahihiya bago nagkamot ng batok. "Bumili ako sa labas."
Umupo na ako sa upuan at sumunod naman siya. "But I can cook next time." Habol niya.
May fried rice doon at fried chicken mula sa kilalang fastfood. Meron ding pancake. "Its your first day so you have to eat. Don't skip your meal, okay?"
Sinandukan ko siya ng pagkain bago tumango sakanya. "Hindi mo lang kaya magluto, e." Biro ko sakanya.
"Parang hindi mo paborito ang luto ko noon?" Bawi niya saakin. Tumawa ako dahil totoo naman iyon.
"Hindi naman gano'n kasarap." Kunwaring sabi ko at hindi niya ako makapaniwalang tinignan.
"Totoo? Ang sabi nila manang masarap daw." Parang sa sarili niya nalang sinabi ang huli dahil pahina ng pahina ang boses niya.
"Joke lang, masarap ang luto mo." Pagbawi ko. Ngumiti naman siya sa'kin at nagsimula na kaming kumain.
"Pero next time ako naman ang turuan mo magluto."
"Bakit? Kaya naman kitang ipagluto."
"Gusto kong matuto," sagot ko sakanya. Totoo iyon. Narealize ko na puro si Caleb ang nagluluto para saamin at gusto ko rin siyang ipagluto. Isa pa ay ako nalang mag-isa dito sa apartment ko kapag umalis na siya. I should learn basic cooking skills, at least.
Hinatid niya ako sa tapat ng University namin. Pinalilibutan ng green and white ang paligid kagaya ng logo namin. Bawat college department ay iba-iba ang building at ang course ko ay nasa College of Nursing at malapit lang iyon dito gate 2. Tatlo kasi ang gate dito at sinadya naming dito ni Caleb dumaan dahil mas malapit ito sa building ko.
"Hindi na ako pwede pumasok. Kaya mo na ba dito?" Tumango ako sakanya. "Tawagan mo ako pagkatapos ng klase mo, a? Kapag may kahina-hinalang kilos ay dumistansya ka na agad tapos tumawag ka na agad sa'kin o kila papa. Huwag kang magpapagabi at-"
"Kaya ko, Caleb. Don't worry, lahat 'yan gagawin ko." Natatawang sabi ko sakanya.
He sighed, "you sure?" I nodded at him. "I'll send you my schedule later. Ingat ka sa pag-uwi."
Hawak niya ang mga kamay ko at tatalikod na sana ako para makapasok na ako pero nagulat ako nang hindi niya bitawan ang kamay ko at hilain ako palapit sakanya. "I can't believe we'll spend four years with different University. Paano kung lumipat nalang kaya ako dito?"
Agad ko siyang pinandilatan ng mata. "Ano ka ba? Sayang 'yung opportunity. Saka, marami man ang magbago, but we'll work on it." I assured him.
Hindi ko masasabi na walang magbabago lalo na't magkaiba na kami ng pinapasukang University. Malayo pa ako sakanya. Hindi na tulad ng dati na isang tawag lang ay p'wede na kaming magkita. Baka nga ngayon ay kailangan pa namin magschedule dahil tiyak na magiging busy kami.
"Ingat ka dito, okay? Call me, or at least, update me. I love you." Bilin niya.
"I can manage; you don't have to worry. But thank you — I really appreciate it. At mahal kita Caleb — mahal na mahal. Kaya sigi na, malalate na ako sa first subject ko."
Pagkapasok ko sa building namin ay bumungad saakin ang mga nakaunipormeng katulad ng akin. Kinakabahan ako dahil first day ko ito at wala man lang ako kakilala sakanila. Pinagmasdan ko pa sila at doon ko napagtanto na lahat sila halos ay masayang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nila.
And that's the hardest thing you'll need to face in college. Lahat ng mga bagay na magkasama niyong ginawa noon ng mga kaibigan mo ay haharapin mo mag-isa ngayon. Dati ay naghihintayan pa kayo sa enrollment, pero ngayon kailangan mo na mag-enroll agad dahil bukod sa wala ka namang kaibigang makakasama ay baka maubusan ka rin ng slot.
Iyon ang kailangan mong harapin sa college. Mag-iiba iba ang landas ninyong magkakaibigan. Some may seems to be distant and some may be too busy to respond in your messages. And you have to learn to be more understanding.
"Excuse me? Room 3102 ka rin ba?" I glanced at the woman with short hair with cute small eyes. Napansin ko rin ang medyo maiksi niyang buhok na bumagay din sakanya.
I nodded at her. She smiled widely before excitedly got my hands to pull me. "First floor lang room natin. Buti nalang, hindi ako mapapagod umakyat sa hagdanan." She chuckled. I stared at her gleaming with happiness.
"Excuse me, dadaan ang magaganda." Nahihiya akong nagiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakakahiya.
Pagkapasok namin sa room ay bumungad saakin ang mga estudyanteng may mga sariling mundo. 'Yung iba ay mga nagdadaldalan, habang ang iba naman ay mga walang pake habanh nagbbrowse sa mga cellphone nila. Meron din namang mga tahimik lanh sa gilid at 'yung iba natutulog pa.
"Doon tayo maupo." Hinatak niya ako dahil hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Sa unahan?" Tanong ko nang mapagtanto kung saan siya papunta.
Agad siyang tumango. "Nakakahiya diyan....."
"Mas maiintindihan mo ang mga lessons dito. Less distraction." Kinakabahan man ay sumunod nalang ako sakanya. Kadalasan kasi ay sa dulo ako umuupo dahil nahihiya ako tuwing matatawag ng mga teachers. Hindi naman ako 'yung tipo ng sobrang talino kaya nakakatakot kapag pinagrecite ka.
"Ay, oo nga pala, ako si Maria Isabelle Navarro. Pero mas sanay akong tawaging Maui." Tumingin ako sakanya at bumungad saakin ang napakalaki niyang ngiti. "Kanina pa tayo nagdadaldalan pero hindi pa tayo magkakilala." She chuckled.
Nakipagkamay ako sakanya bago nagpakilala, "Athena Valerie Marquez". Nahihiya man ay sinuklian ko rin siya ng isang tipid na ngiti. "Ava nalang."
"Ang ganda ng pangalan mo."
Buong araw ay magkasama kami ni Maui. She seems nice and outgoing. Laking pasasalamat ko rin na nakilala ko siya kaya kahit papa'no ay may kausap ako sa first day namin.
At dahil first day nga ay orientation lang naman iyon at walang katapusang introduce yourself. Akala ko pa naman ay nakaligtas na ako rito pero hanggang college ay susundan pa rin ako nito.
Hindi ba nila alam na hindi na wala naman ako natatandaang pangalan sa introduce yourself?
Dismissal na nang mahawakan ko ulit ang cellphone ko. Bukod kasi sa ayaw ko buksan ito habang nasa klase ay halos buong araw akong dinadaldal ni Maui. Parang hindi siya mauubusan ng kwento sa buhay.
Caleb ♡
Sorry, I need to go.
But I already locked your apartment.
I'll talk to you later, bye.
Kaninang 1:00 pm niya pa iyon sinend at 3:30 pm na. Kaya naman todo sorry ako dahil late akong nakapagreply sakanya. Hindi pa naman ako sanay na late kaming nakakapagreply sa isa't isa.
Athena Valerie Marquez
Sorry late reply. Ngayon ko lang nabuksan phone ko :((
Ingat ka, mahal.
"Ay, sana all may jowa," napatingin ako kay Maui na humahagikgik sa gilid ko. Sinuklian ko naman siya ng isang tipid na ngiti.
Humarap siya sa ulit sa kalsada at saka nag-abang ng masasakyan na jeep. Parehas naman ang sasakyan namin pero mas mauuna siyang bumaba kaysa saakin.
"Pero masaya naman ako maging single. No lovelife, no problem." Mahabang kwento niya. "Pero kung may irereto ka...... shene be nemen eke pere tenggehen yen?"
Napailing ako bago nangingiti sa paraan niya nang pagsasalita. Hindi pa man siya lasing ay nagddrunk talk na siya.
"Ano bang type mo?" Tanong ko sakanya.
"Type O," mabilis na sagot niya.
Sabay naman kaming napatingin sa isa't isa.
"Ay akala ko blood type," napailing ako sakanya. This whole college journey will be full of fun and adventures, for sure.
Pagkarating ko sa apartment ay agad kong kinuha ang susi sa bag ko at binuksan ang pinto. Dumiretso ako sa kwarto para ibaba ang gamit ko at saka ako pumunta sa kusina para kumain ng cup noodles na binili ko.
Kukuha sana ako ng tubig, pero pagkabukas ko ng ref ay nagulat ako nang makitang puno na iyon ng stocks. Pero umalis ako ng bahay kanina na wala pa itong laman dahil balak kong sa Wednesday pa mamili dahil vacant ko iyon.
May nakita akong tatlong tupperware doon at agad iyong kinuha. Tinignan ko ang laman at nakitang Chicken Curry, Adobo at Sinigang ang naroroon.
Inilagay ko muna iyon sa lamesa bago kinuha ang phone ko sa kwarto. Agad kong tinext si Caleb.
Athena Valerie Marquez
Ikaw ba nagluto ng pagkain at namalengke?
Thank you:((
Wala pang dalawang minuto ay nakapagreply na agad siya. Agad sumilay ang matamis na ngiti nang magpaalam siya kung pwede ba siyang tumawag.
He knew how I hate random calls, unless it was emergency. He respects my privacy and pays attention with things that makes me uneasy.
"How's school?" bungad niya pagkatapos ko sagutin ang tawag niya.
I scoffed. "'Yung tanong mo parang tatay na kakasundo lang sa anak na galing school." He chuckled, and I swear even his voice seems unrealistic. It was so manly and..... sexy. Gosh, anong nangyayari sa'kin?
"Silly." Bulong niya na narinig ko pa rin naman.
"Miss na agad kita." I pouted.
"Sorry, I wanted to stay a little bit longer pero hinahanap na ako dito sa'min. But next weekend..... date tayo?" Agad akong natuwa sa sinabi niya.
"Okay!" Mabilis na sagot ko. "Excited na ako."
"Ako rin. Kumain ka na?" Tanong niya. At para namang narinig 'yon ng kumakalam kong sikmura dahil bigla iyong tumunog. Medyo malakas kaya narinig din ni Caleb.
"Kumain ka na muna. I'll call you later." I nodded and I was about to end the call when I remembered something.
"Hindi ka ba napagod? Namalengke ka pa tapos ang dami mo pa nilutong ulam. Nakakahiya...."
I heard him chuckle a bit. "No, alam ko naman ako ang lulutuan mo next time." He paused. "But seriously, I know this will take a lot of adjustment for you. It will be hard and overwhelming, and doing this will at least lessen your burden. Cooking a simple dish for you won't hurt me but will help you a lot."
___________________________________________________________________________________________
Spread love, and happiness!