Chapter 8

1309 Words
Hindi ko alam paano natapos ang gabing iyon. Para akong lumulutang at ang tanging nasa isip ko lang ay boyfriend ko na si Caleb. May boyfriend na ko, mga bhie! Sa mga nagsasabing tatanda akong single..... who you kayo ngayon. But kidding aside, for the longest time it felt like this was my first time making right decision for myself. Alam kong hindi ko pagsisisihan ito. Matutulog na sana ako pero nagulat ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko. Tumatawag si Caleb kaya sinagot ko ito agad. "Miss mo na ako agad?" Bungad ko sakanya. "July 10." "Ano meron?" Tanong ko sakanya. "Anniversary natin." Gulat akong napatingin sa maliit na kalendaryo na nakalagay sa bed side table ko. At oo nga July 10 nga pala iyon. "Hindi pa rin ako makapaniwala." Ngumiti ako kahit hindi naman niya iyon makikita. Caleb and his actions. Kahit yata umabot kami ng ilang taon ay hindi pa rin ako masasanay sa kanya. Palagi pa rin akong kinikilig sa mga maliliit na gestures niya. "Seryoso ka ba talaga sa'kin? Pakiramdam ko napipilitan ka lang tapos-" "Mahal kita." I cut him off by assuring that I love him. "You don't need to worry about anything. I love you and that's all what matters, hmmm?" Matagal siya bago nakasagot. Hindi ko rin alam kung paano ko nagsimula na mahalin ko siya. Oo, nu'ng una attraction lang ang nararamdaman ko. Parang masaya ako kapag nandiyan siya. Inspired kasi meron akong inspiration. Hanggang sa umamin siya at linigawan ako. Lagpas isang taon din bago ko narealize na mahal ko na rin pala siya. At hindi ako nahihiya sabihin sakanya na mahal ko siya kahit halos kanina ko lang siya sinagot. Dahil 'yon naman talaga ang rason kung bakit ko siya sinagot 'di ba? Dahil mahal ko siya. Kaya bakit ako mahihiya na sabihin 'yon. Isa pa kailangan niya rin ng assurance. I am completely aware sa mga silent battles na pinagdadaanan ni Caleb. Hindi man niya sabibin pero alam kong meron din siyang mga insecurities. "Thank you for choosing me, Ava. Thank you for loving me." Days and weeks has passed. We cherished every moment we had together. It was the best of my almost six weeks of my life. The day after we've been together officially, he visits my parents to formally introduce himself as my boyfriend. I told him that my parents already had idea about it; but he insisted. He told me that no man should disrespect the family of the woman he loves. Tao siyang hinarap ng mga magulang ko, tao rin siyang haharap sakanila. Truly, loving a man whose respectful in your parents is every woman's dreams. Araw-araw pinapatunayan niya sa'king karapat dapat siyang mahalin pa lalo. Thalia and Lucas, on the other hand, seems to be distant these past few days. I have no idea at all, actually. Tinanong ko si Thalia pero sinasabi naman niyang ayos lang siya. And I know, it wasn't the truth. But I can't force her to open up into something she doesn't want to talk about. But I assured her that she can always lean on me. And I swear, I won't asks if that makes her uncomfortable. "Ayos na 'to dito?" I glanced at Caleb after he puts down a large bag, full of my things. "Hmmm, ayos na ako, Caleb. Don't worry. Baka hinahanap ka na sainyo." I assured him. He exhales, "I know you can manage without me. You're a strong independent woman, after all. But, let me help you, hmmm?" I was about to utter a word, when he kissed my cheek. "Ganda mo." I shook my head before leaving him there. Inaayos pa rin niya ang mga gamit ko dito sa apartment na kinuha ko. Dorm sana ang gusto ko para mas tipid pero hindi ako pinayagan ni papa. Papayag lang daw siya kapag apartmrnt ang kukunin ko. Hindi raw kasi siya sigurado kung sino ang makakasama ko sa dorm at malayo raw siya sa'kin. At mas mapapanatag siya kung nasa apartment ako. Hinayaan ko nalang si Caleb sa ginagawa niya. Naghanda na lang ako ng makakain namin. At dahil hindi pa napapadeliver ang gas ay sa rice cooker nalang muna ako nagluto. Life hacks. Cornbeef at meatloaf lang naman ang linuto ko dahil hindi pa naman ako nakakapamalengke. I told Caleb to buy something from food chain para may maayos kaming makain pero ang sabi niya ay ayos naman siya sa kahit ano. Hinayaan ko nalang dahil sayang din ang pera 'no. "Kain na tayo," pag-aya ko kay Caleb. Agad naman siyang sumunod at naghugas muna ng kamay bago tumungo sa maliit na lamesa. "Sigurado kang ayos lang sa'yo 'to? Next time magluluto na talaga-" He cut me off, "I'll wait for that. Pero ayos naman 'to, a?" Ipinagsandok ko siya ng cornbeef at meatloaf na iniluto ko sa rice cooker. "Syempre sanay ka sa mga steak gano'n." "Hoy grabe ka naman sa'kin. Sila mommy at dad lang naman ang mayaman. Pero ako? Hindi." I glanced at him. "Magulang mo sila, kung ano ang kanila gano'n din ang iyo." I told him. He exhales and shrug his shoulders. "Well I don't consider it as mine as long as I don't work hard on it." It was past 7:00 pm when we finished fixing my stuffs. He really make sure that my whole stay here will be comfortable. "Dito ka na kaya matulog?" Tanong ko sakanya dahil gabi na rin. He looks hesistant and agitated. "H-hindi pwede." I glanced at him. "Ay, oo nga baka pagalitan ka sainyo." Tumango ako sa naisip dahil syempre kailangan niya rin umuwi sakanila. "Hindi 'yon." "Ano?" Pagtanong ko sakanya. "Hindi tayo dapat magsamang matulog. Baka kung anong....." Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin at hindi ako sigurado sa huli niyang sinabi dahil halos pabulong nalan iyon. "Magawa natin." Tumayo siya at akala ko ay kukunin niya na ang mga gamit niya. "Pero hindi rin kita pwede iwan dito agad. Hindi pa natin alam ang lugar. Baka may mangyaring masama sa'yo." Lumapit ako sa kinatatayuan niya pero para niya kong iniiwasan dahil dahan-dahan siyang lumayo. "Ayos lang ako. You don't have to worry about me." He shook his head before getting his phone from the table. He dialed something in it. "Hello 'pa," napatingin ako sakanya dahil si papa pala ang tinatawagan niya. Hindi ko na nasunda ang usapan nila dahil lumabas siya saglit habang naguusap pa rin sila. "Matulog ka na sa kwarto, Ava. Inayos ko naman na ang higaan mo roon." Pagbaling niya saakin. "Paano ka? Sa'n ka matutulog?" Uuwi ba siya? "Dito nalang ako sa sala matutulog." "Wala kang mahihigaan." Wala naman kasi akong sofa dito dahil wala rin naman akong budget para doon. "Maglalatag nalang ako. Huwag mo na kong alalahanin, matulog ka na." Kokontra pa sana ako pero hinila niya na ako papasok sa kwarto. Binuksan niya ang maliit kong electric fan at sinara ang bintana sa kwarto ko. "Matulog ka na. Maaga ka pa bukas 'di ba?" Umupo ako sa kama habang nakatayo pa rin siya malapit sa bintana na isinara niya na. "Wala kang magagamit na electric fan doon. Dito ka nalang kaya sa kwarto ko matulog?" Nag-aalala ako dahil mainit at isa lang naman ang electric fan ko. At kapag ginamit ko iyon ay wala na siyang magagamit pa. Wala na nga siyang maayos na mahihigaan tapos wala pa siyang electric fan. "Ayos lang ako." Kinuha niya ang banig at ibinigay ko naman sakanya ang isang unan at kumot. "Caleb," pagtawag ko sakanya. Humarap siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. His lips felt so warm against my skin. Pakiramdam ko ay sapat na iyon para mawala lahat ng mga inaalala ko. "I love you. Good night, my love. See you in my dreams." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Mahal kita. Mahal na mahal." ___________________________________________________________________________________________ Spread love, and happiness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD