Caleb was my painter who also painted my life. He brought colors, and thousands of emotions I didn't know I can have. He painted my life in the way no one could ever do.
It may be too long for me to realize that I should keep him. Maybe I was too afraid to try, but now I'm more than sure that I am willing to give him my heart.
It felt so magical and unreal how I felt so much butterflies just thinking that I wanna be his girlfriend. Inabala ko ang sarili ko sa pagsearch sa social media kung pa'no ba sagutin ang manliligaw. Nakakahiya pero hindi ko talaga alam kung pa'no. Umabot na ako sa t****k pero wala pa rin akong maisip na gagawin.
Wala bang tutorial diyan kung pa'no magkaroon ng boyfriend?
Napabalikwas ako nang may kumatok sa pinto. Gabi na at nakapantulog na ako pero ang iniisip ko pa rin ay si Caleb. Dapat may C virus na tinatawag dahil masyado ng sinasakop ni Caleb ang utak ko. Unfair.
"Sabi na hindi ka makatulog. Dinalhan kita ng gatas, anak." Lumingon ako kay mama at nginitian ito.
Inabot ko ang gatas at uminom dito. "Mama talaga, 18 na po ako." Agad niya naman akong pinagsingkatan ng mga mata. "Kapag umiinom ba ng gatas ay ibig sabihin hindi ka na 18?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Tama naman. "Maraming nagbabago sa pagdaan ng panahon, pero meron tayong mga nakasanayan na pwede mong dalhin hanggang sa hinaharap." Makahulugang sabi niya sa'kin.
"Alam kong balak mo ng sagutin si Caleb, anak." Gulat kong nilingon si mama. Kailan pa siya naging mind reader?
"Nagtitiwala ako sakanya dahil alam kong mabuting bata iyan. Pero higit sa lahat ay nagtitiwala rin ako sa'yo dahil alam kong alam mo na ang tama sa mali."
Napangiti ako sa sinabi ni mama. Kailanman ay hindi naging mahigpit saakin si mama dahil nagtitiwala raw siya sa'kin. Pero iba pa rin pala talaga kapag naririnig mo sakanya ulit.
"Payag po kayong maging....." Sandali akong tumigil dahil hindi pa rin akong sanay sabihin ito. "Maging boyfriend ko po si Caleb?"
Tumango ito at nagbigay ng isang nakakalokong ngiti. "Aba, bakit naman hindi? Panalo ka na do'n ha, pogi na tapos-"
"'Ma! Ako 'yung anak mo rito." Nagtatampo kong saad.
Tumawa ito saglit. "Biro lang anak. Pero bakit naman hindi ko kayo papayagan? Nasa tamang edad na kayo at mukha namang mahal niyo ang isa't isa." Tumigil ito saglit bago hinawakan ang mga kamay ko at tumitig sa mga mata ko. "Pero anak, hindi madali ang pagkakaroon ng karelasyon ha? Hindi ito gaya ng mga napapanood at nababasa mo sa mga libro. Walang perpekto, kaya habaan mo ang pasensya at pang-unawa mo."
Noong gabi na iyon ay natulog akong payapa ang puso dahil alam kong payag ang mga magulang ko para sa'min ni Caleb. Wala na yatang mas masarap sa pakiramdam ang malamang suportado kayo ng mga magulang mo.
Halos tatlong araw na akong nag-iisip ng gagawin pero hindi ko pa rin talaga alam. Noong isang beses ay nagsulat ako ng tula para sakanya at linagay iyon sa sealed envelope. Pero, hindi ko pa rin binibigay dahil nahihiya ako. Iniisip ko palang ay kinakabahan na ako at namumula na ako sa kilig.
Hihintayin ko nalang sigurong magtanong siya.
Ganoon ang ginawa ko. Kaya noong kinuha namin ang Yearbook namin sa school ay hinanda ko talaga ang sarili ko sa sasabihin ko sakanya. Pakiramdam ko ay tatanungin niya na ako dahil lagpas isang taon na siyang nanliligaw saakin.
Nagpractice pa 'ko sa harap ng salamin at nagsuot ako ng magandang damit. Halos magmakaawa pa ako kay Thalia na mag-aya siya ng gala sa group chat namin nila Caleb at Lucas. Kulang nalang ay utusan ko rin siyang sabihin kay Caleb na tanungin na ako.
Athena Valerie Marquez
2:00 pm ba sa lobby ng school?
Kinakabahan kong sinend ito sa group chat namin. Natatawa pa akong makita ang pangalan ng GC namin ay "4lyfers na stress sa P6".
Lucas Jazemart Ravena
sa quadrangle raw.
Halos mabilaukan ako sa sariling laway nu'ng makitang nagseen si Caleb. Alam ko namang sa Quadrangle magkikita, pero baka maghinala si Caleb na ako ang pasimuno ng gala kaya kunwari hindi ko rin alam.
Pagkadating ko ng school ay comfort room ang una kong hinanap. Kinakabahan ako sa itsura ko kaya inayos ko muna ang mukha ko. Sinuklay ko rin ang mahaba kong buhok na lagpas balikat ko.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang 2:10 pm na. Bumilis ang t***k ng puso ko nang marealize na late ako. Ayaw ko pa naman ng nalalate.
Agad akong dumiretso sa room namin at kinuha ang yearbook ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa quadrangle at saktong nando'n na nga silang tatlo.
Bigla kong binagalan ang lakad ko ng makitang nakatingin si Caleb. Kalma, Ava. Kalma. Pero shuta, nagwawala talaga ang puso ko.
"Wala ka sa pageant, huy! Bakit ang bagal mo maglakad, Ava?" Sinamaan ko ng tingin si Lucas. Panira ng trip.
Bumaling ako kay Thalia at tinanong ito. "Saan ba tayo ngayon? Ba't ka ba kasi nag-aya ng gala may gagawin pa ko e." Kunwaring sabi ko.
"Ha? 'Di ba ikaw 'tong-" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Thalia. Bakit ba ayaw niyo nalang sumuporta sa lovelife ko. Gusto ko nalang talagang umiyak.
"H-hoy ano? Saan nga tayo?" Nauutal kong sabi sakanya habang sinasamaan ito ng tingin. Buti nalang at nagets naman niya agad.
"Sa Blooms n Park tayo. Tara na, dala mo kotse mo Lucas? Doon nalang tayo." Agad na salo saakin ni Thalia.
Napalingon naman kaming lahat kay Caleb nang magsalita ito. "Dala ko rin akin e. Pa'no 'yan?" Iba talaga ang problema ng mayayaman ano? Samantalang ako mas pinoproblema ko pa tuwing punuan ang jeep na nasasakyan ko.
"Gano'n ba? Sabay nalang kayo ni Ava, tapos kami naman ni Thalia." Si Lucas, na agad din namang sinang-ayunan ni Thalia. "Alam niyo naman doon 'di ba?" Sabay kaming napatango ni Caleb.
Tahimik lang ang byahe namin papuntang Blooms n Park. Pagkarating namin doon ay umupo muna kami sa isang bench doon. Nagtext kasi sila Thalia na bibili daw muna ng Mcdo para may makain kami. Nakalimutan din kasi naming bumili kanina.
"Ba't ka nalate kanina? Ayaw mo pa naman ng nahuhuli 'di ba? Tanong saakin ni Caleb. Magkatabi kami sa bench at pinagmamasdan lang ang mga batang naglalaro.
"A, traffic kasi tapos nahirapan pa akong makasakay ng jeep." Kunwaring sabi ko. Ang totoo niyan nalate ako dahil nagpractice pa ko sa harap ng salamin, huy!
Tumango siya. "Grabe buti maagang binigay ang yearbook natin. Doon kasi sa pinsan ko isang taon na wala pa rin."
"Grabe naman 'yon. Sayang ang bayad." Nakatingin pa rin kami sa mga batang masayang naglalaro. Minsan talaga masarap maging bata nalang. Puro laro lang at walang problema.
"Teka, icecream ba 'yon? Paborito mo 'yon 'di ba? Bibili lang ako, a." Hindi na ako nakasagot dahil agad na siyang tumakbo at bumili ng dirty icecream.
Paborito ko kasi ang dirty icecream kaysa sa mga nabibili sa convenience store o grocery. Mas masarap kasi ito para sa'kin. Hindi ko alam na pati palang mga maliliit na bagay ay kabisado ni Caleb.
Pakiramdam ko ay palaging niyang kinoconsider ang mararamdaman ko sa mga desisyon niya. Kahit maliit o malaki. Kabisado rin niya ang lahat tungkol saakin kahit pa ang mga bagay na hindi ko napapansin na ginagawa ko pala.
Naputol ang pag-iisip ko ng malalim nang may magtakip sa mga mata ko. Nagulat ako dahil nasa public area ako. Malay ko ba kung puting van na pala dito at balak akong kidnapin?
Napasigaw tuloy ako ng malakas at pilit inaalis ang kamay na nakatakip sa mga mata ko. Kinakabahan talaga ako. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi pa ako nagkakaboyfriend. Hustisya naman.
Pero 'yon nalang ang inis ko nang malamang si Caleb pala iyon. Ang loko ay namumula na sa kakapigil ng tawa.
"Ava, sorry-" tumawa si Caleb. "Hala ka, sorry hindi ko-" tumawa ulit siya at mas malakas na ngayon. "Hindi ko alam na ano-" Humagikgik siya at mukhang pinipigilan na ang sarili na tumawa dahil pinaglalakihan ko na siya ng mata. Aba, akala ko ay makikidnap ako tapos manggugulat lang siya diyan?
"Hindi ko naman alam na ano..... Magugulat ka Ava." Halos hirap siyang tapusin 'yon dahil tawa siya ng tawa.
"O? Talaga?" Naiinis kong sabi sakanya.
"Hala ka, galit ka ba?" Inis ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad. Pero dahil mas mahahaba ang biyas niya ay naunahan niya pa rin ako. Sinisilip silip pa niya ang mukha ko na parang bata. "Galit ka nga. Sorry, Ava, hindi ko talaga sinasadya."
Dumiretso lang ulit ako ng lakad at hindi siya pinapansin. "Hindi ko na uulitin. Dapat talaga pinipili ko lahat ng jokes ko at prank."
Lumingon ako sakanya. "Buti naman alam mo." Tinarayan ko siya at dumiretso na ulit ng lakad.
"Ava." Hindi ko siya pinansin.
"Ava." Tawag niya ulit.
"Ava." Hindi ko ulit siya pinansin.
"Ava." Sa inis ko ay galit akong lumingon sakanya. "Ano ba 'yon?
At 'yon nalang ang gulat ko ng makitang nasa harap ko na siya.
"Ang ganda mo." He traced my wrinkled forehead. Then, he moved his fingers, tracing my eyes, nose, and lips. "Napakaganda mo talaga."
Bahagya siyang ngumiti. "Sorry, hindi ko na uulitin. I should be cautious with my pranks or jokes."
Inalis no'n ang namumuong galit saakin. Hindi siya nagssorry dahil galit ako. Kun'di dahil alam niyang mali ang ginawa niya.
Pinigilan ko ang pagngiti sakanya dahil baka asarin niya lang ako. "Buti naman alam mo." He nodded and slightly pouted his pink lips.
"Sorry na a? " Gusto ko pang magalit sakanya, pero kung ganito ba naman kagwapo ang magssorry sa'yo — sino ba naman ako para hindi magpatawad 'di ba?
Inabot niya saakin ang icecream at agad ko naman itong kinuha. Sandali namin itong kinain pero napansin kong nakakatitig lang siya saakin.
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" He shook his head. Halos atakihin ako sa puso ko nang bahagyang lumapit ang mukha niya saakin. Hindi ko alam kung guni-guni o baka imahinasyon ko lang pero kinakabahan talaga ako. Subalit, hindi ko rin magawang umiwas dahil hinayaan ko lang siya.
Halos limang pulgada nalang ang agwat ng mukha namin ng sumilay ang isang matamis na ngiti sakanya. Pakiramdam ko matutunaw ang buo kong puso. Napakaganda ng ngiti niya; pinapagaan no'n ang mabilis na t***k ng puso ko.
"Mahal kita, Ava." He chuckled. "Nagulat ka ba? Sorry, hindi dapat kita binibigla but I can't help it." Ang mga mata niya ay diretso pa ring nakatingin saakin. "Mahal talaga kita, at alam mo naman 'yon 'di ba?" He paused, "ano ba 'tong sinasabi ko."
I stopped him by putting my index finger in his lips. "I know. Araw-araw pinaparamdam mo 'yon." Sandali akong tumigil. Kinakabahan man pero handa na akong umamin sakanya at sabihing mahal ko rin siya.
"At-" mahal din kita. Mahal na mahal kita.
Pero kung minamalas ka nga naman ay bigla kaming nagulat sa malakas na sigaw ni Thalia.
"Puro landian; hindi naman nag-aambag dito!" Sabay kaming tumawa at napakamot sa ulo.
"Magkano ba? Akala ko ba sagot mo na?" Nauna na akong maglakad kay Caleb at pinuntahan ang kinaroroonan nila Thalia at Lucas.
Binuksan ni Lucas ang paperbag at linabas ang laman no'n. Inayos na rin nila ni Caleb ang mga pagkain sa maliit na lamesa. Pagkatapos no'n ay kumain lang kami
Buong oras ay hindi ko alam kung anong mararamdaman: kinakabahan, nanghihinayang, o baka parehas? Pero higit doon ay gusto ko talagang batukan si Thalia. Walang support sa lovelife ko.
Gabi na nang magdesisyon kaming umuwi. Wala naman kami halos ginawa kun'di ang magkwentuhan at magtawanan. Gano'n naman yata talaga kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. Hindi naman kailangan ng agenda dahil minsan sapat na ang makasama lang sila.
Sinusulit na rin namin ang oras dahil kapag college na kami ay tiyak na magiging busy na kaming lahat. Iba-iba na kami ng papasukang university.
Hinatid ni Lucas si Thalia, at hinatid naman ako ni Caleb. Buong byahe ay tahimik lang kami at tila nahihiya pag-usapan ang kanina. Kulang na nga lang ay bilangin ko nalang ang lahat ng kotseng nakita kong dumaan para lang aliwin ang sarili.
Tumikhim ako nang mapansing nasa harap na kami ng bahay namin. "Salamat sa paghatid. Ingat ka." Tumingin ako sakanya bago buksan ang pinto ng kotse. Pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto nang tawagin niya ako.
"Tungkol do'n sa kanina? I really meant it, Ava. I'm not forcing you, at handa akong maghintay pero gusto ko lang din malaman mo ang nararamdaman ko."
Sandali akong tumingin sakanya bago bumuntong hininga. "Sandali, may kukunin ako." Natigilan siya at nagtataka niya akong tinignan.
"Ha? Bakit? Ano ba 'yon?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Wait nga lang, basta hintayin mo ko dito, a."
Agad akong tumakbo papasok sa bahay namin at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang tinatanong saakin ni Liliene pagkapasok ko dahil nagmamadali ako.
Pagkapasok ko naman ng kwarto ay hinanap ko sa drawer ko ang ginawa kong tula para kay Caleb. Napangiti ako nang makita ito at agad itong kinuha.
Kaya pagkabalik ko kay Caleb ay hinihingal ako. Sumakay ulit ako sa kotse niya at nagtataka niya akong tinignan.
"Bakit ka tumakbo?"
Hindi ko siya pinansin at inabot ko sakanya ang envelope na may laman na tula ko.
"Ano 'to?"
Basahin mo nalang."
Ginawa niya ang sinabi ko at binasa ito. Kinakabahan ako habang nagbabasa siya. Pakiramdam ko bawat emosyon na lalabas sa mukha niya ay magpapadagdag ng kaba saakin.
Nagtataka ako; hindi ko mawari kung bakit ang dating kalmadong puso ay dinadaga sa kaba. Nalilito ako; dahil tila nalulunod ako sa ganda ng iyong kulay abo na mga mata. Napapaisip ako; kung bakit araw-araw nagkakaroon na ako ng rason para salubungin ang panibagong umaga.
Ngunit higit sa lahat, natatakot din ako.
Natatakot akong magmahal dahil hindi ko kayang sa huli tayo'y magkasakitan. Alam kong hindi ko kakayanin bumitaw sa iyong pagkakahagkan. Natatakot din akong masira ang nabuo nating pagkakaibigan. At natatakot din akong pansamantala lang pala ang pagmamahal na ating nararamdaman.
Pero, natutunan ko rin na...
Sa kabila ng takot, pangamba at pagaalinlangan — mas nakakatakot palang lamunin ng katotohanan na naduwag akong subukan. Kaya, hayaan mo sana akong hawakan ang iyong mga kamay at sabay na nating harapin ang kinabukasan.
Pero hindi na ako makatiis dahil paano kung hindi pala niya gusto? Baka pagtawanan niya ako? Corny ba ang gawa ko? Hindi ko alam at kinakabahan talaga ako.
Kaya binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas. Papasok na sana ako ng bahay namin nang tawagin niya ako.
Dahan-dahan siyang lumapit saakin.
"Pwede bang ikaw ang magbasa ng tula mo?"
"Ha?" Nagtataka ko itong nilingon.
"Gusto ko sana basahin mo ng malakas saakin 'yung gawa mo." Inabot niya saakin ang papel at nanginginig ang kamay kong tinanggap ito.
Tumikhim ako bago binasa ito.
"Nagtataka ako; hindi ko mawari kung bakit ang dating kalmadong puso ay dinadaga sa kaba. Nalilito ako dahil tila nalulunod ako sa ganda ng iyong kulay abo na mga mata. Napapaisip ako, kung bakit araw-araw nagkakaroon na ako ng rason para salubungin ang panibagong umaga.
Ngunit higit sa lahat, natatakot din ako.
Natatakot akong magmahal dahil hindi ko kayang sa huli tayo'y magkasakitan. Alam kong hindi ko kakayanin bumitaw sa iyong pagkakahagkan. Natatakot din akong masira ang nabuo nating pagkakaibigan. At natatakot din akong pansamantala lang pala ang pagmamahal na ating nararamdaman.
Pero, natutunan ko rin na...
Sa kabila ng takot, pangamba at pagaalinlangan — mas nakakatakot palang lamunin ng katotohanan na naduwag akong subukan. Kaya, hayaan mo sana akong hawakan ang iyong mga kamay at sabay na nating harapin ang kinabukasan."
Sandali akong tumigil at tumingin sakanya. "A-ano, a....." Hindi ko mahanap ang sasabihin ko. Kinakabahan at nahihiya ako sakanya.
Ngumiti siya saakin. "Hindi ko rin alam ang sasabihin ko." Nag-iwas siya ng tingin at bumulong pero narinig ko pa rin naman. "Nahihiya ako, shit."
"Caleb." Pagtawag ko sakanya.
"Mahal kita, Ava — hindi mali, dahil mahal na mahal kita. Hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan pero hangga't kaya ko poprotektahan kita."
Hinawakan ko ang kamay niya at kinakabahan man pero ngumiti ako sakanya. "Nagtitiwala ako sa'yo. Pero sabay nating alagaan ang puso ng bawat isa hmm? Kahit anong mangyari ay walang bibitaw."
Tumango siya saakin. At dahil hawak ko ang kamay niya ay hinila niya ako at yinakap.
"Pangako, walang bibitaw."
___________________________________________________________________________________________
Spread love, and happiness!