"Mamahalin mo rin ako, Ava. At papatunayan ko na karapat-dapat akong mahalin mo."
I already did, Caleb. But I was still afraid that it might be too shallow. Nakakatakot baka masaktan ako sa huli, o baka masaktan kita. Nakakatakot masira ang magandang samahan nating dalawa. Nakakatakot mawala ka sa buhay ko.
I've spent my two years in Senior highschool with Caleb. He made it a lot of easier and happier road to take for the both of us. I was beyond grateful that I have him during those days full of frustrations, self doubt and both head and heartaches.
But, I also met people whom I'll treasure forever. I was able to meet Thalia and Lucas who never failed to put smiles in our faces by cheering us always. I got to meet Dorothy who keeps on pushing me to be more responsible and practical. And a lot of people whose part of those two years journey.
I continued my plan to take BS in Medical Technology. Hindi ako nakapasok sa UP, kaya ang second option ay mga state universities. Lumabas na rin ang result at nakapasa ako sa state university ng province namin. Medyo malayo ito sa bahay namin pero balak ko sana kumuha na lang ng dorm.
Caleb, on the other hand, takes Bachelor of Science in Nursing, at doon niya ipagpapatuloy para maging doctor. I was a little bit disappointed that he didn't take what his heart truly wants. I tried convincing him, but it seems that he's fully decided, so I didn't push it through.
Sa Redlands Cypress University nakapasok si Caleb. Isa itong sikat na private University sa buong bansa. Halos puro mayayaman ang naroroon, pero nagooffer din naman sila ng scholarship.
September ang pasukan nila, samantalang second week naman ng August ang saamin. July palang naman ngayon kaya kahit paano ay may oras pa kaming magkasama.
"Nakakaselos naman, Ava." Napaigtad ako sa biglaang pagsulpot ni Caleb. Nagusap kasi kami na magkita dito sa Coffee Bloom kasama sina Thalia at Lucas.
May nagpacommission saakin ng Handwritten Reflective Assessment at nagkataon na malapit lang dito ang meeting place namin. Kaya naman pagkatapos kong ibigay ang assessment niya ay nauna na akong dumiretso dito sa Coffee Bloom. Ang usapan namin ay 3:30 pm kami magkikita-kita at 3:15 pm palang naman ngayon.
"Hmmm?" Umupo na si Caleb sa harapan ko. He pouted, and somehow he still looks cute. Nakakainis kahit magpabebe ay cute pa rin siya. Unfair.
"Ako lang dapat iniisip mo." Nagtatampong saad niya. "Hindi pa nga tayo ay may kaagaw na ako agad sa'yo."
I shook my head. Caleb is undeniably charming, and he has his own ways of making you smile. Its been more than one year since he courted me, but each day he's constantly proving that he's worth the chance. Habang tumatagal, nagbabago siya. Nagbabago siya dahil bawat araw pinaparamdam niya na mas minamahal niya ako.
"Anong gagawin mo kung natatakot kang sumubok ng isang bagay?" Tanong ko kay Caleb.
Sandali siyang nag-isip. "Ang hirap sagutin ng tanong mo kasi kahit ako marami ring kinatatakutan. Kaya marami rin akong bagay na hindi nasusubukan kasi lagi akong takot." Sumandal siya sa upuan niya bago nagpatuloy ulit. "Sabi nila kaya raw tayo natatakot kasi marami tayong iniisip na pwedeng mangyari. Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na paano mo malalaman kung hindi mo pa nasusubukan?"
I nod my head. Tama siya pa'no ko malalaman na masasaktan lang kami sa huli kung hindi pa naman namin sinusubukan. Paano kung kami naman pala talaga para sa isa't isa? Ayaw ko nang magkaroon ng mga what ifs at regrets. Kaya baka tama siya — hindi dapat ako matakot kung hindi ko pa naman nasusubukan.
"Ava? Nakikinig ka ba?" Napamulagat ako kay Caleb. "Kanina pa 'ko nagsasalita dito tapos tulala ka lang pala diyan."
"Sorry, a-ano ulit 'yon?" Tanong ko sakanya.
"Wala, sabi ko ang ganda mo sana kaso tulala ka naman lagi." Gusto ko siyang batukan, pektusan, hampasin o kahit ano dahil nakakainis. Sayang, gusto pa naman sana kitang sagutin, kaso nakakainis ugali mo, Caleb. Better luck next time nalang.
"Alam mo gwapo ka sana, kaso sarap mong batukan." Naiinis na sabi ko sakanya. Tumawa lang naman siya at nagkibit balikat.
"Alam kong gwapo ako, Ava. Hindi mo na kailangan sabihin. Maliit na bagay." Kita mo? Kita mo. Nakakainis talaga, ubod ng yabang.
"Alam mo, sarap mong iwanan dito."
"Alam mo ang sarap mong mahalin."
Napatitig ako sakanya. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko at namumula na 'ko ngayon. Nakakainis ka talaga Caleb — minsan sa mga biro mo pero madalas dahil sa mga banat mong nakakakilig.
Magsasalita palang sana ako nang marinig ko na ang malakas na boses ni Thalia. Nakita niya na ngang tahimik lang lahat ng tao dito tapos bigla siyang mag-iingay.
"Tama na landian, huy." Tumabi naman sa'kin si Thalia. Si Lucas naman ay kasunod niya at bahagya pa itong natigilan dahil wala na siyang makitang upuan.
"Wala ng upuan 'tol, sorry. Bawi ka nalang next life." Si Caleb na nangangasar pa. Tumawa naman kaming dalawa ni Thalia. Ang totoo niyan ay hinila na namin ang upuan kanina para kay Lucas. Dahil tatlong tao lang naman ang pwedeng umupo bawat table kaya inihiram na namin siya ng upuan. Pero itong si Caleb ay nakaisip na naman ng kalokohan kaya gusto pang asarin si Lucas.
"Hala, mahal, inaasar ako ni Caleb o." Baling ni Lucas kay Thalia. Sabay naman kaming nagulat ni Caleb dahil.
"Mahal?" Sabay naming sabi ni Caleb, at lumingon pa kami do'n sa dalawa. Hindi naman namin alam na sila na ba. Akala ko lang ay nagliligawan lang sila diyan.
"Ay jusko, tigilan niyo kong dalawa ha. Wala kayo sa Kdrama at may pagsabay pa kayo ng sabi. Walang magsslow motion dito, huy." Mahabang sabi ni Thalia.
"Kayo na?" Sabay ulit naming tanong ni Caleb.
"Ewan ko sainyong dalawa. Oo, kami na." Simpleng sagot ni Thalia. Habang si Lucas naman ay hinila ang upuan sa kabilang table para makatabi siya sa'min.
Sila Lucas at Caleb ang nagorder. Habang kami naman ni Thalia ay nagkekwentuhan.
"Hindi mo man lang sinabi sa'kin na kayo na pala." Nagtatampong saad ko sakanya.
Umirap naman siya. "Paano ko sasabihin sa'yo eh busy ka palagi kay Caleb." Inis ko naman siyang tinignan. "Joke lang, last month lang din naging kami."
Tumango naman ako. "Bagay kayo ni Lucas." Ngumiti ako sakanya. Mukha lang maldita si Thalia pero napakabait talaga niya. Isa pa, napakatiyaga rin talaga ni Lucas. Alam kong mahal nila ang isa't isa.
"Bagay din naman kayo ni Caleb." Tumingin pa siya sa direksyon nila Caleb na nakapila sa counter.
"Mahal ko na siya." Maikling sabi ko.
"Alam ko."
"Ha?"
"Matagal ko ng alam, Ava. Actually lahat naman kami alam na mahal niyo ang isa't isa." Tumingin siya sa'kin. "Natatakot ka ba subukan?"
I nodded. Natatakot akong sumugal. Natatakot akong kapag nagfailed kami ay tuluyan na siyang mawawala sa'kin. Natatakot akong masaktan. Pero mas natatakot akong masaktan ko siya.
"Hindi ba't mas nakakatakot kung hindi mo susubukan? Hindi ba't mas nakakatakot kung alam mong pwede ka naman maging matapang pero naduwag ka?"
Noong araw na iyon, narealize kong mahal ko na nga si Caleb. At ayaw ko na siyang mawala pa. Kaya sa kabila ng lahat ng takot at pangamba, susubukan ko maging matapang.
Dahil gano'n naman talaga 'di ba? Hindi nagwawagi ang mga duwag. Hindi makakarating ang hindi sumubok. Hindi nananalo ang hindi nagpatalo sa takot.
Kaya, tataya ako para sa'yo Caleb. Mahal kita kaya magiging matapang ako para sa'yo at para sa'tin. Dahil simula ngayon ay handa na akong makasama ka.
___________________________________________________________________________________________
Spread love, and happiness!