Chapter 1

1404 Words
He was my painter. He paints every artwork with full of love and dedication. He paints to express the reality of the world — the truth in every lie. We met when I was 16, we we're classmates during our Senior highschool. We take Science, technology, engineering, and mathematics or simply known as STEM. I knew eversince that he's in different path for what he really wants. But I saw how eager he was to learn from our strand — little did he knew that I can see his eyes slowly watching students from the Arts and design track. I know it was where he truly belongs, but he was so afraid to take it. Always been so afraid. "Sabay tayong maglunch?" I nod at Caleb — he was wearing his usual comforting smile again. "Tawagin ko lang si Thalia." Tatayo na sana ako upang tawagin si Thalia. Kaibigan din namin ito pero nasa kabilang section. "Gusto kitang solohin....." Parang batang sabi niya na hindi ko na halos maintindihan. Hindi ko alam kung linoloko lang ba ako ng sarili ko, pero nakita ko pa siyang nagpout. "Ano 'yon?" Tanong ko sakanya. But he just shook his head. "Wala. Sabi ko daanan nalang natin si Thalia." I admire him. His gray eyes, long eyelashes, and symmetrical face will capture your eyes the first time you see him. He was taller than me, but he has his ways to act like a kid sometimes. Cute. "Tara na, Thalia." Ngumiti ako sa kausap na lalaki ni Thalia, si Lucas. Ngumiti rin ito pabalik bago muling kinausap si Thalia ulit. Nakita ko namang nagliligpit ng mga gamit si Thalia habang nag-uusap sila ni Lucas. "Busy yata si Thalia, baka may activity pa silang gagawin ni Lucas." Binalingan ko naman si Caleb na katabi ko pa rin sa harap ng room nila Thalia. "Ha?" Sabi ko. "Halabyu." Mabilis na sabi niya na hindi ko na halos narinig. Nagkibit balikat na lamang ako dahil nakita ko na ring papalapit na si Thalia. "Grabe ang tagal mo." Singhal ko kay Thalia kasi nagugutom na ko. I glanced at Lucas, still fixing his stuff from his desk. "Hindi ba siya sasabay sa'tin?" Tanong ko kay Thalia dahil baka wala kasamang kumain si Lucas. I'm sure Caleb won't mind it. Mas close niya pa nga si Lucas. Tumango si Thalia at nagulat pa ko sa pagsigaw niya. Kahit kailan napakalakas talaga ng boses niya. Napailing nalang ako. "Dalian mo, Lucas. Gutom na kami!" Dagdag pa ni Thalia at nakita ko naman si Lucas na kinukuha na ang pagkain niya. May baon pala siya. "Ang ingay mo Thalia, sakit sa tainga." Napatakip pa ng tainga si Caleb habang si Thalia naman ay inis lang siyang dinilaan, tila nangangasar pa. Puno ang canteen pagkapasok namin. Mga apat na stall ang nandito, pero lahat ng 'yon ay puno ng pila. Iba-iba ang tinda bawat stall pero kila ate Beth ako lagi nabili. Gustong gusto ko kasi ang tinitinda nitong carbonara. "Hanap ka na ng upuan, Ava. Ako nalang bibili." Napatingin ako kay Caleb at halos sabay pa kami ni Lucas magsalita. "'Yon, siomai akin, 'tol. Salamat." Si Lucas. Binubuksan niya na ang wallet niya para kumuha ng pangbayad. "Ha? Sa kabilang stall 'yung iyo, Caleb." Rice meal kasi ang madalas kainin ni Caleb at sa kabilang stall 'yon. May mga rice meal namang tinda si ate Beth pero mas gusto ni Caleb 'yung nasa unang stall. Gusto kasi nito ang mga ulam doon. Lito naman kaming tinignan nila Caleb at Thalia dahil sabay nga kami nagsalita ni Lucas. Iaabot na sana ni Lucas ang pangbayad kay Caleb pero itinaas lang nito ang kamay habang pabirong itinulak ang ulo ni Lucas. "Si Ava lang. Ikaw ba si Ava ha?" Sabay kaming tumawa ni Thalia dahil magsisimula na namang mag-asaran ang dalawa. Napailing nalang ako at inaya na si Thalia para bumili. Narinig ko pa ang pagbabangayan ng dalawa kung sino ang bibili. "Ano bibilhin mo?" Tanong ko kay Thalia habang pumipili sa stall nila ate Beth. Mukha namang hindi kami napansin ng dalawa dahil marami ring tao sa canteen. "Corndog nalang akin." I nodded. Favorite talaga iyon ni Thalia. May baon naman siyang kanin palagi pero bumibili pa rin siya ng snacks. I noticed how she kept buying corndog everytime. Hindi naman ako gutom dahil nagbreakfast din ako ng kanin sa bahay. Saka madalas din akong hatian ni Caleb sa pagkain niya. Speaking of..... "Ava! Ang daya niyo." Napailing nalang kami ni Thalia. "Ang ingay niyo kasi gutom na kami ni Thalia." Sabi ko sakanya. Tumingin ako sa gilid ni Caleb kung katabi niya ba si Lucas pero wala. Baka bumili na ito ng siomai sa kabilang stall. "Tsk, bibili na ako." Narinig ko pang sagot niya habang paalis na upang pumila sa kabilang stall at bumili. I stared at his manly figure. Kahit nakatalikod ay ang gwapo pa rin nitong tignan. Pwede pala 'yon? Hindi ko alam pero may gano'ng epekto sa'kin si Caleb. Madalas tuwing nakatalikod ito ay nakakakuha ako ng pagkakataon na titigan siya ng matagal. I admire him. Crush ko siya. Gusto ko siya. Hindi ko alam kung anong tamang term pero iyon ang nararamdaman ko. Pero gano'n din ang takot na nararamdaman ko na umamin sakanya dahil alam kong hindi pa ako handa. "Anong gusto mong kunin sa college, Ava?" Tanong saakin ni Thalia. Nakaupo na kami sa isang mahabang lamesa. Katabi ko si Thalia, habang nasa harap niya si Lucas na katabi naman ni Caleb. Mahaba ang lamesa namin kaya sa kabilang bahagi ay may mga estudyante sa ABM strand ang kumakain doon. "Medtech, ikaw?" Maikling sagot ko. Si Lucas ang sumagot, imbes na si Thalia. Puno pa ang bibig nito ng kanin at siomai na ulam niya. "Parehas kaming Engineering, hoy. Jowa goals!" Napalingon naman ako kay Thalia. "Anong jowa goals? Sinagot na ba kita ha?" Jusko, ni hindi ko nga alam na nagliligawan na pala sila dito. Habang stress kami sa Physics at sa iba pang subjects namin ay nagagawa pa nilang maglandian? Sana all kaya lumandi at maging laude. I noticed how Caleb silently eating his foods. I know this was his worst nightmare. He kept avoiding this question. Palagi niyang sinasabi na magdodoktor siya, pero alam kong hindi. Sinasabi palang niya at finifigure out ang magiging trabaho niya ay alam ko na. Alam ko kung ano ang gusto niya. Pero palagi siyang takot. "Bakit ayaw mo ng Fine Arts?" Tanong ko kay Caleb habang nasa public library kami. Dalawa lang kami dahil nakasanayan na naming mag-aral ng sabay dito. "Gusto ko magdoktor, Ava." He flip the page of his book. "Gusto ng magulang mo magdoktor ka." Pagtatama ko sa sinabi niya. Binalingan naman niya ako ng tingin. "Ako lang aasahan nila. Saka childhood dream ko rin naman iyon." Childhood dream. Some childhood dreams remain as it is because we have some reasons for not pursuing or for losing interest in it. I wanted to encourage him to be brave and take the course that he wants. I want him to be strong and follow his heart. Pero hanggang doon lang naman ang kaya ko dahil sa huli ay siya pa rin naman ang magdedesisyon. Days and months, turned into a year. Second sem in our last year as our Senior highschool the unforgettable Valentine's day I ever had. "Gusto mo ba ng chocolate, Ava? Tanong saaking ni Caleb habang naglalakad kami pauwi. Malapit lang naman ang bahay namin sa isa't isa. I shook my head. I was not fond of any sweets. "Flowers gusto mo?" Umiling ulit ako. "Stuff toy? Baka gusto mo ng teddy bear para huggable." Tumingin ako sakanya habang natatawang umiling. Nakakailang tanong na siya saakin kung ano gusto ko. Syempre ikaw! "Hmmm, gusto mo bang ipagluto nalang kita?" Tanong ulit niya saakin. Binalingan ko ito ng tingin. "Hindi naman kailangan, Caleb." Gulat naman siyang napatingin saakin na para bang may sinabi akong mali. "Anong hindi? Valentine's day kaya ngayon. You should feel especial today." "Valentine's is just a sole day every year. Days before and after this day are more important. Kasi walang nagsasabi sa'yo kung anong gagawin. You voluntarily and wholeheartedly doing it everyday." Mahabang sagot ko sakanya. Huminto siya sa paglalakad kaya nagtataka ko itong binalingan ng tingin. "I want to court you, Ava. And I will wholeheartedly make you feel especial even after this day." ___________________________________________________________________________________________ Spread love, and happiness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD