"I want to court you, Ava. And I will wholeheartedly make you feel especial even after this day."
I was taken a back. Is he serious? Did I hear it right? Baka naman imagination ko lang ito? Epekto na naman ba ito ng pagpupuyat ko sa
Kdrama kagabi?
"P-pwede naman akong manligaw 'di ba?" I notice how he stutter at his words. Para siyang kinakabahan.
"Pag-iisipan ko." Tumakbo na ako palayo para itago ang mga kumakawalang ngiti saakin. Baka nga namumula pa ako rito ngayon.
Narinig ko naman ang pagtawag saakin ni Caleb. Malamang ay nagulat siya. Kung sa sagot ko ba o sa pagtakbo ko ay hindi ko alam. Pero nagulat nalang ako na katabi ko na ulit siya at nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Caleb." Pagtawag ko sakanya. "See you, Ava. Gawin mo 'yung activity natin ha." Inis ko naman itong tinignan. Hindi naman kasi 'yon ang tinutukoy ko.
"Sigi na, pumapayag na ako." Pigil ngiti kong sabi sakanya. Bumakas ang gulat sa kulay abo niyang mga mata.
"Ha?"
"Hang sabi ko, oo na nga Caleb. Ayaw mo ba? Babawiin ko nalang-" He cut me off when he realize something.
"Wait, did I get it right? I can court you Ava? Tumawa muna ako dahil nakakatawa ang mukha niya. I nodded at him before bidding my goodbye. Pumasok na ako sa loob at sinara na ang gate namin at hindi na hinintay ang reaction nito. Pero narinig ko pa rin ang pagsigaw nito sa pangalan ko na para bang tuwang tuwa siya sa sinabi ko. Akala mo naman ay nakapasa na siya sa Physics kung makasigaw.
Caleb was man of his words. He meant every word he says. Kapag sinabi niya ay gagawin niya talaga. Gano'n ko siya nakilala. At alam kong ayon din ang nakasanayan niya. Gano'n siya pinalaki.
He was born in a family of doctors. Calyx Adrianne Altreano, Caleb's father, was known for being the best surgeon in the country. While his mother, Cassandra Margaux Altreano, the youngest woman to be OB-GYN. And Caleb, being the only child was expected to continue the legacy of their family.
But I know where his heart truly belongs. I can spot the lies everytime he speaks about his future profession. I know what he dreamed at night, and what he envisions himself to be, even if he don't utter any word at me. I just knew him too well, I guess.
"Nakahanap ka na ng RRL saka RRS para sa research natin?" I glanced at Amiel, our group's leader. He was known for being too serious with every task he does. He's an achiever, after all. Pero mabait din naman ito. Hindi nga lang niya ugaling kunsintihin ang mga freeloader.
"A-ah oo. Send ko agad. Hanapin ko lang 'yung file." I saw him nod and smile. Kung alam lang niyang wala pa akong nasisimulan. Tatlong RRL at tatlong RRS pa naman ang nakaassign saakin. Tsk, inuuna kasi ang Kdrama, Ava. Hayst.
"Kumain ka muna." Nagulat ako sa presensya ni Caleb. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa whiteboard ng room namin. 11:30 na pala. Hindi ko man lang namalayang lunch na namin. Ginawa ko na kasing tambayan ang Google Scholar para maghanap ng mga RRS. Tapos ko na rin naman na ang tatlong RRL na nakaassign sa'kin.
"Busy pa'ko. Baka hingiin na ni Amiel 'yung part ko." Nakita ko naman siyang sumilip sa laptop at binasa ang nasa screen.
"RRS?" Tumango naman ako sa tanong niya. "ERIC try mo."
Napalingon naman ako sakanya. "Sino si Eric?" Kaibigan niya ba 'yon? Baka may alam sa mga RRS?
"Silly." Mahina pa siyang tumawa. "Educational Resources Information Center or ERIC. Try mo doon maghanap." Napaawang naman ang labi ko. Google Scholar lang kasi ang ginagamit ko o minsan naman ay Research Gate. Ngayon ko lang narinig ang wabsite na 'yon.
I entered the website and my eyes glimmered with happiness as I browse various studies that I can use to support our research. "Grabe ka, Caleb!" Lumingon ako dito at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. He looked taken a back, though. "Thank you. The best ka talaga maging kaibigan."
A small smile rose from his pink lips. "Mas the best ako maging boyfriend." Mas lumapit pa siya saakin. "Gusto mong subukan?" Nagkatitigan kami. Para bang inaalam ang bawat pagkatao ng bawat isa. Ako rin naman ang unang nagiwas ng tingin dahil nailang ako bigla.
"H-ha. Ayaw ko 'no. Sigi na, tapusin ko na muna 'to." Nagbrowse na ulit ako sa laptop ko at nagcite ng mga related studies na pwedeng gamitin. APA o American Psychological Association ang format na ginagamit namin.
"Nagluto ako ng chicken curry. Dalian mo, para makakain na tayo." Sabi nila "the way to a man's heart is through his stomach", pero saamin ni Caleb baligtad. Siya ang magaling magluto saaming dalawa. Araw-araw niya akong linulutuan ng pagkain at sabay namin 'yon kinakain tuwing lunch.
Sinabi ko na nga sakanyang diet ako pero parang wala lang sakanya. Magdadala pa rin siya ng pagkain, kaya syempre sayang naman kaya kinakain ko na rin. Not that I was being forced though, masarap talaga siya magluto. Pero halos hindi na ako gumagastos para sa pagkain ko. Ang allowance ko tuloy ay display nalang.
"Pst, kain na tayo." Pagtawag ko sa atensyon ni Caleb na naglalaro sa cellphone niya. Agad naman niyang tinabi ito at binuksan na ang tupperware ng dala niya.
"Hindi tayo sa canteen kakain?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang umiling. "Anong oras na, wala na tayong uupuan doon. Saka magrreview pa tayo para sa quiz mamaya."
Tama naman. I guess part of being a senior highschool is being able to divide your time wisely. You have to be organized as hell. Pero dapat alam mo rin kung paano magkaroon ng oras para sa leisure stuffs mo. Kasi kung hindi, baka mabaliw ka sa dami ng backlogs mo. Matututunan mo nalang magenjoy ngayon para mamaya handa ka kapag nagbreakdown ka habang tinatapos 'yung mga activities mo.
"Dinamihan ko ng patatas 'yan para sa'yo. Masarap ba?" Tanong agad ni Caleb ang bumungad saakin pagkasubo ko palang ng pagkain ko. Masarap, pero hindi ako 'yung tipo ng tao na sanay magcompliment.
"Sakto lang." I shrugged, and continued eating my food.
"I take that as compliment, though." Pagbawi ni Caleb. You can take me, instead. I smiled secretly with that thought.
___________________________________________________________________________________________
Spread love, and happiness!