Chapter 3

1585 Words
Caleb was thoughtful. Problema ko palang ay nasolusyunan niya na. Alam niya tuwing naubusan ako ng yellow pad, o 'di kaya'y tuwing nasstress ako kay Isaac Newton. Bakit ba kasi ako nagstem? Pero sa bawat ngiti na binibigay niya ay nakikita ko ang mga lungkot na pilit niyang itinatago. Hindi niya alam kung paano magsabi ng problema, pero hindi mo naman kailangang marinig pa ito para malamang mabigat ang pinagdadaanan niya. He was living with pressure. He was forced to be better each day. I know how frustrated he is for striving everytime. Pero, gusto kong malaman niya na merong mga araw na kahit masurvive lang natin ito ay ayos na. The fact that he can rest his mind and soul at night after a long tiring day is more than enough. The fact that he survived it, means a lot. "Gusto mo icecream?" I asked Caleb. He looks overworked and stressed this past few days. Malapit na kasi ang finals namin and I know he was aiming to be the Valedictorian of our strand. "No." Maikling sagot niya. Taray naman. Akala mo naman ay makakatabi niya sa pagtulog 'yang medal niya. As if kaya siyang lambingin at bigyan ng bebe time niya. Napairap ako sa naiisip. Mukha namang nahalata ito ni Caleb kaya napatingin siya saakin. I was just staring at him, while he's busy browsing his notes and memorizing some keyterms. Nasa library kami ng school namin ngayon. "Hindi ka magrreview?" Tanong niya saakin. I shook my head as a response which confused him. "Bakit?" Ulit niya sa tanong niya kanina. "Three days na akong nagrreview. I need rest." Totoo naman. Stress din kaya akong magreview nitong nakaraan. Ayaw ko rin namang bumagsak 'no. "Pero bukas na finals natin." Pagpapaalala niya. Napairap naman ako bago sumagot. "Exactly. That's why I need rest." I shrugged and smiled at him. Nagtataka pa rin niya akong tinignan kaya napabuntong hininga ako. "Aanhin ko lahat ng nareview ko kung bukas tulala na ako habang nageexam?" Lumapit pa ako sakanya at tinapik tapik ang balikat nito na para bang pinapayuhan ko siya sa isang napakabigat na problema. "Work smarter, Caleb, instead of working hard." I glanced at him once again. "Mindset ba, mindset." Linagay ko pa ang isang daliri ko sa kaliwang sentido ko para mas dama. Napailing naman ito at tumawa. "Ang cute mo." Napairap naman ako. "Hindi ako aso." Sagot ko sakanya. "I know, you are Athena Valerie Marquez soon to be Altreano." Napapitlag naman ako sa sagot niya. Itong lalaking 'to! Akala mo naman ay sinagot ko na siya. Tsk. "Asa ka." Napairap ako. Inusog ko na ang upuan ko para tumayo. Maghahanap nalang ako ng libro dito para makaiwas sakanya. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang huli niyang sinabi. "Asa-wa mo in the future." Tumawa pa siya ng bahagya na nakapagpainit lalo ng pisngi ko. Mabilis lumipas ang oras tuwing magkasama kami. Pwede pala 'yon? 'Yung parang hindi mo nararamdaman 'yung galaw ng orasan, at kung pwede nga lang patagalin ang bawat minuto na magkasama kami, gagawin ko. Two months left before our graduation in Senior highschool. Tama nga sila, shs has the best two years of every students' lives. You'll meet different kind of people that you will treasure for lifetime. You will learn more things to prepare you for college, and in your future profession. "Ava, cellphone mo. Kumakain tayo." Saway sa'kin ni papa. Ayaw niya kasing may kahit na ano na distraction habang nasa hapag kainan. Ang sabi niya, ang oras ng pagkain ang tanging oras na nagkakasama-sama ang pamilya. Bukod doon, dapat ay galangin at respetuhin ang pagkain na nasa harapan namin dahil biyaya ito. "Nakapagreview ka na ba para sa entrance exam mo, 'nak?" Baling saakin ni mama. Napangiti naman ako dahil sinasandukan niya ng pagkain si papa, habang si papa naman ay sinasandukan si mama ng ulam sa plato. Mula noon, hanggang ngayon ay hindi nagbago ang samahan nilang dalawa. "Opo 'ma. Next week po ay mageexam na ako." Napatango naman sila mama at papa. "Ilang CETs kukunin mo 'te? Baka mamaya umabot ka sa University sa Baguio ha." Tanong saakin ni Liliene, bunso naming kapatid. "Naku, mga bente nga ang Universities na balak kong magexam." Pagsakay ko sa biro niya. "Hindi ko nga alam pa'no ko isisingit sa sched ko." Bumuntong hininga pa ako at kunwari stress talaga ako para mas dama. Tumawa naman sila mama at papa. "Ikaw talaga, Ava." Umiling iling pa ito. "Pero, huwag mo naman masyadong pahirapan ang sarili mo, anak." Paalala sa'kin ni mama. "Gan'yan 'yan si ate kasi kasabay niyang magexam si kuya Caleb." Napatingin naman ako kay Liliene dahil sa biglaan niyang pagbanggit kay Caleb. Kilala nila ito, dahil alam nilang kaibigan ko ito at kaklase. Alam din nilang nanliligaw ito saakin dahil nagpaalam din sakanila si Caleb. He's the sweetest and respectful man, after all. "Ay oo nga pala, malapit na ang birthday ng papa mo. Invite mo si Caleb, ha." Paalala saakin ni mama. Tumango naman sakanya si papa dahil close na si Caleb sakanila. "Oo nga, gusto ko ng makita ang batang iyon." Halos buong oras kong iniisip kung pa'no si Caleb ngayong mageentrance exam na sa college. Hindi na kasi namin ito pinaguusapan dahil alam ko rin namang hindi siya komportable pagusapan ito. Honestly, I want him to take what his heart wants. I want him to be brave enough to follow the path he's been longing to take. But, I don't want him to disobey his parents as well. I know how much Caleb loves his family, and this will create chaos between him and his parents. Nag-open ako ng Messenger at nakitang may message si Dorothy. Agad ko naman itong binuksan para basahin. Dorothy Frayne Valderama Natanggap ka pa ba ng acad commission, girl? Athena Valerie Marquez Oo naman. Bakit? Dorothy Frayne Valderama Pasa ko sa'yo 'yung akin. Keri lang ba? Athena Valerie Marquez Hindi ko aatrasan 'yan. Haha, 'lam mo 'yan, girl. Dorothy Frayne Valderama Sigi, send ko sa'yo deets. Athena Valerie Marquez Okay, tysmDorothy Frayne Valderama 'Di kaya ng sched ko:(( Dami kong pending activities. Athena Valerie Marquez Awit Gusto mo magpa acad comsh sa'kin hehe:)) Dorothy Frayne Valderama Loka! HAHAHAHAHA Athena Valerie Marquez Mura lang pramis. Presyong kaibigan. Dorothy Frayne Valderama Iwan ka sana ni Caleb! Yabang mo porket may Caleb ka. Athena Valerie Marquez Hehe! Mainggit ka. Dorothy Frayne Valderama Maawa ka sa single, huy. Hinintay ko nalang na magsend na ng details si Dorothy. Narefer niya na ako doon sa customer niya kaya naman minessage ko nalang ito at kami na ang nag-usap. Mabait si Dorothy kaya mabilis din kami naging magkaibigan. Parehas din kasi kaming naghahanap ng mapapagkakitaan. Kaya naman ang bonding namin magkaibigan ay maghanap ng pera. I think, very friendship goals! Habang naghihintay ng reply sa customer ko ay nakita kong online si Caleb kaya minessage ko ito. Athena Valerie Marquez May acad comsh ako ngayon hehe Skl ko lang, ko lang ulit. Nakita kong mabilis niya itong naseen at naghaha react sa second message ko. Kaya naman mabilis ulit akong nagtipa ng message sakanya. Athena Valerie Marquez Pwede mo ba ako samahan? Caleb Altreano Saan? Athena Valerie Marquez Bibili ako stationary. Caleb Altreano Kakabili mo lang nu'ng nakaraan a? Athena Valerie Marquez Naubusan ako calligraphy pen saka sticky notes. Hindi ako makakapagreview. Sigi ka. Caleb Altreano Haha okay Kailan ka magttake ng CET? Saka saan? Athena Valerie Marquez UP muna, next week. Mga state univ target ko. Gusto ko siyang tanungin kung saan siya papasok sa college at kung nakapagdesisyon na ba siya sa kukunin niya. Pero alam kong awkward si Caleb sa mga ganitong usapan. At gusto ko kung tatanungin ko man siya ay sa personal. Caleb Altreano Goodluck, Ava. I believe in you. Athena Valerie Marquez Thank you! Bday pala ni papa next next week. Daan ka, kung may time ka. Caleb Altreano Clear ko pa sched ko para diyan. Athena Valerie Marquez Sus, parang napakabusy mo na tao. Nakita ko namang naghaha react nalang siya doon kaya sinimulan ko na ang pinapagawa saakin. Movie review lang naman 'yon pero mageedit pa ako sa Canva. Gusto kasi ay creative ito. Mga 1am na nang matapos ko ang movie. Maganda iyong movie at halos maiyak ako habang pinapanood ito. Ito ang gusto ko kapag nagpapa acad comsh ako dahil libreng nood na rin minsan. Lalo na kung movie review, o 'di kaya'y magbasa kapag book review naman. Humihikab akong nagbukas ulit ng Messenger para tignan kung may nagmessage ba sa'kin. Feeling may jowa lang gano'n. Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong nagmessage sa'kin si Caleb. Two hours ago na iyon. Caleb Altreano Don't stress yourself, Ava. Magpahinga ka rin Good night, and you did well today. Aja! Napangiti ako sa message niya. Caleb has his own way to create a zoo inside my stomach. He makes me feel important, loved and worth it. He makes me loved every little part of my self. He makes me happy in a way no one can ever achieve. ___________________________________________________________________________________________ Spread love, and happiness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD