Chapter 4

1934 Words
Monday morning probably was the hardest and toughest battle you can ever face. The unsatisfied weekend feeling, and the pressure of facing one fresh week starts in Monday. I swear, pakiramdam ko hinahatak pa ako ng kama ko pabalik. The funniest thing is, every Monday I need to remind myself that I just need to go through this but ending repeating it everytime. It seems to be a routine, or a cycle. Paulit-ulit. I startled when my phone beep. Labag sa loob kong sinagot ang tawag. Hindi man lang ako nag-abalang tignan kung sino ito dahil inaantok at tinatamad talaga ako. "Good morning, Ava. Ipupusta ko future nating dalawa, nakahiga ka pa at tinatamad kumilos." Bumungad ang masiglang boses ni Caleb. Hindi ba siya nakakaramdam ng Monday sickness? "Crazy." Napairap pa ako sa kawalan kahit hindi naman niya nakikita ito. He chuckled, and I swear it was unfair because even his voice seems to be undeniably handsome. Jusko, kung boses ba naman niya ang bubungad sa umaga mo, sino ba naman ako para tamarin 'di ba? "Do you know what they used to tell about starting Monday mornings?" He asked. "No." I simply answer. Totoo naman, hindi ko alam. Ang aga-aga gusto niya na ako agad mastress. Hirap talaga kausapin ng matatalino minsan. He chuckled before answering and I heard his small voice, almost inaudible saying 'cute'. And I swear, I can even imagine him smiling. "The way how you started it; is the way how you wanted to end it. Kung sinimulan mong stress, magtatapos kang stress." He paused for a while. I almost think that he would end the call. But his last words planted an unfamiliar feeling in my heart. "That's why I'm starting my week hearing your angel-like-voice. So I can end it loving you deeper." Ang masarap na sinangag ni mama ang unang naamoy ko pagkalabas ko ng kwarto. Nakaligo na ako at nagsuot na rin ako ng uniform. Para pagtapos kumain ay aalis nalang ako. "Sarap naman niyan." I sniffed. One thing I love about my mom is she cooks the best food. Madalas nga ay sinabihan namin siyang magtayo ng maliit na kainan o eatery pero ang sabi niya ay hindi raw niya kaya iyon. I doubt. Her food deserves recognition. It was so good. Ang sabi pa nga ni papa na nu'ng unang beses na natikman niya ang luto ni papa ay alam niya ng ito ang gusto niyang makasama habang buhay. But, in the contrary, ako na anak ni mama ay hindi marunong magluto. Although learning how to cook and clean should be common and basic knowledge for everyone. It is not a gender role. Lahat ng tao ay dapat matuto nito. Marunong naman akong maglinis ng bahay. Pero, hindi lang talaga ako marunong magluto. Ayon din ang madalas naming pinag-aawayan ni mama dahil gusto niya akong matuto. Gusto ko rin namang matuto dahil alam kong kailangan ko rin malaman ito. "Naku, tawagin mo na nga muna ang papa mo doon. Napakatagal talaga kumilos." Impit akong tumawa dahil napailing iling pa si mama. Ayon talaga ang madalas nilang pag-awayan. Umakyat muna ako dahil nasa taas ang kwarto nila mama at papa. Kumatok ako sa pinto nila at narinig ko namang sumigaw si papa ng, "pasok". "H'wag ka na raw magpapogi 'pa. Nagseselos si mama baka may pinopormahan ka na raw doon." Umupo ako sa kama nila at pinanood si papa sa salamin na nag-aayos ng buhok niya. "Sakanya lang naman ako nagpapapogi. Baka mamaya ay iwan ako kapag pumangit ako." Sabay kaming tumawa ni papa. Tumayo ako at tumabi sakanya. Humarap naman si papa saakin at inayos ko ang ilang hibla ng buhok niya. "Takot ka po ba kay mama, 'pa?" Tumingin muna siya sa mga mata ko bago bumuntong hininga at sagutin ako. "The idea of her, leaving me, haunts me at night. It was my worst nightmare. Lalo nu'ng dumating kayong magkapatid sa buhay namin. Takot akong iwan niyo ako ng mama mo." Mahabang sabi niya. "Paano niyo po nasabi na mahal mo na po si mama?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Humarap siya sa salamin, at magkatinginan kami gamit ang repleksyon namin sa salamin. "The world was chaotic, but her smile can calm me. Tuwing kasama ko siya kaya kong kalimutan ang mundo. She was my sweetest escape from this cruel world." He paused, and smiled. "Noong napapansin ko na hindi na lang pala ako gumigising para sa sarili ko. Kasama na rin pala sa mga rason kung bakit ko kailangan gumising ng maaga ay para makita agad 'yung mama mo. Those small little gestures, anak, speaks a lot." I smiled at him. Hindi ko alam kung kaya ko bang pantayan ang pagmamahal nila mama at papa para sa isa't isa. Hindi ko alam kung kaya ko bang hanapin 'yung taong kaya akong mahalin kagaya ng pagmamahal ni papa. Naisip ko si Caleb. Sa maikling oras na kasama ko siya, hindi ko makakailang nahuhulog na ko sakanya. Habang tumatagal hinahanap hanap ko na siya. Pero, pagmamahal na ba ang tawag do'n? Sa palagay ko ay hindi pa. Ayaw kong madaliin ang lahat tapos sa huli magsisisi lang kami. Gusto kong maging sigurado sakanya. 'Yung alam kong kahit anong hirap ang pagdaanan namin ay kaya naming lampasan dahil mahal namin ang isa't isa. "Bakit may boyfriend na ba ang prinsesa ko ha?" Naputol ang pag-iisip ko sa tanong ni papa. Tumawa ako at umiling. "Wala 'pa. Curious lang ako kung pa'no mo nalaman na mahal mo na si mama." Ngumiti siya sa'kin. "Si Caleb ba ang iniisip mo habang tinatanong mo ako?" Natigilan ako sa tanong niya. Pero hindi ko na kinailangang sumagot para malaman ni papa ang tugon sa tanong niya. "Magulo ang pagmamahal anak. Hindi mo kailangan ikumpara ang amin ng mama mo sainyo ni Caleb. May sariling paraan ang pagmamahal para malaman mo sa sarili mo na mahal mo na siya." Tumigil siya sandali bago nagpatuloy. "'Yung napapanood mo sa TV na may slow motion kapag nakikita nila 'yung taong mahal nila? Totoo 'yon. 'Yung biglaang pagtibok ng malakas ng puso mo; totoo rin iyon. Iba-iba anak, at lahat 'yon totoo. Kaya ikaw lang sa sarili mo ang makakaalam kung mahal mo na ba siya o hindi." Naputol ang kwentuhan namin ni papa nang tawagin kami ni mama para kumain. Ako ang inutusan para tawagin na si papa tapos pati ako ay hindi na nakababa pa. Napailing ako. Malamang ay umuusok na naman ang ilong no'n ni mama. "Pangit kabonding ng mama mo." Natatawang sabi ni papa habang pababa na kami ng hagdan. "Sus, tanggal naman 'yang angas mo pagdating kay mama, 'pa." Tumawa siya ng malakas bago bahagyang tumango. "Tama ka." "Nako ano pa 'yang tinatawa tawa niyo diyan ha. Naunahan pa kayo ni Lilien bumaba." Pagkatapos namin kumain ay umalis na ako para makapasok na. Madilim ang langit at mukhang uulan pero hindi ko na ito pinansin. Nasa jeep na ako nang maramdamang nagvibrate ang phone ko. Kaya tinignan ko kung sino ang nagtext. Caleb Corny Ingat, Ava, baka madapa ka~ Ava Marquez Shutacca Caleb Malate ka sana. Caleb Corny Haha, nasa biyahe ka na? Ava Marquez Oo, ikaw? Caleb Corny Ha? Halos maputol ang maikli kong pasensya ngayong araw. Minsan talaga ay napakaslow nito ni Caleb eh, buti nalang pogi. Ava Marquez Nasa'n ka na? Nasa biyahe ka na rin? Caleb Corny Nasa puso mo na nagkakape Ava Marquez Bwct ka talaga Hindi ko na pinansin ang reply ni Caleb dahil malapit na ako sa school. Baka kasi mamaya ay lumagpas ako at gawing roadtrip 'to ni manong. "Para po," sigaw ko nang makita ang pulang malaking gate ng school namin. Pero, hindi man lang huminto si manong kaya sumigaw ulit ako. "Manong, para po." Sumigaw na rin ang ibang pasahero dahil hindi talaga humihinto si manong. Sabi na eh, balak talagang gawing field trip 'to ni manong eh. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 7:55 na. Malalate na 'ko sa 8:00 am class ko! "AYOKO NA, MANONG. TAMA NA PLEASE." Natigilan ako sa biglaang tigil ng jeep at sa sabay-sabay na pagtawa ng mga pasahero. Ay, nasabi ko ba ng malakas 'yon? Inside joke lang dapat 'yun. "Pasensya ka na ineng. It's not you, its me." Lalo akong namula sa sinabi ni manong. Sinakyan niya pa talaga 'yung kahihiyan ko. "Shot puno na 'yan." "Ate, gusto mo ba tissue." "Hindi ako nainform, may live breakup scene pala dito." Gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Magkano kaya pamasahe papuntang Venus? Mars? Mercury o kahit sa Jupiter nalang. Kahit saan basta malayo dito. Jusko, 'yung pride ko. "Hehe, s-salamat po. J-joke lang po 'yon." Dali-dali kong kinuha ang gamit ko. "Hehe, baka 'yun m-multo 'yung sumigaw!" Habol ko bago tuluyang bumaba ng jeep. Gusto ko pa sana ipagluksa 'yung pride kong nawala pero malalate na talaga ako. Kaya tumakbo nalang ako ng mabilis papunta sa building namin. Saktong pang bumagsak ng malakas ang ulan kaya lakad-takbo na talaga ang ginawa ko. Ito ang ayaw ko kapag nasa building 5 ka tapos third floor. Awit talaga. Tinatawag pa ako nu'ng guard namin dahil kailangan pang ipakita ang ID pagkapasok. Pero hindi ko na nilingon dahil malalate na talaga ako. Ewan ko ba sa school namin daming pakulo. Malalate na ako at mababasa na ako ng ulan ay kailangan pa munang ipakita ang ID. Hayst. Halos mawalan na ako ng hininga pagdating ko sa room namin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil baka nasa loob na ang prof namin. Pero sa gulat ko, mga kaklase kong nagbabatuhan ng papel ang nadatnan ko. "Hala, Ava, wala raw pasok." Taka kong nilingon si Vince. "Bakit daw?" "Suspended eh." Simple niyang sagot. Sa gulat ko ay napaupo ako sa upuan na katabi niya. Hindi man lang ako nag-abalang ilapag ang gamit ko. Ramdam ko pa rin ang hingal ko tapos suspended daw. "Hala, bakit ka pa pumasok, Ava? Napalingon ako kay Caleb at tinarayan lang siya. "Bakit hindi mo sinabing suspended pala?" Naiinis kong singhal sakanya. Alam niya ba ang pinagdaanan ko huwag lang malate tapos suspended naman pala. Sumigaw-sigaw pa ko do'n sa jeep tapos wala naman pala kaming pasok. Aw8t talaga. "'Di mo nareceive text ko sa'yo? Tinext kita eh sabi ko suspended ang pasok." Inis kong binuksan ang bag at hinanap ang cellphone ko. Gustong gusto ko na siyang singhalan at ipakita sakanya na wala nga akong nareceive. Pero kapag minamalas ka naman talaga ay nabasa ko ang text niya. Caleb Corny Suspended pasok, Ava. Huwag ka na pumasok. Pauwi na rin ako. Sana may dala kang payong. Gusto ko nalang talaga magpalamon sa lupa. Hindi na kasi ako nag-abalang tignan pa ang cellphone ko kanina dahil akala ko ay mangangasar lang siya. Malay ko bang suspended na pala. Tumikhim ako. "D-dapat tinawagan mo 'ko!" Inis kong sigaw sakanya. Sorry Caleb, at thank you sa effort. "Oo nga 'no? Hala sorry, sigi next time." Napakamot pa siya sa ulo niya. Tumabi siya sa'kin at umupo doon sa bakanteng upuan. "Bakit ka hinihingal Ava? Tumakbo ka ba?" Awit. Awit talaga. "Ha? Hindi a. Tinesting ko lang kung ga'no ako k-kabilis tumakbo." Nagiwas ako ng tingin sakanya, pero nararamdaman ko pa rin ang nagtataka niyang mga mata. "Gano'n ba? Samahan mo nalang muna ako sa canteen. Hindi pa ako nag-aalmusal eh." Ako naman ang tumingin sakanya. "Bakit hindi ka nag-almusal?" "Wala lang, gusto lang kitang makasabay." Nagiwas siya ng tingin. Alam kong may mas malalim pang dahilan doon. Nag-away na naman ba sila ng mga magulang niya? "Doon nalang tayo sa labas ng school kumain. Libre ko." ___________________________________________________________________________________________ Spread love, and happiness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD