Dahil sa isang buwan ang binyag ay agad nag ayos sila Tita. Kung ano anong picture ang ginawa sa anak ko at halatang naiirita na kaya naman panay ang iyak nito. Ayaw ko kasi ng Spiderman ang team kaya naman nag adjust sila para sa akin. Eto ako ngayon, umiiyak ang anak ko habang buhat buhat ko. Niyuyuogyog ko dahil iyak pa rin ng iyak. "Sorry na, hindi na, baby." Hinalikan ko ang ulo nito at saka inabutan na ako ni Kurt ng gatas para sa anak ko. Pinadede ko 'to ko habang nandito kami sa sala at namimili na sila ng pictures para sa ieedit. Si ate Sam ang mahilig sa Photography at sa pag eedit ng picture. Kaya naman hinayaan na namin s'ya ang mag ayos no'n. Cocomelon ang team ng Christening ng anak ko, dahil wala naman kasing buhok ang anak ko at talagang kalbo ay bumagay sa kan'ya na il

