This is my decision. Ako naman, wala na dapat pa piliin kung hindi ang sarili ko naman. Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang luha ko. Ngumiti ako ng mapait at tinignan ko ang anak ko na ngayon ay tulog na tulog na. Nilagay ko 'to sa kama at saka hinaplos ang pisnge nito. Tahimik na tumutulo ang luha ko habang nasa kwarto ako. Hindi na ako lumabas mag hapon. Hinatiran lang ako ni daddy ng pag kain at saka umalis s'ya. Hindi naman s'ya sa akin nag tanong tungkol sa desisyon ko. He just tapped my head and smiled. Sa gabi ay pumunta sii Kuya Jin sa kwarto ko. Agad nito dinaluhan ang anak ko at saka binuhat. Dahan pa ba 'tong gumalaw para lang laru laruin ang anak ko. "Kuya Jin." Napatingin 'to sa akin. "Hindi ka pa umuuwi?" "How? Andreianna is crying and worrying about her brothe

