Umuwi kami sa bahay ni Tita at Tito dahil sa final hearing na mgaganap. Dahil nga hirap ako sa byahe dahil sa dinadala ko ay nasa bahay ako kasama sila Tito Scott at si Kurt. Hindi ko alam bakit si Kurt ang nandito imbis na si Samuel. Pakiramdam ko talaga may alam na si Kurt. Pero wala lang 'to sinasabi sa akin. Napabuntong hininga ako, hindi na o pinag headset. Kasama ko ang pinsan ko na si Jen na ngayon ay nasa kwarto dahil bawal n'ya marinig ang mga sasabihin. "Umamin na 'yung dalawang lalaki sa balak nila sa'yo noong gabing 'yun. Sa ngayon, ililipat sila ng kulungan. Hindi pwede sa munisipyo dahil nagagalit ang Mayor doon." Napatango ako dito. Hindi ko alam at wala na din akong pakielam dahil malinaw na ngayon. Ang mga nang yari sa akin noon ay ibabaon ko na sa limot, kakalimutan k

