Alam ko sa pag alis n'ya ay wala na akong pag asa. Wala silang alam na alam ko kung saan 'to nag punta pero nanatili akong tahimik. Tahimik na nasasaktan at umaakto na walang alam kahit sobrang sakit na. Hindi ko alam kung bakit ganito, bakit parang napapagod ako kay Kurt. Umaasa ako pero nawawalan ako ng pag asa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Lumalabo na ang lahat para sa akin. Umalis s'ya para kay Celine, tinulak n'ya ako para kay Celine. Hindi ko alam maniniwala pa ba ako sa kan'ya o hindi na. Mag hihintay pa ba ako? Pero dahil sa pag mamahal ko ay pinili ko na lang mag hintay kahit walang kasiguraduhan. Hinatid n'ya ako sa bahay nila Kuya Jin noong araw na 'yun. Hinalikan ang labi ko at ang aking umbok na tiyan. Sa araw na 'yun, ilang beses ako nag makaawa na wag n'ya ako iwan

