Huminga ako ng malalim noong ama namin na, kaya naman tumayo ako at nakisabay sa pag kanta. Naiwan ako sa upuan ko noong oras na ng pag subo. Tahimik kong pinikit ang anak ko. "Lord, kung nasaan man s'ya ngayon? Kahit hindi na s'ya bumalik, basta maging maayos lang s'ya. Sana mailabas ko din ang anak ko ng maayos, Lord. Wag nyo s'ya pababayaan at kami ng anak ko." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa gilid ng mga mata ko. "Tulungan n'yo ako makalimot, Lord. Hindi ko na kaya pa mag hintay, hindi ko na kaya ang sakit. Gusto ko na makalimot sa lahat ng sakit, Lord. Para sa akin at sa anak ko." "Anak.." napadilat ako dahil narinig ko ang boses ni daddy sa tabi ko. Pinunasan nito ang luha ko at hinalikan ang sintido ko. Niyakap ko 'to habang nakangiti ako, makakalimot din ako. Magiging maay

