"Kurt! Come! Samahan mo ako sa bake shop!" Dahan dahan kong binaba ang remote control dahil sa tawag ni Mommy sa akin. "Patayin mo na ang TV! Para pag dating ng daddy mo maayos na ang lahat. Hindi ba kayo nag isip nito?" Kaya naman pinatay ko na ang tv at saka tumayo. Pumunta ako sa kusina at napangiti ako ng makita ang ayos nito. Puro baloons at may banner na 'Happiest birthday, daddy' "Mukhang masarap lahat ng niluto n'yo ha?" Kumuha ako ng isang shanghai pero agad na pinalo ni Ate ang kamay ko. "Mamaya na! Parating na sila Ate Sam. Kaya samahan mo na si Mommy!" Umirap sa akin 'to. Alam ko kasi sinundo ni daddy sila Ate Sam sa Metro Manila dahil hindi makakauwi sila Tito Noah and Tita Sacary, si Tito Sacarias naman at si Tita Aestria ay nasa bahay nila at mamaya nandito na. Today is

