MAY something memorable ang three days na usapan nina Dawn at Thor. Sa day one, ang paso na may nakatanim na rose plant ang nagpapangiti kay Dawn. Inilalabas niya sa may bintana ang paso para maarawan. Hindi rin niya hinahayaang walang dilig maghapon kahit busy siya sa pagsusulat. Sa day two naman, sa Sabang Zipline, ang mga eksena nila ni Thor sa beach at habang nagte-trek ang pabalik pabalik sa isip ni Dawn. At ang katibayan ng moment nila, ang souvenir picture sa zipline. Itatago ni Dawn ang picture na iyon kasama ng iba pang pictures na kasama niya si Thor. Nang araw na iyon ang day three ng usapan nila. Sa Ihawig ang punta nila ni Thor para sa firefly watching. Gaya ng dati, si Thor ang nag-arrange ng lahat. Mula sa van hanggang sa paghihintay nila ng oras ng pagsakay ng bangka, si

