Anne Moore Papunta na ako sa lugar na sinabi ni Andrew kung saan kami titira. Ngayon, pakiramdam ko, ako na pinakamasamang tao sa mundo. Nilagay ko sa panganib ang mga kaibigan ko at ang mas masama pa ay hindi ko alam ang nangyari sa kanila. Si Andrew ay isang halimaw at sa sandaling ito ang tanging nararamdaman ko para sa kanya ay poot. Kinamumuhian ko siya mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Masakit sa akin na sabihin iyon dahil nagkasama kami at naging malapit sa isa’t isa, akala ko pwedeng iba siya, pero nagkamali ako. Malupit at wala siyang pakiramdam, galit ako sa kanya at kaya kong sabihin ito sa harap niya. Nakaupo ako sa kotse, katabi niya at pakiramdam ko ay nasa impyerno ako. Magulo ang isip ko at ang gusto ko lang ngayon ay patayin ang katabi ko. Hindi ko akalain na kaya ko

