Anne Moore Hindi ako nakatulog kagabi, hindi ako mapayapa sa bahay na ito. I hate this place, pero kailangan kong manatili. Mabigat ang dibdib ko, namimiss ko ang mga kaibigan ko, na-mimiss ko ang lahat ng mga ginagawa namin. Bakit ba kasi nagdesisyon pa akong magtrabaho sa Carter companies. Nakahiga ako, at nagpapanggap na natutulog nang makita ko si Andrew na pumasok sa kwarto ko ngayong umaga. Nagpaalam siya kay Chloe, pero dahil tulog pa ito, hinalikan niya na lamang ito sa ulo bago umalis para sa trabaho. Ilang saglit pa ay nagising na si Chloe at nagtanong kung nasaan na raw ang Tito Andrew niya, damn it! Masyado na siyang na-attache sa kanya. Sinabi ko na lamang sa kanya na umalis na para magtrabaho, at babalik siya mamayang gabi. “Mom, Aunt Matilda made a cake for me,” sabi ni

