Chapter 82 CLARA Masakit akong tinitigan ni Lance. "At ako walang puso? 'Yon ba ang ibig mong sabihin?" "Ewan ko sa 'yo!" sabay irap ko sa kaniya. Binuksan ko ang box at nakita ko na puro damit at mga laruan ng dalawang kambal ang nakikita ko. "Tsss.. Ano' yan basura?" pangungutya ni Lance. "Umuwi ka na nga sa condo mo! Tapos na ang birthday ng kambal kaya lumayas ka na!" pagatataboy ko sa kaniya. "Yes! Aalis ako pero isasama ko kayo ng mga bata ssa mansyon na tayo titira," seryoso nitong sabi. "Umalis ka mag-isa mo! Huwag mo ako idamay kung gusto mo dalhin mo ang mga anak mo wala akong paki!" sabi ko pa pero ang totoo natatkot akong baka kunin niya ang mga anak namin. "Kung isasama ko ang mga anak ko kailangan kasama rin ang Nanay. Kung baga naka-pack na 'yan kaya sa mans

