Chapter 83 CLARA Pagkatapos maglaro ang mga bata ay nagtungo kami sa Jollibee. Ngunit napalingon ako sa isang coffee shop na malapit lang sa Jollibee at nakita ko si Ma'am Crystal. Nag-iisa lang ito na nakaupo sa coffee shop. "Ma'am Crystal!" sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin. "Clara Delfin?" aniya at tumayo siya. Agad ko naman hinila ang mga bata at nagtungo kay Ma'am Crystal. "Clara, kamusta ka na? I miss you!" tuwa niyang wika sa akin at nagbiso-biso kami. "Ayos lang po ako Ma'am. May mga anak na po ako," ngiti kong sabi sa kaniya. "Mga anak mo? Ang co-cute naman nila," tuwa nitong sabi. "Ikaw na ulit ang may-ari nitong mall?" tanong ko. "Hindi, lagi lang ako rito kasi nami-miss ko lang ang mga lugar na ito. Maupo ka gusto mo ng coffee?" tanong niya. "Ayaw ko po

