Chapter 84 CLARA Agad naman hinito ni Lance ang sasakyan sa tabi at agaran itong lumingon sa kinaroroonan namin mag-ina. ''Don't hurt my daughter!'' bulyaw nito sa akin na siyang lalo kong kinainisan. ''Huwag mo akong sigawan dahil dinidisiplina ko lang ang anak ko,'' sigaw ko sa kaniya. Mas lalo pang lumaki ang ulo ni Princes nang kampihan siya ng ama niya. ''Dedy, cake. Waaa..'' iyak nito sa matinis na boses. ''Okay, baby.'' anito at bumaba ng kotse at binuksan ang kaliwang bahagi ng sasakyan sa likuran ng driver seat at kinuha ang isang carton ng cake at binuksan. Kinuha niya si Princess sa akin at masakit akong tiningnan. ''Jindi tama 'yang pagdisiplina mo!'' tiim bagang nitong bulong sa akin at dinala si Princes sa unahan. Tumahimik naman ang bata. Habang kinakanlong n

