Chapter 55 CLARA Pumasok ako sa silid ko at doon nahiga. Naalala kong tawagan si Tonton para kamustahin ang mga kambal. "Hello, Ate?" ani Tonton. "Ano ang ginagawa ng mga kambal?" tanong ko. "Kumakain Ate, pinapakain sila ni Tita," Tonton. "Kausapin ko nga sila e-loudspeak mo, ha?" wika ko. "Naka-loud speak na, Ate!" ani Tonton. "Hello, kamusta na ang mga anak ng Pasniyang Hator?" tanong ko sa mga kambal. "Nanay!" sigaw ng dalawang bata. "Mabuti at naisipan mo pang kamustahin ang mga anak mo! Kailan mo sila bisitahin?" tanong ni Mama. Ma, hindi ko alam. Lumipat kasi ako ng trabaho saka strikto ang amo ko, kaya hindi ako makakalabas basta-basta," wika ko kay Mama. "Hay nako, Clara! Alibay mo na naman iyan. Ayaw mo lang talaga makita ang mga apo ko! Dinadamay mo kasi sila s

