Chapte 54 CLARA Habang nakasuksok ako sa kasulok-sulokan ng kama ay narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto. "Clara!" tawag niya sa akin. Hinanap niya ako sa banyo. "Clara!" sigaw pa niya. Maya pa ay nakita niya na ako na sumiksik sa sulok. "Hindi ko sinasadya," nanginginig kong wika habang aumiiyak. "Anong ginagawa mo riyan?" pag-alala niyang tanong sa akin. "Hindi ko sinasadya? Huwag kang lumapit!" iyak kong sabi. "Clara, ano ba ang pinagsasabi mo, ha? Hali ka rito gamutin natin ang sugat mo," aniya sa mahinahong boses. "Hindi ko sinasadya, Lance. Huwag mo akong saktan," nanginginig kong pakiusap sa kaniya. Lumapit siya sa akin at umupo siya. Kinukuha niya ang kamay ko na may sugat, pero binawi ko naman iyon sa kaniya. "Hindi ko sinasadya. Huwag mo akong saktan. Huwang mo a

