Chapter 94 CLARA Nakailang baso na ng wine si Zoey, kaya medyo lasing na ito. "Ang pangit niya, Clara, pero hindi ko alam kung bakit mahal ko ang pangit na lalaking iyon. Masungit na nga ang pangit pa," ani Zoey at iinom ulit sana ito nang biglang may pumigil sa kamay niya. "Sino ang pangit, humm?" wika ng isang baretong boses ni Raydin. Pareho pa kaming nagulat ni Zoey, at lalo akong nagulat na katabi nito si Lance at tiim bagang itong nakatingin sa akin, kaya napakagat na lang ako ng pang-ibaba kong labi. " 'Di ba sinabi ko na sa 'yo na huwag kang lumabas ng condo kapag wala ako, pero nakarating ka pa rito sa club na ito? may kinakatagpo ka ba rito, Zoey!" galit na wika ni Raydin. Nagkatitigan pa kami ni Zoey saka tumingin ulit ito sa asawa niyang pangit. "Wa... Wala nag-uus

