Chapter 95 CLARA Nang lumabas na ako ng banyo ay handa na ang pagkain. Pinapakain na ng mga yaya ang dalawang bata. Habang si Lance naman ay nakaupo na. "Kumain ka na rito kagabi ka pa walang kinain," malamig pa rin niyang wika sa akin. Kaya tumabi na ako sa tabi niya. Kumuha na ako ng pagkain, pero nawawalan ako ng gana kaya kunti lang ang kinuha ko. "May dapat pa ba tayong puntahan mamaya?" tanong ko sa kaniya habang sumusubo ng pagkain. "May pupuntahan ako mamaya ipapasyal ko ang mga kambal it's up to you kung sasama ka o hindi. May sarili ka namang pasya," sabi pa niya sa akin. Kaya lalo ako naiinis. Sumisikip ang dibdib ko sa pakikitungo niya sa akin. Alam ko galit siya dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya. Kung puwede ko lang sana kausapin si Zoey ay niyaya ko na lang sa

