Chapter 87 CLARA Kinabukasan ay nagising ako at nakita ko si Lance na bagong ligo ito. "Nakatulog ka ba ng maayos?" wala sa sarili kong tanong. Sa sofa kasi siya natulog kagabi. " 'Di masyado. Bukas na nga pala ang silid pero nakapad-lock tayo sa mansyon. Dinala ng Daddy ang mga bata, kaya dalawa tayong ikinulong nila rito sa mansyon," sabi pa ni Lance na seryoso ang mukha. Natuwa na sana ako kaso nang marinig ko na hindi kami makaalis sa mansyon at ikinulong kami ng mga magulang niya sa mansyon. Agad kong binuksan ang pinto at nagtungo sa silid ko. Pagdating ko roon ay nagbihis ako dahil kagabi pa akong naka-roba. Hindi ko lubos maisip ang kalokohang ito ng mga magulang niya. Kinuha nila ang mga bata tapos ikinulong kami ritong dalawa ng anak nilang Hator, kaya kailangan kong m

