Chapter 72 LANCE Napagpasiyahan ko na silipin si Clara sa silid niya. At nang buksan ko ang pinto ay nakita ko siyang nakahiga. Humihikbi ito akala ko tulog siya lumapit ako sa kaniya at naupo sa kama. ''Clara?'' tawag ko sabay hawak sa balikat niya. Agad siyang bumangon at naupo sa kama. Magang-maga ang mga mata niya. ''Bakit nandito ka sa silid ko? Lumabas ka rito!'' sigaw niya sa akin. ''Clara, please. Mag-usap tayo,'' wika ko sa kaniya. ''Para saan ang pag-uusapan natin, ha? Para ba sa mga anak mo!? Kung gusto mo sila kunin at ilayo sa akin, sige dalhin mo sila at umalis na kayo rito!'' sigaw niya sa akin. ''Hindi, hindi ko ilalayo ang mga anak natin sa 'yo. Gusto ko buuin ang pamilya natin, Clara,'' sabi ko sa kaniya. ''Nakalimutan mo na ba? Pinalayas mo ako kanina. Ha

