Chapter 73 LANCE Makalipas ang ilang oras ay nagising na si Princess. ''Dedy!'' ngiting bulas ng anak ko. Inangat niya ang kamay niya na hudyat na ibangon ko siya at buhatin, kaya binuhat ko naman siya. ''Uggss... Ang bigat ng Baby ko, ah!'' wika ko sabay halik sa kaniya.'' "Pupunta tayo sa Mommy mo.'' sabay dala ko sa kaniya sa silid ni Clara. Pumasok ako ngunit naabutan ko siya na nakatunghay sa bintan at naninigarilyo. Ibinaba ko si Princess at tumakbo naman ito sa ina niya. ''Nanay! '' tuwang sigaw ni Princes kay Clara. Lumingon naman si Clara sa anak namin. ''Nasaan ang kambal mo, ha?'' tanong niya sa anak namin. Hindi naman sumagot ang bata bagkos ay ngumiti lang ito sa ina niya. Nakasindi pa ang sigarilyo niya na nakaipit sa daliri niya. ''Puwede bang itapon mo 'yang

