Chapter 92 CLARA Tinawagan ni Daddy ni Lance si Mang Danilo. Ang hardinero nila at care taker ng mansyon. "Kamusta si Mama Luceana, Mom?" tanong ni Lance sa Mommy. "Nako, malungkot nga iyon dahil umuwi na ang mga apo niya rito sa mansyon. Pinapasama ni Daddy mo ayaw niya naman iwanan ang isla," sagot naman ni Dr. Diana. " 'Di bali bibisitahin na lang namin siya kapag may pagkakataon," sabi naman ni Lance. Bigla namang umiksina sa usapan ang mga kambal. "Dedy milk!" wika ni Frittz. "Milk Dedy!" sabi naman ni Princes. "O siya sige, hingi tayo sa mga Yaya niyo." ani Lance sabay tawag nito sa mga Yaya ng bata at dinala niya ang mga bata sa silid namin. Naiwan naman kami ng mga magulang niya sa sala. "Iha, ayos na ba kayo ng anak namin? Hindi ka ba niya pinabayaan rito?" ta

