Chapter 91 CLARA Kinabukasan ay maaga akong bumangon sa tabi ni Lance, mahimbing ang tulog nito dahil sIguro sa pagod dahil sa love making namin. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang guwapo pa rin niya at mas lalo pa naalala ko pa noon kung paano niya ako ligawan sa office. Kung paano ako nagpatangay sa mga matatamis na salita niya. Sana ngayon totoo na ang sinasabi niya sa akin. Sana mahal niya nga ako at sana napatawad niya na rin ako sa pagkawala ng mag-ina niya dahil sa akin. Kahit na hindi pa ako nakapaghingi ng patawad sa kaniya. Muli akong susugal sa pag-ibig na hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Dahan-dahan ako bumangon at dinampot ang mga damit ko na nakakalat sa sahig at isa-isang isinuot iyon. Bumababa ako at nagtungo sa kusina upang ipagluto ko ang asawa ko ng

