Chapter 97 LANCE No'ng araw na umalis si Clara na hindi nagpa-alam sa akin ay subrang nainis ako sa kaniya. Nagpunta lang ako sa silid ng mga bata para kunin ang mga ito ngunit pagbalik ko ay wala na sa silid namin ang asawa ko. Mabuti na lang at tumawag si Raydin na ang asawa ko at asawa niya ay nasa bar. Marami kasi ang nakakilala kay Zoey sa bar na iyon, dahil ang may-ari ng bar na pinupuntahan nila Zoey at Raydin ay isa sa mga kaibigan ni Raydin na si Mr. Wheeler, kaya pinuntahan namin ni Raydin ang mga asawa namin. At doon naabutan ko si Clara kasama si Zoey. Hindi man uminom ang asawa ko pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Syempre nag-alala ako sa kaniya. Ayaw ko siya paalisin na mag-isa dahil takot pa siya tumawid sa kalsada dahil sa aksidenting nangyari noon. Noong nasa hotel

