NAGISING ako sa masarap na pagkain na naaamoy ko. And, I know that smell.. That's one of my favorite! Kumalam agad ang sikmura ko at para na akong naglalaway sa gutom. I think si Xanth ang nagluluto no'n dahil wala na siya sa tabi ko! Nagtataka ako kung papaanong pumasok ang amoy ng pagkain sa loob ng kwarto ni Xanth gayong fully air conditioned iyon. But, nevermind. Mas iniisip ko ang pagkalam ng sikmura ko. Gano'n pa man ay kaagad na akong bumangon ng kama at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Hinanap ko kaagad ang kusina. Of course, alam kong doon galing ang naaamoy ko. At tama nga ang hinala ko. Naroon nga iyon! Naroon rin si Xanth habang nakatalikod at abala sa pagluluto. Tahimik akong humila ng upuan at saka ako nakapangalumbabang pinagmasdan ang likuran ni Xanth. Wala siyang su

