NAABUTAN namin sina Camille at Nanay Suling sa dining room habang magkatulong sa pagprepera ng pagkain sa pabilog na lamesa.
Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi namin ni Xanth habang magkahawak pa ang mga kamay namin nang lumapit kami sa dalawa.
Pareho pa silang nagulat pagkakita sa amin. Ngunit, kaagad iyong napalitan ng ngiti.
"O, nandiyan na pala kayo. Halina kayong dalawa at nang makakain na," anyaya sa amin ni Nanay Suling habang abala sa paglalagay ng kanin sa bandehado.
Ngumiti ako saka tumango. Kaagad naman akong ipinaghila ni Xanth ng upuan kaya agad na rin akong naupo. Saka din siya naupo sa katabi kong silya. Kaharap namin si Camille na ngiting-ngiti at nanunukso pa ang tingin.
"Psh! Akala ko, eh.. magtatagal pa kayo sa kwarto.." Ipinaglilipat-lipat pa nito ang paningin sa magkahawak naming kamay ni Xanth na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Hmm.. Kayo ha?? May hindi kayo sinasabi. I smell something, huh?"
"Really? But, I only smell bulalo! Mmmm! Ikaw ba ang nagluto niyan, Camille?" Turo ko sa umuusok pang bulalo na nasa harapan namin. "Hmm.. It looks so yummy!" Mas lalo akong natakam sa amoy. Lalo na ng makita ko ang sawsawan na patis, kalamansi at sili na nasa platito.
"This is not your favorite dish, babe, right? Ayaw mong kumain ng baka dati." Sabad naman ni Xanth habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
Bumaling ako sa kanya saka ngumiti. "Ewan ko nga ba at ngayon ay gustong-gusto ko na siyang kainin."
"Marahil ay iyan ang pinaglilihian mo, 'nak," si Nanay Suling.
Nakangiti akong tumango. "Oo nga po yata. Last month ay iba naman 'yong pinaglilihian ko, eh. Ngayon naman ay bulalo ang hinahanap ko," nakangiti kong tugon kay Nanay Suling at saka ko inilipat ang paningin kay Camille na nakaangat ang upper lip. Tila nauuyam ng hindi ko alam. "Mabuti naman at naisipan mo 'kong paglutuan neto kahit na abala ka sa pagaasikaso mo ng nalalapit mong kasal. How sweet of you naman, Camille! Love you!"
Doon na umikot ang mga mata niya at napilitang ngumiti. "Psh! Binabago ba naman ang usapan!" Bubulong-bulong niyang sabi na ikinangisi ko. Alam ko kasing may gusto itong alamin tungkol samin ni Xanth base sa tanong niya kanina. "Psh! Bueno.. Your welcome, beshywapz! Ipinagluto talaga kita niyan dahil 'yan daw ang lagi mong niri-request, Queen Zekeilah."
Natawa ako kahit pa medyo naasar ako sa itinawag nito sa 'kin. "Thank you so much, soon to be Mrs. Crawford!"
Nagulat pa ako maging si Xanth ay nahinto rin sa paghigop ng sabaw nang tumili ng malakas si Camille habang namimilipit pa sa kilig.
"Iihhhhhh!! Bakit mo naman ipinaalala sa 'kin.. Para na tuloy akong maiihi sa kilig, eh! Oh my gosh!!"
"Tsk! Napaka-OA mo!" Saka ako napahagalpak ng tawa.
"Mabuti na lang din at si Camille ang nagpresintang magluto niyang bulalo mo, 'nak Zekeilah dahil tinanghali rin ako sa pamamalengke sa bayan. At saka, hindi ko rin alam na darating ka, 'nak Xanth. Binilisan ko sana ang pamamalengke ko nang sa gano'n ay nakapagluto pa ako ng ibang putahe na gusto mo," ani Nanay Suling habang pinagsasalinan akong muli ng sabaw sa sarili kong mangkok.
"Actually, it was a surprise din po, 'Nay. Gusto ko kasing surpresahin si Zekeilah," ani Xanth at kinuha ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Saka niya dinala sa labi niya para hinalikan ang daliri ko kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay niya sa 'kin. "And gladly, she was surprised and happy that I am now here."
Napangiti ako habang titig na titig sa mga mata niya. Parang gusto ko siyang pupugin ng halik dahil sa kinang ng mga mata niya at tila gwapong-gwapo ako sa kanya ngayon! Pero syempre, nagpigil ako. Kailangan. At nakakahiya kung maghalikan kami sa harapan nila.
"Masayang-masaya ako para sa inyong dalawa," tugon ni Nanay Suling.
"Thank you, 'nay," si Xanth ang tumugon.
"Oh my!!!"
Nagulat ako nang makita ko na lang si Camille na biglang napatayo sa kinauupuan. Namimilog din ang mga mata nito habang nakaturo sa kamay ko na ngayon ay nakapatong sa mesa at kitang-kita ang kislap ng diyamante sa suot kong singsing.
"I-Iyan 'yong....Ihhhhhh!! Oh my syetee ka! What's the meaning of this, besh??" Tumitili niyang sambit habang hawak-hawak na ang daliri ko at pinakatitigan ang singsing ko. "B-Bakit nasa daliri mo ang pinakamahal na singsing sa shop ni Sir Kleint??"
Natatawa kong binawi ang kamay ko. "Hulaan mo!" saka ko binalingan ng tingin ang katabi kong mas malawak pa ang ngiti kaysa sa 'kin.
Muling hinawakan ni Xanth ang kamay ko saka niya ako inakbayan at kinabig papalapit sa kanya. Pagkuwa'y nagpalipat-lipat ng tingin kina Camille at Nanay Suling na tutok na tutok sa amin.
"I.. proposed to her a while ago and she said yes. And I'm happy to say that we are now engaged."
Natutop ni Camille ang bibig sa nadinig. Mabuti na rin iyon kaysa tumili siya at mabingi ako sa lakas ng boses niya. Si Nanay Suling naman ay napahawak sa dibdib habang malawak na napangiti.
"We're getting married soon.." Patuloy ni Xanth at hindi niya napigilang halikan ako sa labi sa mismong harapan nila.
Ako na ang kusang tumigil dahil baka hindi na kami makapagpigil.
Malawak ang ngiting binalingan ni Nanay Suling si Xanth. "Maitanong ko lang, kailan ka ba nagpropose, 'nak Xanth?"
"Hmm.. Kanina lang po," nakangiti namang sagot ni Xanth.
"Aba'y, nakakabigla at totoong napakasaya ko para sainyo," ani nito at lumapit pa sa amin para yakapin kaming dalawa. "Hangad ko ang inyong kaligayahan."
"Thank you po," magkapanabay pa naming tugon ni Xanth.
"So, kanina ka nagpropose, Xanth??" Nagugulat na tanong ni Camille. Mukhang ngayon lang uli nakabalik mula sa kabiglaan kanina. "Iyon ba 'yong tagpo na naabutan ko kayo kanina sa kwarto mo, Zekeilah?" Baling naman nito sa 'kin.
Agad akong tumango nang kunwari'y nakasimangot..
"Oo at bigla-bigla ka namang sumulpot kanina. Medyo naistorbo mo 'yong magandang moment namin," sabi ko at nangiti na rin ito.
"Sorry naman.. Hehe!" Nag-piece sign pa at muli ng umupo sa upuan nito. Saka ito muling bumaling kay Xanth. "Hoy! Xanth! Nag-proposed ka na pala kanina?? Akala ko ba'y mag—" hindi na natapos ang sasabihin ni Camille nang agad ko itong pukulin ng nagtatanong na tingin.
"Akala mo ano?" Naniningkit ang mga mata kong pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano 'yon?"
"Ah, eh.. Hehe! Wala 'yon, besh.. Bawal sabihin, eh," kyemeng tugon ni Camille at saka yumukong kinuha ang kutsara't tinidor at nagsimula ng kumain. Ngunit, pasimple pa rin akong tinitingnan nito.
Mas lalong lumukot ang noo ko. "Ano nga kasi 'yon?? May itinatago kayo sa 'kin, 'no?" Pinukol ko ng masamang tingin si Xanth na napapailing naman habang abala sa pagkain. "Hoy! Camille? Ano ba kasi 'yon? Akala mo ano??"
Saka muling umangat ang paningin ni Camille at nakangiwing tumingin sa 'kin at kay Xanth. "A-Akala ko kasi ay magkakaroon ng malaking event para sa magiging proposal ni Xanth sayo! 'Yon ang dinig ko."
Parang namang wala sa loob na ngumiti lang si Xanth.
"Ibig sabihin, may alam ka na about sa proposal neto?" Tinuro ko gamit ang dalawang hintuturo ko si Xanth at pinaningkitan siya ng mata. Na agad namang hinuli ang kamay ko at marahang dinampian ng halik.
Nakangiti namang tumango si Camille. "Hehe! Dinig ko lang naman, Zekeilah. Kaso, hindi ko alam na sa kwarto mo lang pala gaganapin ang engagement niyo! Psh! Kabadoy niyo! Wala man lang thrill? Walang iyakan effect? Walang kilig factor!" Anito at nagpatuloy na sa pagkain.
Tsk! Bakit nga ba naman sa kwarto ko nag-proposed si Xanth? Ayaw niya pa rin ba akong ipakilala sa buong mundo?
Bigla akong nalungkot sa naisip ko.
Muli kong nilingon si Xanth. Ngunit, hindi pa man ako nagsasalita ay sa tingin ko'y batid niya na ang sasabihin ko.
"Sorry, babe.. I was just too excited to give that ring to you," anya at masuyo niya akong kinintilan ng halik sa pisngi. "But, don't worry. I had a plan for that big event. Because I want everyone know about this," sabi niya at tiningnan kaming dalawa ni Camille.
Biglang natuwa ang puso ko sa narinig. Gano'n din si Camille. Nasulyapan ko rin ang natutuwang si Nanay Suling na nakatunghay lang sa amin.
"Psh! Dapat lang, Xanth. Naku! Pinakaaasam pa namang mangyari 'yan ni Zekeilah," natatawang patutsada ni Camille.
Pinukol ko tuloy ito ng irap. "Pinakaaasam talaga?"
"Hindi ba?" Pinandilatan niya rin ako.
"Aba'y tama na muna 'yan at lumalamig na ang mga pagkain niyo. Tapusin niyo na muna ang kinakain niyo at saka niyo na ipagpatuloy na pagusapan ang mga 'yan. Sa ngayon ay magpakabusog muna kayo," awat sa amin ni Nanay Suling na naglalagay na ng juice sa mga baso namin. "Congratulations, mga anak."
"Salamat, 'nay.." Para akong maiiyak ngunit pinigilan ko ang emosyon ko.
"Maiwan ko muna kayo at tatawagin ko lang ang mommy mo, Zekeilah nang makasabay na sainyo sa pagkain. Puntahan ko lang sa hardin at baka nandoon na naman iyon," ani nito at lumabas na ng dining room.
"Anyway.. Congrats sainyong dalawa!" Maya-maya'y tili ni Camille. "Teka, napagusapan niyo na ba kung kailan o saan gaganapin ang kasal ninyo?" Tanong nito at pinaglipat-lipat sa amin ang paningin.
"For now, hindi pa," si Xanth ang sumagot. "Hindi pa namin napagusapan kanina."
"Ah, okay. Sabagay, mamamanhikan pa kayo kina Zekeilah, eh. Maghaharap-harap pa kayo both side. Saka niyo mapaguusapan ang tungkol diyan," tumatango-tangong ani Camille habang abala pa rin sa kinakain.
"Yeah," ani Xanth at nilingon ako't kinindatan. "Maybe next week.. Mamamanhikan na kami sainyo, babe."
Nakangiti akong tumango. Napayakap pa ako sa kanya sa tuwang nararamdaman ko.
"Magaling ka palang magluto, Camille," maya-maya'y sabi ko habang nakaturo ang daliri ko sa mangkok na pinaglalagyan ng bulalo. "Ang sarap. Pwede ka na talagang magasawa. Turuan mo akong magluto neto, ha?"
Mayabang itong nagkibit-balikat. "No problem! Ang dali lang nitong lutuin, eh. Sige. Pag may time ako, lutuin natin 'to dito sainyo."
"Okay," tugon ko at agad ko na ring pinagpatuloy ang kinakain ko.
Maya-maya lang ay dumating si Nanay Suling na hindi mapakali. "Wala sa hardin si Crisanta, 'nak. Alam mo ba kung nasaan ang mommy mo?" Nagaalalang tanong nito.
"Nandito po siya kanina, eh. Sinamahan pa nga po niya akong magalmusal. Kaso, iniwanan niya ako kanina dahil may tumawag sa kanya. Hindi ko na po napansin dahil dumating naman si Xanth. Wala po ba sa kwarto nila ni Dad, 'Nay?"
Umiling si Nanay Suling. "Wala, 'nak, eh. Ilang beses na akong kumatok ngunit wala namang sumasagot. Kaya pinasok ko na 'yong silid at nakita kong walang tao doon."
Napaisip tuloy ako ng malalim. "Saan naman kaya pumunta si Mommy Cris?" Mahina kong tanong.
"Tawagan niyo kaya, besh. Baka magkasama sila ng daddy mo," suhestyon naman ni Camille na nahinto sa pagkain.
Umiling ako. "May ibang pinuntahan si Daddy. 'Tsaka sabi ni Mom kanina ay hindi niya raw ako iiwanang magisa rito kaya hindi siya sumama sa lakad ni Dad."
"Gano'n ba.. Tawagan niyo na lang si tita."
"I'll call tita Cris," presinta ni Xanth at agad na inilabas ang phone at saka dali-daling ini-dial ang numero ni Mommy. Maya-maya lang ay nag-ring na ang kabilang linya. Subalit, hindi naman sinasagot ni Mommy. "She's not answering."
Natutulala na ako habang nakatingin sa phone na hawak ni Xanth na patuloy pa rin sa pagkontak kay Mom. Ngunit, hindi pa rin talaga nito sinasagot ang tawag. Nilulukob na tuloy ako ng kaba dahil sa pagaalala.
"Please, 'wag kang tumigil sa pagkontak, Xanth," bakas na sa boses ko ang pagaalala.
"I will.. Babe?" Tawag-pansin sa akin ni Xanth at saka niya marahang pinisil ang kamay ko. "Are you okay?"
Tumango ako. "Nagaalala lang ako.." Saka ako bumuntong-hininga ng malalim.
"I'll call your dad too. Baka nga magkasama na sila ng mommy mo," anya at idinayal naman ang number ni daddy.
But...
"He's out of coverage," seryosong sambit ni Xanth. At muling binalikan ang number ni Mommy upang tawagan muli.
Doon na ako tuluyang nilukob ng matinding kaba. Pero, pilit ko pa ring pinapalitan ang kaba ko ng ibang pakiramdam dahil baka makasama iyon sa dinadala ko. Agad din akong napainom ng madaming tubig!
"Saan naman kaya pumunta ang mommy mo, 'nak? Mula ng dumating 'yon dito ay hindi iyon umaalis ng hindi nagpapaalam. Maski nga pupunta lang ng hardin sa likod ng bahay ay nagpapaalam pa rin iyon," ani Nanay Suling na mas lalong nagpakaba sa akin.
Napayuko na ako at parang gusto ko ng umiyak. Ayaw kong maulit ang ginawang pagiwan sa akin ni Daddy noon. Na pagkatapos akong pakainin ng almusal ay basta na lang akong iniwanan. Ilang taon akong naghintay bago ito bumalik. Gano'n din ang ginawa ngayon ni Mom. Pagkatapos akong pakainin ay basta na lang umalis ng walang paalam.
Pero, sana.. May pinuntahan lang talaga sila.
"Think positive, guys.. Baka may pinuntahan lang si Tita Cris at busy kaya hindi niya nasasagot ang tawag. At si Tito Zandro naman ay in-off niya ang phone dahil ayaw niya paistorbo sa lakad," ani naman ni Camille na nagpalakas ng kaunti ng loob ko.
"Babe.. Just relax, okay? They're fine, don't worry," hinaplos niya ang tiyan ko at saka niya ako niyakap ng mahigpit na ikinakalma ko. "They're not gonna leave you. Trust them."
Mukhang nabasa ni Xanth ang bumabagabag sa isipan ko. Kaya tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. Tumango ako at saka ko inihilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Siguro'y dalhin mo muna si Zekeilah sa silid niya, 'nak, Xanth. Nang mawala ang pagaalala niya. Hindi 'yon makakabuti sa kanya, eh," suhestyon ni Nanay Suling.
Subalit, umiling ako. "Dito lang po muna ako. Hihintayin ko po sila dito."
"Huwag ka munang mapraning diyan, Zekeilah, ha? Relax ka lang, okay? Imposible din naman kasi na iwanan kang muli ng mga magulang mo na walang paalam," ani naman ni Camille. "Ipahinga mo muna ang isip mo. Sige na Xanth. Dalhin mo muna siya sa kwarto niya."
"Nagaalala lang ako sa kanila. Wala 'to," palag ko.
"Naku. Zekeilah.. Basang-basa namin ang galaw mo. Umaabot na naman sa kabilang dimensyon ang isip mo," hirit pa ni Camille.
"Babe, come on. Doon mo na sila hintayin sa kwarto mo," pamimilit ni Xanth. "Please rest your mind. We knew what you were thinking."
Napabuntong-hininga ako sabay tango. "Camille, 'Nay.. Sabihin niyo kaagad sa akin kapag dumating na sila, ha?"
"Sige," magkapanabay nilang tugon.
Saka na ako ni-guide ni Xanth pabalik sa kwarto ko at maingat niya akong inihiga sa kama subalit naupo ako at sumandal sa headrest no'n. Nananatili namang nakatayo si Xanth sa gilid ng kama habang nagaalalang nakatunghay sa akin.
"Babe.." Tawag-pansin niya sa 'kin.
Inabot ko ang isang kamay niya at saka ko siya hinila. "Stay with me.. Please. I need someone to talk to." Halos pabulong kong sabi.
Tumango naman siya at pagkuway tumabi sa akin. Saka niya ipinagsalikop ang mga kamay namin.
Sandali kong ipinikit ang mga mata at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
"I wonder what you were thinking right now, babe. Iniisip mo ba na muling mangyayari 'yong pagiwan sayo ng daddy mo? At nagaalala ka na gagawin din iyon ng mommy mo?"
Dahan-dahan akong tumango habang napapalunok pa. Pilit kong inaalis ang animoy nakabara sa lalamunan ko.
"It won't happen again, babe, hmm? Don't worry.." Hinaplos niya ang pisngi ko at masuyo niya akong siniil ng halik.
Sandali kong nakalimutan ang pagaalala sa mga magulang ko dahil sa halik niyang iyon. Ngunit, agad din siyang tumigil. Hinabol ko pa ang labi niya subalit nangingiti naman niyang iniiwas ang bibig.
Nangunot ang noo ko. "Pabitin ka rin, 'no?" Nakabusangot kong tanong.
Mahina siyang tumawa. "Are you craving for more, babe?" Nanunukso ang mga mata niya habang nakatitig sa 'kin.
Umiinit ang katawan kong tumango.
Inilapit naman niya ang bibig sa tenga ko at bumulong. "I'm sorry but I'll reserve my strength for our big fight tonight."
Nagsitayuan bigla ang mga balahibo ko sa sinabi niya! Mabilis ko tuloy siyang nahampas sa dibdib.
"Anong big fight ka diyan? Buntis na ako, Xanth. Baka mapisa ang baby natin!"
"Hindi ko naman iipitin ang tiyan mo, babe, eh." Natatawa niyang sambit. "But, if you are craving for my kiss.. Then, let's have a quick one. Just for equality. Because I'm also craving to taste you."
Napalunok ako at tila may kuryenteng dumadaloy ngayon sa katawan ko.
"What quick one? Kiss lang naman ang gusto ko!"
"I know.. And I will grant it."
Nagulat na lamang ako nang bumaba siya sa kama at tinungo ang pinto.
"Saan ka pupunta?" Nagtataka kong tanong.
Narinig ko na lang ang mahinang 'click' sa may pintuan at saka siya nakangising bumalik sa kinahihigaan ko.
"I just locked the door, babe. To make sure that no one will disturb us."