"DID YOU like the flowers?"
Natigil ang sanay pagbubukas ko ng pinto palabas ng garden nang madinig ko ang boses ni Mommy Cris sa likuran ko.
Agad akong humarap sa kanya at naguguluhang tumingin sa mga nag-gagandahang bulaklak na hawak-hawak niya ngayon.
"Kanino po galing ang mga bulaklak, Mom?"
Ngumiti siya bago lumapit sa akin at saka ako dinampian ng halik sa pisngi.
"Pinitas ko diyan sa garden," anya at muling ngumiti. "Napakadami kasing bulaklak at nalalanta lang din naman kaya pumitas ako at inilagay ko sa kwarto mo."
Napabuntong hininga ako. Haiisstt.. Akala ko pa naman ay nandirito si Xanth at sa kanya galing ang mga bulaklak. Nawala 'yong kaunting excitement na naramdaman ko kanina.
Pero... Lihim kong nakurot ang sarili ko! Bakit ko nga ba gustong makita si Xanth?? Bakit hinahanap-hanap ko na siya? Samantalang pinaalis ko siya noon?? Bakit ako nag-i-expect na babalik nga siya dito? At kung babalik man siya dito ay hindi iyon dahil sa akin! Kundi sa anak niya! Haisst!
Matagal akong natigilan kung kaya't nagaalalang hinaplos ni Mommy Cris ang pisngi ko.
"Why, baby? Hindi mo ba nagustuhan 'yong mga flowers? Ayaw mo ba ng amoy? Tell me at ilalagay ko na lang doon sa living room," medyo kabadong tanong niya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nananatili sa pisngi ko at saka ako ngumiti sa kanya.
"No. No. I like it, mom.. Inakala ko kasi na may ibang nagdala no'n sa kwarto ko," sabi ko ngunit agad ko ring naalala ang mga cards na nabasa. "Ikaw din po ba ang sumulat ng mga cards, mommy?"
Tumango siya at malawak uling ngumiti. "Yeah, baby. And I promise to do it everyday."
"Thank you, mom. I love you po," sabi ko at mabilis na yumakap sa kanya na agad naman niyang tinugon.
Pagkuway ay kumalas kami sa isa't-isa at parehong nakangiti.
"Come on, baby. Take your breakfast na. Hindi ka pwedeng magutom, you know," anya at inakay niya ako papuntang dining room habang nakayakap ang isang braso niya sa akin.
"Where's dad, mom? Pati po si Nanay Suling?" Tanong ko habang nakadulog na ako sa mesa.
"Namalengke ang Nanay Suling mo at ang Daddy mo naman ay may mga nilakad na papeles. Gusto ko nga sanang sumama kaso maiiwan kang magisa dito. I don't wanna leave you, baby. 'Tsaka kaya na rin 'yon ng Daddy mo," anya habang hinahainan niya na ako ng pagkain sa plato ko.
"Gano'n po ba.. Ah? Mom, ako na po," ako na sana ang magsasandok ng pagkain ko ngunit inilayo niya kaagad ang serving spoon sa 'kin.
"Let me serve you, baby. Matagal tayong nagkahiwalay at gusto kong punan ang mga panahon na hindi kita naalagaan," anya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Napayakap ako sa beywang niya at saka ako ngumiti. "Mom.. But, I'm a grown up already, and—" pinutol niya ang sasabihin ko ng bigla niyang ilagay ang daliri niya sa bibig ko.
"Until you're not yet married, I will take care of you and treat you like this. And even if you're grown up already, I will still call you my baby. Understood?"
Lumabi na lang ako habang tumatango. "Okay, mom," nangingisi kong tugon dahil pumalakpak pa siya.
Magkasing-kulit sila ni Camille. Hehe! Magkaiba nga lang sila ng boses. Dahil ang kay Mommy ay malambing at masarap sa tenga.. Kay Camille naman ay napakatinis at naninira ng eardrums!
"Eat well, baby," sabi niya habang binabantayan ang bawat subo ko. "Is it yummy?" Tukoy niya sa niluto niyang sopas.
Tumango ako. "Yeah. Masarap po. Kayo po ang nagluto, mom?"
Nakangiti din siyang tumango-tango. "Yep!" Maya-maya lang ay biglang tumunog ang phone ni Mom kaya napabangon siya sa kinauupuan. "I'll take this call first, baby. Just stay there and eat more, okay?" Bilin niya at nagmamadali ng lumabas ng dining area.
Habang kumakain ay muling sumagi sa isipan ko ang mga nalaman kagabi.
Hindi kaya.. Totoo ang hinala ni Camille na si Sir Kleint nga ang may kuha ng video sa amin at siya ring nag-upload sa mga social sites?
Kung tama ang hinala ni Camille.. Ano naman kaya ang rason ni Sir Kleint at ginawa niya ang bagay na iyon?
Napabuga ako sa hangin at muling kinalma ang isipan. Ayaw ko munang magisip ng mga ganyang bagay at baka iyan pa ang maging dahilan para mapahamak ang baby ko.
Mas inisip ko na lamang 'yong mga magagandang alaala namin ni Xanth noong kami pa.. Kung paano ako naging masaya sa piling niya kahit na alam kong magulo na. Kung paano niya akong paligayahin.. At kung paano kami nagkakaintindihan noon..
Pero, agad ko rin iyong pinalis sa isipan ko dahil baka maiyak lang ako ulit. Lalo pa't namimiss ko na siya ng sobra! O kaya, baka ang baby lang sa tiyan ko ang nakakamiss sa kanya? Haiisst!
Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at nang matapos ay ako na rin mismo ang naghugas ng mga pinagkainan ko.
Eksakto namang tumunog ang karaoke ng kapitbahay kaya napapasabay na rin ako sa chorus ng kanta.
♬♪♫ ♬♪♫ "I give my all to have just One More Night with you, I'd risk my life to feel your body next to mine coz I can't go on living in the memory of our song.. Naaahh..I give my all for your love tonight.." ♫♪♫♪♩
Lalo ko tuloy na naaalala si Xanth dahil sa lyrics ng kanta pero gayon pa man ay nagpatuloy ako sa pagsabay sa tugtog at bigay na bigay pa ako dahil halos sumasabay din sa pagindayog ng mga balakang ko.
♫♪♩♫♪♩ "Baby, can you feel me.. Imagining I'm looking into your eyes. I can see you clearly, vividly emblazoned in my mind and you're just so far, like a distant star I'm wishing on tonight..." ♫♪♩♫♪♩ "I give my all to have just One More Night with you, I'd risk my life to feel your bod— ahh!"
Nagulat ako nang may yumakap sa 'kin mula sa likod at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Hindi ko pa man makita kung sino ito ay kilalang-kilala ko na ang pamilyar na amoy nito! Dumagundong ng malakas ang dibdib ko.
Si Xanth!!
Parang lumukso ang puso ko nang iharap niya ako sa kanya at pinakatitigan ako sa mga mata! Walang kakurap-kurap ang mga mata ko habang nakikipagtitigan din sa kanya.
"You really have a nice singing voice, babe.. You really are perfect."
Pagkasabi no'n ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya agad na akong napapikit! Ngunit, nagtataka ako kung bakit hindi pa dumidikit ang mga labi namin?! Muli akong nagmulat at doon ko nakita ang kapilyuhan sa ngiti niya.
"Are you sure you want to give your all just for one more night with me, babe?" Anya sa namamaos na boses at mas lalo pang idiniin ang sarili sa akin!
Napalunok ako at di ko na siya matingnan sa mga mata!
"T-That was just a song, Xanth! I'm not referring it to you.. There is no meaning for me after all!"
"Hmm.. What if I tell you.. I want you to give your all to me and I also give my self to you forever? And, you don't need to risk your life just to feel my body next to you coz I am yours, and I will give you my love not just for tonight, babe, but every night.."
Hindi ako makapagsalita. Parang tumiklop ang bibig ko at nanatili na lamang akong nakatingin sa mga labi niya. Para na namang kinikiliti ang puson ko!
Until our lips met. I closed my eyes and feel the love he was talking about.
Nang matapos ang ilang minuto naming paghahalikan ay iniharang ko ang dalawang kamay ko sa pagitan ng mga dibdib namin at saka ko siya kinunutan ng noo.
"Why are you here, anyway? I thought you're busy and you said that you'll come back here when everything is fine already? And I think our issue is not yet done."
Kinuha niya ang kamay ko saka niya ako hinila papuntang kwarto ko. Hindi ko maintindihan pero kinikilabutan ang buong katawan ko sa paraan niya ng paghila sa akin..
Pagdating namin sa loob ng kwarto ay sandali muna siyang natigilan at pinagmasdan ang mga petals ng mga bulaklak na nagkalat sa sahig. Saka niya ako kinabig papalapit. Naupo siya sa kama at kinandong niya ako papaharap sa kanya.
"Who made that?" Tukoy niya sa mga bulaklak.
Nangiti ako saka ako pumulot ng isang petals na naroon sa ibabaw ng kama at pinalipad iyon.
"Si Mommy Cris. Siya ang nagkalat ng mga bulaklak na 'yan kanina while I was asleep. Nagulat nga din ako pagkakita ko diyan, eh. Akala ko galing sayo—no! Hindi ako nag-i-expect!" Pagsisinungaling ko. Baka kasi mas lalo pang lumaki ang tenga niya.
"Hmm.. Kapag ako ang gagawa ng ganyan, babe, mas magarbo pa diyan ang gagawin ko. But, I appreciated your mom. She's so sweet," anya at nagnakaw ng halik sa 'kin.
Tumango ako bilang tugon. Napaka-sweet naman talaga ng mommy ko ngunit may ka-striktuhan din minsan pero umaapaw pa rin ang kabaitan kaya patay na patay si Daddy. Lihim akong natawa dahil naaalala ko kung paanong kabahan si Dad kapag tumataas ang kilay ni Mom. Tsk.
"Why are you smiling, babe?" Tanong ni Xanth na pumukaw sa akin.
Napaismid ako. Tsk! Nahalata pa rin niya kahit palihim na nga iyong tawa ko? Saka ko naalala 'yong itinanong ko sa kanya kanina.
""Bakit ka nga nandito? Sabi ng mga kapatid mo ay busy ka kaya di ka nakarating kahapon. Sabagay, lagi ka namang wala kapag birthday ko. Hindi na ako nag-i-expect na dumating ka."
Nakangiti siya habang nakatitig sa 'kin. "Everything is fine now, babe. That's why I'm here. I miss you so much and I want to be with you and our baby.."
Marahan niyang hinaplos ang tiyan ko na ikinakiliti ko. Napaungol pa ako ng sumayad ang daliri niya sa puson ko. Mukhang ini-enjoy niya naman kaya nagpatuloy siya sa paghaplos doon hanggang sa mapapikit na ako at magsimula na akong mangunpit sa batok niya.
Ngunit, muli na naman niya akong binitin katulad kanina na akala ko ay hahalikan niya ako. Tumigil siya at binuhat niya ako papahiga sa kama. Saka siya tumabi sa akin ng papatagilid habang nakatukod ang isang kamay niya sa ulo niya.
"You said that you'll give your all to me tonight.. Not in the daylight," nakangisi niyang sabi.
"Pfftt! I told you that was just a song!" Naiirita kong tugon. Ba't panay ang konekta niya sa kinakanta ko kanina.
"So.. are you gonna give your all to me now?"
"No. Wala akong nabanggit sa kanta ko na sayo ko ibibigay ang lahat sa 'kin. May narinig ka bang pangalan mo?" Nangingisi ko na ring tanong.
"Babe—" naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Zekeilah? Nandiyan ka ba—oh! Xanth, hijo?? Nandiyan ka pala! Ooppss! Pasensiya na.. Marahil kailangan niyong dalawa na mapagisa." Hindi na kami nakasagot pang pareho ni Xanth dahil nagmamadali ng lumabas si Nanay Suling.
"Whoaah! Mabuti na lang.." Nakahinga ng maluwag si Xanth saka isiniksik ang mukha sa leeg ko.
Nangunot ang noo ko. "Anong pinagsasasabi mo diyan?" Tanong ko kahit nakikiliti na ako.
Kinintilan niya ako ng halik sa leeg bago niya ako sinagot. "Mabuti na lang at na-control ko ang sarili ko kanina dahil kung hindi ay maaabutan tayo ng Nanay Suling mo na pareho ng walang mga saplot."
Inismiran ko siya at marahang tinampal sa balikat. "Mabuti na lang din dahil matatadyakan kita kapag inakit mo pa ako! Alis na nga diyan at gusto kong magpaaraw sa labas! Antagal kong nagkulong dito, eh."
Ngunit hindi ko siya matinag dahil isinandal pa niya ang isang binti niya sa akin para huwag akong makaalis sa kinahihigaan ko.
Pagkuway muli niya akong siniil ng halik sa labi na ikinasuko ko.
Syete 'yan! Bakit ba ang rupok ko!?
Ngunit sandali lang din iyon at muli siyang tumigil. Saka niya ako tinulungang bumangon.
Pagkuway sumeryoso ang kanyang mukha at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Babe, I'm sorry for everything you've been through because of me. I'm so sorry for everything. Sorry din kung hindi ako nakapunta kahapon. Totoong busy ako. Gustuhin ko mang makarating sa araw ng birthday mo ay hindi pwede. Kaya, babawi na lang ako ngayon."
Tumango ako saka ko siya tipid na nginitian. "Okay lang naman sa 'kin, eh. I understand. And, thanks din pala dahil ikaw ang nagpaalala sa kanila na kaarawan ko kahapon. Halos nakalimutan ko nga din na birthday ko, eh."
"I won't forget that especial day of yours, babe."
"Thank you."
"And.. I had a gift for you. But, close your eyes first," utos niya na ikinakunot ng noo ko.
"Are gonna pranking me?"
Natawa siya. "No, babe. Come on, close your eyes now."
Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko ipinikit ang mga mata ko.
"Now, copen your eyes," maya-maya'y utos niya sa 'kin.
Saka ko iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko nang tumambad sa paningin ko ang maliit na kulay pulang kahon! Lumakas ang kabog ng dibdib ko! Napapalunok at awang ang bibig ko habang nakatingin sa bagay na iyon.
Nang buksan niya ang kahon ay halos mapasinghap pa ako nang bumulaga sa mga mata ko ang pinakamahal na diamond ring sa shop ni Si Kleint! Dahil tumataginting lang naman iyon sa halagang one point two billion pesos!
Agad iyong kinuha ni Xanth at saka ako tinitigan sa mga mata. Hindi ko na mapigilan ang pangiliran ng luha.
Totoo ba 'to??
"Babe, will you be mine..?"
"X-Xanth.." Awang pa ang bibig ko at di pa rin ako makapaniwala. "Y-You're not just acting, r-right?"
Seryoso siyang umiling. "I'm not. Please, answer me wholeheartedly," anya at namumungay pa ang mga mata.
"A-Are you proposing me to be your girlfriend again or what?" Gusto ko lang klaruhin dahil naguguluhan pa rin ako.
"I want to share my life with you, babe. I want you to be my wife, Zekeilah.. So, can you be mine forever?"
Doon na tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko at saka ako dahan-dahang tumango.
"Y-Yes, Xanth, yes!" sagot ko kaya naman ay agad na isinuot ni Xanth ang singsing sa daliri ko at pagkatapos ay hinalikan niya ang ibabaw niyon at saka pinadausdos ang labi niya sa braso ko hanggang sa makarating iyon sa labi ko.
"Thanks, babe," anya sa pagitan ng mga halik niya. "Worth it din pala ang paglayo ko. Dahil pagbalik ko ay malaking gift ang ibibigay mo sa 'kin. I love you, babe."
"Xanth.. Am I dreaming?"
"No.. Please say you love me too, babe. Just like before."
"Hindi naman nawala 'yon, eh. 'Tsaka, alam mo naman na kung bakit ako nakipaghiwalay sayo no'n, diba? At... syempre akala ko kasi may relasyon talaga kayo ni Vixen kaya kita pilit na pinapalayo."
"You still love me?" Pangungumpirma niya.
Tumango ako. "Oo nga. Mas minahal pa kita no'ng dumating etong magiging baby natin.. Syempre, di ka na nawala sa isip ko," ngumiti ako sa kanya. "I love you, Xanth."
"We have the same feeling, babe. Mas minahal pa kita dahil dinadala mo na ang magiging baby natin."
"Okay.. Stop for cheesiness love birds! Come on out of here. Tirik na tirik ang araw at pagpapawisan kayo dito. Mamaya niyo ng gabi sulitin ang kasiyahan!" ani Camille na hindi namin namalayan na pumasok pala ng kwarto ko. "Halina kayong dalawa habang mainit-init pa ang bulalo mo, Zekeilah!"
Naiiling na lamang at natatawa si Xanth habang nakatingin sa akin. Samantala, ako naman ay nakatutok ang mga mata sa pintong nilabasan ni Camille.
Ang loka-loka at nagawa pang istorbuhin ang maganda naming usapan ni Xanth! Tsk.
Mamaya lagot ka sa 'kin!
Ngunit, nagulat ako dahil nasa kay Xanth na ako nakatingin at namumungay ang mga mata niya habang nakatunghay sa 'kin.