CHAPTER FIFTEEN

2829 Words
'XANTH was never been mine.. He's all yours!' 'Xanth was never been mine.. He's all yours!' 'Xanth was never been mine.. He's all yours!' Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Vixen bago ito nagpaalam sa amin kanina. Is she honestly mean it? Is she telling the truth? Hindi nga ba naging sila ni Xanth? Pero.. ano naman kaya 'yong mga ipinakita nilang paglalambingan at may tawagan pa silang nalalaman noong magkakasama kami sa kotse papuntang resort? Are they just pretending? But, why and what for?? Tsk! I need to clear those things out! Kanina pa natapos ang surprise celebration ng birthday ko at nagsiuwian na nga rin ang lahat. Alas onse na rin kasi ng gabi. Tanging si Camille na lamang ang siyang nagpaiwan dahil gusto raw akong makausap. Kasalukuyan muna itong tumutulong kina Nanay Suling at Mommy Cris sa pagliligpit ng mga kalat at pinagkainan. Maaga ring natulog si Daddy dahil bawal sa kanya ang mapuyat. May mga iniinom pa rin kasi ito na mga gamot. Then, something came to my mind.. I remember my wish earlier.. That's impossible! I know! Drake said that Xanth will not be coming here coz he was so busy right now. Well, I understand. Anyway, I don't believe that wish will come true right away! I have to wait patiently. Saka ko na lang namalayan ang paglapit ni Camille habang nagpupunas ng kamay sa laylayan ng kanyang polo blouse. Naupo siya sa tabi ko at pagkuway mabilis niya akong niyakap. Agad din siyang kumalas at nangingiting tumingin sa 'kin ngunit biglang nangunot ang noo ng makitang wala ako sa mood at tulala na naman. "Hoy! Zekeilah.. Psh! Ano ba naman 'yang mukhang 'yan! Kanina lang, eh, ang saya-saya ng mukha mo tapos ngayon bigla na namang naging biyernes santo! Huwag ka ngang sumimangot diyan at baka pumanget ang baby mo! Sige ka!" Pananakot niya. Sandali akong tumingin sa mga nanguusisa niyang mata at pagkuway bumuntong hininga. "May iniisip lang kasi ako, Camille." "Hmm.. Iniisip mo pa rin ba 'yong mga nangyari? Tsk.. Pwede bang kalimutan mo na muna ang mga 'yon? Alalahanin mo naman ang kalagayan ng pinagbubuntis mo, Zekeilah." "Gano'n naman talaga ang ginagawa ko.." Hinaplos ko ang tiyan ko. "Tama 'yan. Kasi, lilipas din 'yang mga balita na 'yan tungkol sayo. 'Tsaka, unti-unti na nga ring nawawala ang pangalan mo sa trending list, eh. Sa tulong at patunay nina Tito Zandro at ni Tita Cris ay unti-unti ng nababawasan ang mga bashers mo. 'Yong mga diehard fans lang naman ng love team nina Xanth at Mam Vixen ang walang pahingang mambashed sayo, eh. Saka isa pa sa mas nagpatunay sayo na malinis kang babae ay 'yong naging interview kay Mam Vixen na ngayon ay nasa number one top trending!" Mahaba niyang pahayag. "So, alam mo rin pala ang mga issue.. Akala ko ay wala kang pakealam sa 'kin," sabi ko at sinimangutan ko siya. Bigla niya akong tinampal sa braso na ikinapitlag ko. "Masakit 'yon, ah! Baliin ko kaya 'yang leeg mo, Camille! Tsk!" Bahagya ko pang nahaplos ang braso ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Ambigat ng kamay mo!" Imbes na matakot ay natawa pa siya sa pagbabanta ko. "Nakalimutan kong brutal ka nga pala kung mambanta! Anyway.. Sinong may sabi sayo na wala akong pakealam sayo? Hoy! Zekeilah! Kung makikita mo lang ang mga post ko sa IG stories ko, sa twitter account ko, sa f*******: page ko, sa youtube channel ko, at sa t****k account ko, todo pangdi-depensa ang ginawa ko laban doon sa mga namba-bashed sayo! Tsk! 'Kala mo, ha.." Nangunot ang noo ko saka ako natawa. "Ginawa mo 'yon?" Pinandilatan niya ako ng mata. "Of course! Sino pa bang gagawa no'n kundi kami-kami lang naman na lubos na nakakakilala sayo, diba?" Tumango-tango ako saka ako muling sumeryoso at bumuntong hininga ng malalim. "Nga pala, napanood mo na ba 'yong interview ni Mam Vixen?" Maya-maya'y tanong niya. Tumingin ako sa kanya saka umiling. "Hindi ko na binubuksan ang phone ko kahit na 'yong laptop. Hindi na rin ako nanonood ng tv. Mga goodnews lang din ang inihahatid na balita sa akin nina Daddy at Mommy Cris. You know, I need to protect my baby." Kumibit-balikat siya. "Well, tama naman 'yang ginawa mo para less stress ka. By the way, siguro sa ngayon ay okay-okay na ang lahat. Specially ngayon na sinabi na ni Mam Vixen ang tungkol sa pagkakabaliktad ng estado ng pagkatao niyo. Sinabi niya sa interview na siya raw ang totoong b*tch at hindi ikaw. Hindi siya nahiyang aminin iyon sa harap ng camera at pinanonood ng buong universe! At inamin na rin niyang wala silang relasyon ni Xanth dahil gawa-gawa lang daw iyon ng madrasta ni Xanth na si Madame Devorah na ngayo'y nasa trending list din dahil sa kasalukuyan na palang naghihimas ng rehas sa kulungan. Psh! Grabe! Andaming pangyayaring naganap sainyo magmula ng umalis ako papuntang Baguio!" Walang hingahang sambit niya. Ngunit sa dami ng sinabi niya ay mas tumatak sa utak ko ang tungkol sa pagamin ni Vixen na wala silang relasyon ni Xanth. So, totoo pala talaga 'yong sinabi ni Vixen kanina.. Pero, gusto ko pa ring malaman kung bakit kinailangan pa rin nilang magpanggap sa harap ko na mayroon silang relasyon! "Hoy! Zekeilah! Sa dami ng sinabi ko ay ni isang salita ay wala man lang lumabas diyan sa bibig mo? Ni wala akong marinig na tugon mo. Ano ba naman 'tong kausap na 'to!" Pagmamaktol niya na ikinataas ng kilay ko. "Parang hindi mo naman ako kilala, ah? Pero, bakit nga ba bigla kang nawala, ha? Anong ginawa mo sa baguio? Kaya pala hindi ko nakikita ang anino mo at hindi ko nadidinig 'yang mala-armalite mong bibig? Siguro.. may pinagtataguan ka, 'no?" Imbes na mainis sa sinabi ko ay bigla siyang namilipit habang nangingiti at tila uod na inaasinan sa upuan. "Why?" Kunot-noong tanong ko. Nagulat ako ng bigla niyang ipakita sa akin ang daliri niya at ipinagyabang sa akin ang diamond ring na nasa palasingsingan niya! "Hulaan mo kung anong ibig sabihin nito?" Kinikilig niyang aniya. Kunwari'y nangunot ang noo ko. Pero, alam kong engagement ring ang nasa daliri niya. "Hindi ako manghuhula, Camille." "Psh!" Singhal niya at biglang tumayo saka nagtatatalon sa kilig! "Zekeilah, I'm engaged! Iihhhhh!!!! I'm so happy!! Atlast! Magiging isa na akong Crawford! Mrs. Camille Angelinn Zobel-Crawford! Yeeiihhh! I'm so excited na for my wedding, beshy!" Tili pa niya at patuloy na nagtatatalon. Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya at mahilo-hilo sa ginagawa niya pero gayon pa man ay natutuwa ako para sa kanya. Kaagad ko siyang niyakap ng muli na siyang maupo sa tabi ko. Pagkuway muli akong kumalas. "Congratulations! I'm so happy for you, Camille. Dream come true, right?" Nakangiti ko na ring tanong. Nangniningning ang mga mata niya habang napapatango-tango pa. "Yes, besh! Dream come true! Oh my god!! By the way, sa Europe gaganapin ang kasal namin. Sa bansa ng daddy niya. At sa susunod na buwan na ang kasal namin! Kaya, 'wag na 'wag kang mawawala sa kasal ko, ha?" Nakangiti niyang sabi. "I'll try," malungkot kong tugon na ikinakunot ng noo niya. "Anong I'll try ka diyan! Ikaw ang besprend ko, Zekeilah! At ikaw din ang maid of honor ko! Kailangang nandoon ka!" "Gano'n ba? Eh, kaso.." Di ko natapos ang sasabihin ko ng pandilatan niya ako ng mga mata. "Kaso ano? Wala kang susuotin? Bibilhan kita! Wala kang bag? Bibigyan kita! Wala kang jewelry na isusuot? Hiram tayo kay Sir Kleint!" Natakpan ko ang bunganga niya sa ingay niya! Saka ko siya sinamaan ng tingin dahil sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Sir Kleint! "Hindi 'yon!" Pabalbal kong tugon. "Eh, ano ngang inaalangan mo, Zekeilah? Ayoko kasing wala ka sa kasal ko.. Eeiihhh.." Pagiinarte niya. "Arte mo! Wala pa kasi akong passport at visa. At hindi ako sigurado kung makakakuha na ako kaagad ng mga iyon sa loob ng isang buwan. Alam mo naman ang naging issue sa 'kin. Parang ayoko na ngang lumabas, eh.." "Aww.. Sorry. Naiintindihan kita pero hindi naman iyon problema, Zekeilah, eh." Nangunot muli ang noo ko. "Anong hindi problema? Hindi ako makakasakay sa eroplano kung wala ako ng mga iyon, Camille." "Wala nga kasing problema doon!" "Bakit? Pi-peke-in niyo ang passport ko?" Ngumiti siya. "Sagot na kasi ng daddy ng baby mo ang sasakyan nating eroplano! Nakalimutan mo yata na may sariling eroplano ang bilyonaryo mong ex jowa?" "Si Xanth??" "Aba! Sino pa ba ang daddy ng baby mo? May iba pa ba??" Umismid siya kaya nakurot ko siya sa tagiliran na ikinaaray niya! "Naku! Naku naman! Ang sakit no'n, Zekeilah!" "Baliw na 'to! Kinukumpirma ko lang naman kung bakit si Xanth ang sasagot ng eroplano! Kung ano-ano pang lumalabas diyan sa bibig mo!" "Joke lang naman kasi 'yon, eh.. O, sige na nga.. Quits na tayo! Nakabawi ka na sa pagtampal ko kanina sa braso mo. Hehe! Seize fire tayo. Piece.." naka-piece sign pa ang mga daliri niya habang malawak ang mga ngiti sa labi. "Ang totoo niyan, nakausap ko kasi si Xanth no'ng nakaraang araw dahil kinukumusta ka. Hindi niyo raw kasi sinasagot ang tawag niya kaya sa akin na tumawag. Tapos ayon, nabanggit ko nga sa kanya 'yong tungkol sa kasal namin ni Brent kasi isa din siya sa mga inimbitahan namin. At bilang advance gift niya sa amin, siya na raw ang bahala sa sasakyan natin papuntang Europa! Nakaka-excite diba? Iiihhh!" Napapapalakpak pa sa tuwa. Kinukumusta ako ni Xanth.. Sabagay.. baka inaalam lang niya ang kalagayan ng baby niya.. Tsk! Bakit ba sa dinami-rami ng mga nasasabi ni Camile ay laging naiiwan sa utak ko ang tungkol kay Xanth?? "Yeah. It is," tipid kong tugon na ikinalaylay ng balikat ni Camille. "Why?" "Wala!" Saka niya itinirik ang mga mata niya. "Andami kong kwento sayo pero napakatipid ng reply mo! Ang sarap mo talagang kausap, Zekeilah! Promise!" Anya at humalukipkip. Nangiti na lang ako sa kanya at saka ako sumandal at inihiga ang ulo ko sa headrest ng sofa. "Wala ka bang iku-kwento sa 'kin, besh? You know, until now ay nagugulat pa rin ako kung papaanong kasama mo na ang nanay mo. Kung papaanong nakakulong ngayon ang mommy s***h madrasta pala ni Xanth tapos biglang boooomm! Nagkaroon ka ng issue. Naging trending pa ang video niyo ni Xanth na kuha sa pinuntahan nating resort. At syete ka, kaya ka pala nawawala no'n bigla-bigla ay dahil magkasama pala kayo ni Xanth." Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Ayaw ko na sanang alalahanin iyon pero kasi kaugnay iyon sa mga nangyari at pinagbasehan para husgahan ang pagkatao ko. Pero, sana pumasok na lang ako sa kwarto ko kanina kesa ang makipagusap at sagutin ang mga panguusisa ni Camille.. Kaya lang, naandito na kami! Kaya nagsimula ako sa umpisa. Una kong ikinwento sa kanya ang eksenang nadatnan ko sa opisina ng managers office kung saan bida sina Vixen at Sir Kleint hanggang sa umalis kami doon ni Xanth at napadpad sa lungga na pinagtataguan ni Madame Devorah. Sinabi ko rin kung bakit o papaano itong ipinahuli ng magkakapatid na Segovia. Hanggang sa bigla na lang sumulpot si Mommy Cris at mapatunayan ang mga maling paratang ni Madame Devorah. Pati na rin ang naging eksena ni Vixen. Ikinwento kong lahat kung papaanong doon pa lang ay nalaman ko na ang totoo. "Grabe!! Shockkksss!! I can't believe it! Akala ko pa naman napaka-gentleman ni Sir Kleint! Syete! Sa mismong building ng negosyo niya at bakit si Mam Vixen pa ang tinarget niya?! Grabe din pala si Mam Vixen, ano? Kapatid mo pa naman.. At mabuti na lang at inamin niya sa buong mundo ang totoong pagkatao niya dahil mukha talagang nabaliktad ang pagkatao niyo!" aniya. "Hindi ko rin masisisi ang mga tao kung iisipin nilang gano'n din ako. Dahil nga doon sa video namin ni Xanth na hindi ko pa malaman kung sino ang kumuha no'n sa amin." Pinakatitigan niya akong maigi. "Nakita mo na ba ang cctv footage ng resort? Doon mo malalaman kung sino ang gumawa no'n!" "Mayroon na raw na kumuha ng footage, eh. Ayaw namang sabihin ng pamunuan ng resort. Mukhang nabayaran na. Sinisiguro yata ng kumuha ng video samin para hindi namin siya madakip," tugon ko. Sandaling nanahimik si Camille habang tila may malalim na iniisip habang nakatitig pa rin sa akin. "Oh my god!!" Tili niya na ikinagulat ko at napaahon pa ako sa kinauupuan dahil doon. "So-sorry! Sorry, beshy! Hehe! Piece.." Dinuro ko siya na ikinapikit ng isa niyang mata. "Kapag may nangyaring masama dito sa anak ni Xanth, ta'mo at walang eroplano sa kasal mo!" "Sorry na! Hehe.. May bigla lang kasi akong naalala.." anya at sumeryoso na. Muli akong naupo sa tabi niya at saka ako naghintay sa sasabihin pa niya. "I remember, besh. Noong hinahanap kita sa resort ay nakasalubong ko si Sir Kleint galing sa parking lot at may dala-dala itong camera. Inakala ko no'n na kinuha niya lamang sa kotse niya at may pagkukuhanan lang ng picture sa loob ng resort kaya inignora ko 'yon. Ayaw ko siyang pagbintangan pero nakakahinala naman kasi 'yon. Sa tingin mo? Hindi kaya... siya ang kumuha ng video sainyo ni Xanth at pati na rin ang cctv footage sa resort?" Napaisip ako ng matagal sa ikwento ni Camille.. Natulala ako sa kawalan at malalim kong inisip ang mga sinabi niya. "Honey?" Si Brent. Nakangiting papalapit sa amin ni Camille. Mabilis naman niyang sinalubong ang fiancee niya. "Come! Let's go home." "Paano 'yan, besh? Sa susunod na lang tayo uli magchika. Kailangan na naming umuwi ng bahay. Sa amin kasi matutulog si Brent." Tumango ako. "Okay. Magiingat kayo paguwi niyo, Camille. And Brent, thank you for coming," ngumiti ako dito. "You're welcome, Miss Zekeilah. Again, happy birthday! We'll go ahead," ani Brent at nakipag-shake hands sa akin. Tumayo naman ako para abutin ang kamay nito. "Okay. Thank you." "Bye, besh!" Paalam ni Camille at saka tumalikod na sila sa akin. Muli na naman akong napagisa. At muli na naman akong nakulong sa isipin tungkol sa sinabi ni Camille na baka nga si Sir Kleint ang kumuha ng video sa amin ni Xanth. Maya-maya ay tumayo na rin ako at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig. Naabutan ko pa doon sina Mommy Cris at Nanay Suling na magkatulong sa paghuhugas. "Magpahinga na po kayo Mommy Cris and 'Nay Suling. Siguradong pagod na pagod na po kayo," sabi ko at dinampian ko sila ng tag-isang halik sa pisngi. "Hmm.. Baby, I think you should be the one who needs to take a rest. It's getting late na. Bawal kang mapuyat," si Mom na hinarap ako. Tumango ako. "Okay, mom." saka ako kumuha ng malamig na tubig sa ref at nagsalin ako sa baso. Mabilis ko iyong ininom. "Mauna na po ako sainyong magpapahinga." "Sige na, 'nak. At kami'y matatapos na rin dito. Matutulog na rin kami pagkatapos," ani Nanay Suling na abala sa paghuhugas. "Okay po. Goodnight." Muli ko silang hinalikan sa pisngi at saka na ako tumalikod sa kanila at tinungo ang kwarto ko. Pagkahiga ko sa kama ay minsan pang pumasok sa isipan ko ang mga nalaman ko bago ako tuluyang nakatulog ng mahimbing. TINANGHALI na ako ng gising kinaumagahan. Halos mag-a-alas nueve na! Dati-rati kasi ay alas sais pa lang ay gising na gising na ako. Marahil ay late na rin ako natulog kagabi at syempre dahil din yata sa buntis ako. Pagbangon ko sa kama ay nagulat ako sa mga nakikita ko! What is this?? Nagkalat ang mga rose petals sa palibot ng kwarto ko at mayroon ding nakalagay na bulaklak sa vase na nasa ibabaw ng bedside table ko! May nakita akong maliit na card doon kaya agad kong kinuha at binasa! 'Another beautiful day like today begins in the beautiful life of a beautiful person like you. Good morning beautiful.' Sinong nagpadala nito?? Wala namang nakalagay kung kanino galing! Pero, wala namang ibang gagawa nito kundi si Xanth! Agad akong bumaba sa kama at kinuha ang isang tangkay ng red rose saka ako kinakabahang lumabas ng kwarto. Tinungo ko kaagad ang kusina dahil baka nandudoon ito at pinaglulutuan na naman ako ng pagkain. Subalit, pagdating ko doon ay walang katao-tao! Nagmadali akong lumabas at tinungo naman ang dalawang sala, wala ring tao! Agad akong pumunta sa kwarto nina Mommy Cris at Daddy ngunit wala rin sila doon! Gano'n din si Nanay Suling ay wala rin sa kwarto nito. Hanggang sa tumungo ako sa garden sa likod ng bahay! Bubuksan ko na sana ang pinto ng may makita akong card na nakadikit sa gilid ng doorknob. Kinuha ko iyon at binasa. 'Forget yesterday; it’s over. Embrace today; it’s a chance at a do-over. Cheers for the new day!' Nangunot ang noo ko. A/N: Pwede niyo po bang i-follow ang account ko? Di ko na kasi maopen 'yong isa kong account, eh. (Princess Gomez Jacob). Bago 'tong account ko at dito ko ni re-edit ang mga stories ko. Thanks a lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD