CHAPTER FOURTEEN

3051 Words
I WAS NOT comfortable with my seat while thinking about the reporter's throwing questions with Xanth. I really want to do something about how to stop battering him and how to clear my name right away! But— I took a deep breath and stared at the door. If I will be able to run towards it, I will do it! But sadly, my parents did not allow me to go outside the house and face those lots of reporters! "Baby, just stay right there, please. Do not go out," Mommy Cris said. "Zekeilah, hayaan mo na munang si Xanth ang interogahin nila, kayang-kaya niyang harapin ang mga iyon. Kapag nalinis na niya ang pangalan niya ay saka na tayo haharap sa media upang linisin din ang pangalan mo," sabi ni Dad. Bantay sarado ako nitong huwag susugod sa mga media sa labas. Alam kong masakit din ito para kay Dad dahil oras na mai-klaro namin ang issue tungkol sa akin ay si Vixen naman ang puputaktihin ng mga bashers! Pareho niya kaming anak, eh! "Don't worry, I will help you clear your name, baby. For now, leave this to us. Just mind the baby on your tummy, okay?" sabi ulit ni Mommy Cris, worried siya sa 'kin. I nodded while heavily sighed. So, I really have nothing to do but to wait for Xanth's return and wait for his good s***h bad news! Pati ang laptop ko na kaagad kong hinagilap kanina ay muling kinuha ni Dad at ipinatago iyon kay Nanay Suling upang huwag ko raw makita ang mga nagaganap ngayon sa labas at sa social media! Kanina kasing paglabas ni Xanth ay agad ko ring kinuha sa kwarto ko ang laptop at doon ko nakita ang samot-saring issue tungkol sa kanya. At ang masama doon ay sangkot ako sa mga issue niya! And more I could not accept is that they were throwing at me I was the woman who was the b*tch one and Xanth's other woman! Alam kasi ng buong mundo na si Vixen ang pakakasalan ni Xanth at alam ng lahat na malapit na silang ikasal. Kaya nagugulat ang ilan sa mga netizens kung bakit nauugnay siya sa akin. Ngunit, ayos lang sana sa akin na tawaging other woman ni Xanth pero... Syete! Huwag nilang babaliktarin ang pagkatao namin ni Vixen! Dahil hindi kami magkatulad ni Vixen! Tapos na ako sa pangaalispusta ni Madame Devorah! Syete!! Sigurado rin akong madaming nakikiusyosong mga kapitbahay ngayon sa amin! Siguradong pagpipyestahan nila kami dito! God! I'm having a headache!! Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil parang mabibiyak ang ulo ko! Grabe! Madami ng nangyari kanina, nadagdagan pa! Hindi yata matatapos ang gulo ngayong araw na 'to! Bakit naman sunod-sunod pa?? I saw Mommy Cris and Dad hurriedly come near me and they worriedly stared at me. "Baby, are you okay? Let's go to your room and take some rest," Mom helped me stand so I stood up. "Sumasama po ang pakiramdam ko," sabi ko at mariin kong ipinikit ang mga mata. "Maigi pa ngang doon ka na muna sa loob ng silid mo, anak. Nang hindi mo naririnig ang mga ingay ng reporter sa labas," si Dad at nakaalalay na rin sa kabilang gilid ko. I keep my mouth shut. Marahil dala rin ng ipinagbubuntis ko ang kung anuman ang nararamdaman ko sa ngayon kung kaya't naiintindihan nila ako. Hindi ako kumibo hanggang sa makahiga akong muli sa kama.. "Dito ka lang, anak, ha? I-relax mo muna ang iyong sarili. Isipin mo muna ang magiging anak niyo ni Xanth," habilin ni Dad bago lumabas ng kwarto ko. "Dadalhan kita ng pagkain mo mamaya, baby. Just stay here, okay?" Sabi naman ni Mommy Cris. Tumango na lamang ako kaya't tahimik na rin siyang sumunod kay Daddy. Nakatulala ako sa pintong nilabasan nila. Naiintindihan ko naman na concern sila sa akin at sa baby ko pero hindi ko yata kayang sundin ang sinasabi nilang i-relax ko ang sarili ko ngayon. How can I even relax if I knew that my name is now trending?? And worst, all the comments I've read and the captions of their post about me is making me uncomfortable! They were calling me b*tch! For god sake! Ito ba 'yong katotohanan na hindi masabi-sabi sa akin ni Xanth at ikinangangamba niyang baka makaapekto sa baby namin? 'Eto ba 'yon?? At isa pa, sinong walang puso ang naglabas ng mga paratang na 'yon sa akin? Si Madame Devorah ba?? Marahil ay siya nga! Siya lang naman ang bukod-tanging may alam ng pagkatao ko! At siyang may lakas ng loob na manira ng pagkatao! Ngunit, mali-mali naman ang impormasyon niya dahil si Vixen naman pala iyon at hindi ako! Para akong mababaliw kaiisip! Until I remembered my most hidden cellphone inside my drawer! I didn't open it since I left Xanth! Because in my mind, I didn't want to have any communication with anyone, especially with Xanth. But, destiny is just a playful ones for the both of us! I immediately open my phone and then a few seconds it opens. Nagulat pa ako sa sunod-sunod na tunog ng notification at ang sunod-sunod na beep ng messages sa inbox ko! Agad kong ikinonekta sa wifi ang phone ko para mabuksan ang mga apps kung saan trending ang mga pangalan namin ni Xanth Eadric! Hindi ko pa man isini-search ang pangalan ko ay agad ng lumabas sa newsfeed ko ang isang video kung saan kami ni Xanth ang naka-cover doon! Someone took a video while I and Xanth passionately kissing. It was taken in the parking lot of the resort! I didn't know who's originally posted this coz this video that I am watching right now is just a repost! And the next video, I was with Xanth in the pool! Kitang-kita sa video kung papaano kaming maglampungan sa gilid ng pool area! And the other one is, nasa parking lot uli kami ni Xanth at kitang-kita kung papaano niya akong binuhat papasok ng kotse! Tumagal pa iyon ng ilang oras kaya kahit sino ay iisipin na may milagro ng nagaganap sa loob! Syete!! Sinong kumuha ng video samin?? At talagang nagabala pa itong kuhanan kami ng video nang gano'n katagal! I had a feeling na isa sa mga naroon sa resort ang kumuha sa amin ni Xanth ng video! Kung paparazzi.. mapapatawad ko pa dahil kilala si Xanth at mapagkakakitaan niya ang gano'ng gawain ngunit kung isa man sa mga kasamahan namin ang gumawa nito.. I didn't know what to do! I think, I'll break his or her middle finger!! Ayaw kong maghinala pero sana wala sa mga kakilala ko ang gumawa sa amin no'n! Sana lang.. I glanced at the videos and posts again. Napamura talaga ako! Okay lang sana kung iisipin nilang isa ako sa mga babae ni Xanth pero kasi 'yong isipin nila na isa akong p*ta? Gosh!! I cannot!! Until my door gets open! Pumasok doon si Xanth ng abot-abot ang pagaalala habang ipinaglilipat-lipat ang paningin sa phone ko at sa akin! "Zekeilah.." Agad siyang lumapit sa akin at mabilis na sumampa sa kama saka ako ikinulong sa mga braso niya. "Zekeilah.. I'm so sorry.. This is all my fault. Please, 'wag mo sanang dibdibin ang mga nangyayari. For the sake of our baby.." Malalim akong napabuntong-hininga. Tumatahip ang paghinga ko sa bilis ng t***k ng dibdib ko. "Eto ba 'yong katotohanan na hindi mo maamin sa akin, Xanth? Na ikinakatakot mong baka makaapekto sa magiging anak natin? Ha? 'Eto ba 'yon?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at mataman niya akong tinitigan sa mga mata. "Zekeilah.." "Sagutin mo 'ko!" "Yes.. But, please.. Please, 'wag mong iisipin ang mga nangyayari ngayon. Zekeilah, ang baby natin.. Aayusin kong lahat ng 'to. Magtiwala ka sa akin. Maaayos ko 'to." "K-Kung gusto mong maging maayos ang lahat ng 'to, Xanth.. Please, lang lumayo ka muna sa 'kin. Unahin mong ayusin ang gusot mo. Hindi ba't ang sabi mo ay babalik ka na ng maynila? Sige na.. Bumalik ka na muna doon. Kami ng bahalang maglinis ng pangalan ko. My Mom and Dad was there, hindi nila ako pababayaan." "No.. Zekeilah, you know it's hard for me leave you.. Kung gusto mo ay sumama ka sa 'kin pabalik ng manila. Linisin nating sabay ang mga pangalan natin. You know, I'll be the one also who can prove them that they were wrong! You're not like Vixen." "So, inaamin mong si Vixen nga iyon? Matagal mo na bang alam na gano'n siya o dahil lang sa narinig mo iyon mula sa bibig mismo ng fiancee mo kanina?" Seryoso kong tanong na ikinatahimik niya. "Saka, hindi na ako babalik pa ng maynila, Xanth. Dito na ang buhay ko. Nandito ang mga magulang ko at gusto ko silang makasama. Ngayon ko lang sila nakasama at alam mo 'yan." "Zekeilah, please.." "Xanth! Ako ang nakikiusap sayo! Kung nagaalala ka sa baby natin, patahimikin mo muna ako! Ayusin mo muna ang lahat ng mga nangyayari! Pati ang relasyon niyo ni Vixen! Ayoko kayong pakealaman pero kasi nadadamay ako sainyo! Kung hindi ko lang sana kapatid 'yang si Vixen ay talagang mawawalan ako ng pakealam sainyo! Kaso, anong magagawa ko? Gusto ko ring malinis ang pangalan ko at tuluyan ng maging tahimik ang buhay ko, Xanth. Please, umalis ka na ngayon," mahaba kong sinabi na ikinatitig niya sa akin ng halos walang kakurap-kurap. Saka siya bahagyang napayuko at napahawak sa kanyang batok. Dinig ko ang malalim niyang buntong hininga at nakikita ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya. Pagkuwa'y umangat ang paningin niya sa akin ng namumula ang buong mukha niya. "Yeah.. You're right. I only making you're life more miserable, I'm so sorry. But, please.. Promise me you'll take care of yourself and our baby, Zekeilah. When everything is fine I'll back here." Napalunok ako. Ngunit parang bumikig ang lalamunan ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil parang mas mauuna pa akong humagulhol sa kanya! Why I really hate goodbyes? Grabe kung makadurog ng puso kapag nagpapaalam sayo ang taong ayaw mong mawalay sayo! Pero kasi... Kailangan muna naming lumayo sa isa't-isa. "M-Maybe, I should be going now.." Halos mautal na sambit ni Xanth. Alam kong sa mga oras na ito ay totoo ang nararamdaman niya. Na hindi siya umaacting lang. Napasinghap ako ng bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at mahigpit akong niyakap. "I will miss you, babe.." Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil sa tinitimping emosyon. Nagsimula ng mangilid ang mga luha ko at halos manginig ang mga labi ko nang humiwalay siya sa akin at walang lingon-likod na lumabas ng kwarto. ONE MONTH LATER.... "ANAK, lumabas ka na muna diyan sa kwarto mo at may bisita ka sa labas," anang Daddy ko. Naupo siya sa may gilid ng kama ko at marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Sige na, anak. Halos isang buwan ka ng kumukulong ng silid mo. Labasin mo na muna siya at ng magkausap kayo." "Sino ho ang nandiyan?" Walang gana kong tanong. "Yong kaibigan mong si Camille," nakangiti ng tugon ni Daddy. Matagal bago ako naka-get over. Isang buwan na rin halos ng hindi ko maaninag ang anino ni Camille. Nagtataka nga rin ako kung bakit hindi ko siya nakikita. Madami pa naman akong gustong i-kwento sa kanya. "Halika na, anak," yaya ni Daddy sa 'kin. Tumango ako. "Susunod po ako, Dad. Maliligo muna ako. Pakisabi po sa kanya na antayin ako. Sandali lang po ako." "O, sige, anak," aniya at lumabas na. Saka naman ako nagmamadaling pumasok sa banyo at dali-daling naligo. Pero syempre may kaunti pa rin akong pagiingat lalo na at nagsisimula ng magpakita ang baby ko. Mayroon ng maliit na umbok ang tiyan ko! Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Summer dress na bulaklakin ang pinili kong suotin. Kulay pula iyon! May kaluwagan iyon kaya kumportable sa katawan. Nagsuklay lang ako at naglagay ng kaunting pulbos saka kaunting liptint para naman matakpan ang panlalata ko. Isang buwan na din kasi akong hindi naaarawan kaya gano'n. Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng biglang may sumabog na confetti sa harapan ko! "SURPRISE!!!!!" sigaw ng mga naroon. Nagulat ako pero mas umaapaw ang tuwa ko! Tsk! Pagkatapos ay lumapit sa akin si Mommy Cris habang hawak-hawak ang cake na may desenyong babaeng buntis sa ibabaw! Tsk! "HAPPY BIRTHDAY THAILEEN ZEKEILAH!" anila at nagsimulang kumanta! "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy... birthday... to... you! HAPPY BIRTHDAY ZEKEILAH!" "Thank you everyone!" Tugon ko sa kanila. Isa-isa ko silang tiningnan. Naroon nga si Camille at ang nobyo nitong si Brent, sina Angela at Mariel na kasamahan ko dati sa shop, sina Flynn at Drake ay naroon din na may kanya-kanyang kasamang nag-gagandahang babae! Sina Daddy, Nanay Suling, at si... Vixen ay nandoon din! "Blow your candle, baby!" Utos ni Mommy Cris habang napakalawak ang ngiti. Bahagya pa akong natulala sa kawalan na inakala naman nilang nagiisip lamang ako ng iwi-wish ko pero iba naman ang nasa isip ko. Bakit nandirito si Vixen ngayon? Hindi kaya... Biglang dumagundong ng malakas ang dibdib ko! "Andami mo naman yatang wini-wish, Zekeilah! Nasayo na ang lahat kaya isa lang ang hilingin mo! Magtira ka para sa susunod mong birthday!" si Camille na tila inip na inip na. Nakapameywang habang nakaakbay ang isang braso sa balikat ng nobyo. Sinamaan ko tuloy ito ng tingin na ikinatawa ng ilan. Saka ako pumikit at sandaling nagisip ng kahilingan.... I wish he was here.. I want to see him.. I miss him.. Then, I opened my eyes and blew the candle! "HAPPY BIRTHDAY PREGGY ZEKEILAH!!" muli nilang bati sa 'kin ngunit natawa ako sa idinugtong nila sa pangalan ko. But I still give thanks to them. "Thank you so much guys.. I honestly did forget my birthday," sabi ko sa kanila habang inaabot ang paper plate sa mesa. "Salamat sainyo at naalala niyo." "Our brother told us and he's the mastermind of this celebration," si Drake ang sumagot habang nakaakbay sa babaeng kasama. "Si Xanth?" Napapalunok kong tanong. Nagpalinga-linga pa ako. Ngunit wala naman ni anino ni Xanth! "Yup! But, he's not here. He's busy right now. He can't come." anya habang umiiling-iling pa. "Anyway, Zekeilah, meet my muse for today, Sweetzel Faith Gomez. Sweet, meet Thaileen Zekeilah Maurico, Xanth's soon-to-be—" naputol ang pagpapakilala niya sa akin ng mabilis ko ng inabot ang kamay ng kasama niya. "Nice to meet you, Sweetzel Faith," nakangiti kong sabi at pinisil ng marahan ang palad niya. Nakangiti din itong pinisil ang palad ko. "Nice to meet you din, Miss Zekeilah." Saka naman lumapit sina Flynn at ang kasama nito. Malayo pa ay anlawak-lawak na ng ngiti ng loko. Kaagad nila akong kinamayan bago nagpakilala sa isa't-isa. Aleina Catrisse Monteverde naman ang pangalan ng kasama niya. "Lei, I told you how beautiful Zekeilah is, right?" Nakangiti namang tumango si Aleina Catrisse habang nakatingin sa akin. "But, you are the most beautiful woman in my eyes, not her," paanas na saad ni Flynn kaya't sinimangutan ko siya. Ngunit, nangisi ako ng makitang pulang-pula ang mukha ng girlfriend niya! Tsk.. Anyway.. Ganyan din naman ako noon kay... Ahmm. Nevermind! Tumalikod na ako sa kanila at nilapitan ko sina Mommy Cris and Daddy na magkaharap sa mesa habang nagsusubuan pa ng cake. Kaagad ko silang niyakap ng mahigpit galing sa likod. "Thank you Mom and Dad for making my day so special. Kung wala siguro kayo ngayon, magisa ko na namang isi-celebrate ang birthday ko." "You're welcome, baby. I love you," hinalikan ako sa pisngi ni Mommy Cris. "Love you too, Mommy." "Noon bang naging magnobyo kayo ni Xanth ay ni minsan ba ay hindi mo siya nakasama sa birthday mo, anak?" Si Dad na nakapansin sa sinabi ko kanina. Biglang nagbago ang emosyon ko. Para na naman akong bumalik sa nakaraan. Hindi ko tuloy masagot ang tanong ni Dad. "Don't mind it, baby. Ang importante ngayon ay nandito na kami ng Daddy mo. We will celebrate your birthday every year and making it more special! And do you know the more exciting is, by next year ay isi-celebrate na din natin ang birthday ng magiging apo namin! Isn't amazing? Yiieeehh!" Napapapalakpak pang tili ni Mommy Cris. Tumango-tango ako at malawak ding nangiti ngunit hindi kasing jolly ng tuwa ng mommy ko. Ewan ko ba kasi at kay Daddy ko nakuha ang ugali ko. "Mahal na mahal ka namin, anak. Masaya kaming kahit na madaming pagsubok ang dumating sa buhay mo ay nananatili ka pa ring matatag. Hayaan mo at malapit ng maging maayos ang buhay mo. Magiging malaya ka na at hindi ka na kukulong ng bahay natin. Malilinis na natin ang pangalan mo at dahil sa tulong ni Vixen," ani Dad at nakangiting tumingin sa akin— no! Kay Vixen na ngayon ay nasa likuran ko! "Your welcome, my dear sis," ani Vixen na kahit hindi pa naman ako nagpapasalamat sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm so sorry sa mga damages na tinamo mo dahil sa mga maling paratang ng mga bashers sayo. It was me who deserves all of that. Ako dapat ang kailangang magtamo ng mga iyon at hindi ikaw. So, when I had an exclusive interview in a big show, I did tell them all the truth. Ngayon ay magiging maayos na ang lahat sayo," patuloy niya at maya-maya ay pinakawalan ako. "Vixen.." Wala akong halos masabi. Parang umuurong ang dila ko at gusto ko na lang na titigan ang mukha niya habang nakikita ang pangingilid ng mga luha sa mga mata niya. Hinarap niya sina Daddy at Mommy Cris at sandaling sumulyap sa akin. "Why I'm here because I just want to say goodbye," ani Vixen habang nakangiti ngunit kasabay no'n ay ang masaganang daloy ng mga luha niya. "I'll go back to Canada coz my mom needs me. She's sick and I want to take care of her." Parang hinaplos ng malambot na kamay ang puso ko at agad kong niyakap si Vixen. Kaya't napahagulhol na siya. "What about Xanth? Are you leaving him?" Tanong ko nang kumalas na kami sa isa't-isa at maging kalmado na ulit siya. Ngumisi siya sa akin at saka napailing. "I can leave this country without any baggages, dear sis. Xanth was never been mine. He's all yours, you know!" "What?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD