CHAPTER THIRTEEN

2600 Words
"YOU WERE just kidding, right??" ani Madame Devorah at napahalakhak pa ng malakas! "You were so funny, my dear! You made me laugh so hard! Hahaha!" Itinapon muna sa katabing basurahan ang upos na sigarilyo bago lumapit sa kinaroonan namin si Vixen! At nang makalapit ay isa-isa kami nitong tiningnan ng nakaismid! Saka, nakangiti ng nakipagtitigan kay Madame Devorah. "What so funny, Tita Dev? Aren't you believe what I said?" "Of course, not! I know, you're a decent woman that's why I chose you to be Xanth's soon-to-be wife! What are you saying that your mom was the b***h woman who's Zandro got pregnant with? So, funny!" Nangingisi pa rin. Saka napatingin sa akin si Vixen nang lumapit si Xanth sa tabi ko ng nagtatagis ang mga bagang. "What if I tell you.. that I am the daughter of that b***h woman?" "No, you're not!" Naiiling at hindi pa rin naniniwalang tugon ni Madame Devorah. "Vixen, instead of making funny stories, why don't you come here beside me and help me? They're gonna sue me!" Ilang sandaling hindi umimik si Vixen at nanatili lamang sa kinatatayuan na malapit kay Daddy. Maya-maya pa ay nagsalita na ito. "Hmm. Why? What is your fault, Tita Dev?" "They were accusing me of some things I've never done!" Kibit-balikat na tugon nito. "Kind of?" Nakataas na kilay na tanong ni Vixen. "Basta! Marami silang ibinibintang sa akin!" Sigaw ni Madame Devorah at mukhang naiirita na. Napabuntong-hininga ako at pagkuway ibinaling sa ibang tanawin ang paningin. Sa isip ko, paano bang matatapos ang usaping ito dahil gusto ko ng umuwi para matulog na lang at saka kumain ng isang bilog ng pineapple pie! "Zekeilah?" Pukaw sa akin ni Xanth. Nagulat ako pero hindi ko nagawang lumingon sa kanya. "Are you okay?" Tanong niya at agad akong tumango para di na niya ako kulitin pa. Dinig ko naman ang malalim niyang buntong-hininga. "Come on, dear! Sumama ka sa akin sa presinto at tawagan mo ang mga magagaling kong abogado at sabihin mo sa kanila ang kaso ko. I need them badly!" "Okay. Fine. I'll do that. But, I won't go there with you. I'm a busy woman and I have a lot of meet-ups," ani Vixen na ikinabaling ko ng tingin sa kanya! Tsk! She's busy with those fvcking animals! Muling nanumbalik ang pandidiri ko sa nakitang eksena kanina! Para akong maduduwal sa tuwing naiisip kung paano siyang pinagsalo-saluhan ng mga lalaki! "Anyway, why are you all guys doing here?" Luminga-linga si Vixen at nahinto ang paningin niya kina Flynn at Drake na pawang walang mga pakealam sa pagdating niya. "Hi, Drake! Hi, Flynn!" Tango lang ang itinugon ng dalawa. Ni walang kangiti-ngiti sa mga labi! Napatingin naman ako kina Daddy at sa nanay ko na kasalukuyan ding walang kibo. Siguro ay hinahayaan din ng mga ito na si Vixen mismo ang magsabi ng katotohanan ukol sa mommy niya, na siya palang nabuntis ni Dad noon at siyang bayarang babae. Maging si Xanth ay wala ring kibo. Hindi ko malaman kung ano bang nasa isip niya ngayong nandito si Vixen. Nagugulat din ako dahil imbes na lapitan niya ang fiancee niya ay naririto siya at sa akin lumapit! Napapailing na lamang ako sa mga nangyayari! "By the way, what's happening in here?" Si Vixen ulit at bumaling kay dad at napatingin din sa nanay ko bago bumalik ang paningin kay dad. "Dad, who's that gorgeous woman beside you?" Ngumiti si Daddy saka ipinakilala ang nanay ko. "Anak, siya si Crisanta Jane Smith, ang mommy ng ate mo. Cris, siya ang anak ko kay Sandra, si Vixen Mae Monteverde." "Glad to meet you, Vixen," ang nanay ko at tipid itong ngumiti. "Hi, Tita Cris," ani Vixen saka nakipagbeso sa nanay ko at pagkatapos ay muling bumaling kay dad. "Daddy, what's happening in here? Actually, napadaan lang talaga ako kanina dahil nakita kong nakaparada ang mga car niyo. And then I heard what tita Devorah said a while ago." "Dad?? Daddy?? You were just calling Zandro, your dad?? For real??" Si Madame Devorah at hindi na napigilang maging histerikal muli. Lumipad ang paningin ni Vixen sa nakaposas na ginang. Saka, nakangising tumango. "What you hear from me is right, Tita Dev." Saka muling humarap si Vixen kay dad at yumakap. Pagkuway kumalas at lumapit ng bahagya kay Madame Devorah. "John Zandro Mauricio is my beloved dad and my mom was the b***h woman you were asking a while ago. I told you, I'm not kidding nor making a funny story," pinagdiinan at mukhang proud pa si Vixen habang ibinabanggit ang salitang b***h! Tsk! Tsk! "So you are.." Nakaismid at animo'y nandidiring sambit ni Madame Devorah. "What a shame! I just really can't believe it! You're an opportunist!" Gigil pa nitong sabi. "I'm not an opportunist, Tita Dev!" Galit na tugon ni Vixen. "Yes! I am the daughter of that b***h woman but I'm not ashamed of having a b***h mother! Why? She gives me everything that I need! She gives me everything that I want! She gives everything to me! She loves me, cared for me, adores me, and anything. She's a nice and very kindhearted woman. Isa lang naman ang maling ginawa niya, eh. Ang pumatol kung kani-kanino upang hanapin ang totoong iibig sa kanya sa kabila ng kanyang gawain!" Walang preno nitong sabi. Nakataas na kilay habang ipinagkrus ang mga braso nito. "But sadly, my dad was fell in love with his first love. That's why my mom walked out and leave with a baby in her womb without telling dad she's pregnant." Napapikit ako sa narinig mula kay Vixen! Bakit parang tugmang-tugma ang kwento niya sa ginawa kong paglayo at pagtago kay Xanth ng ipinagbubuntis ko?! "And believe it or not, my mom is a changed woman now. Tumigil na siya sa gawain niya simula ng ipinanganak niya ako. And lucky for her, she already found her true love! Atlast!" Patuloy ni Vixen habang nangingiti at tila may ini-imagine. Matagal na hindi nakapagsalita si Madame Devorah at ngayon ay nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya. "So, I guess.. You're a b***h too just like your mom?? Ikaw na ngayon ang pumalit sa trono niya??" Napalunok ako. Siguro, gano'n na nga si Vixen! "Devorah! Tumigil ka na!" Saway ni dad kay Madame Devorah na hindi pa rin maalis ang tingin kay Vixen. "Officer, dalhin niyo na siya sa presinto ngayon na," utos ni Xanth. "No! No! Let me go!" Pagpupumiglas ni Madame Devorah habang ipinapasok siya sa police mobile. Ngunit wala itong kawala sa mga naglalakihang katawan ng mga kapulisan. "Kami na ang bahala sa kanya. We will file a triple case against her!" Ani Flynn at nagmamadaling tumakbo sa kotse nito at mabilis iyong pinaharurot upang sundan ang nauna ng sasakyan ng police. Gano'n din si Drake na hindi na nagiwan ng mensahe pagtalikod sa amin. "Zekeilah..?" Tawag ni Xanth sa akin at nagaalalang hinawakan ang tiyan ko. "Let's go home now." Tumingin ako sa kanya. "Sasabay na lang ako kina Daddy pauwi. 'Tsaka nandiyan si Vixen. Siya ang samahan mo, Xanth. Magusap muna kayo." Hindi siya sumagot bagkos ay tinitigan niya ako ng nakatiim ang mga bagang. "Kailangan niyong magusap, Xanth. Higit sa lahat ay ang tungkol sa nasaksihan ko kanina. Alam kong nakita mo rin iyon. Kapatid ko siya pero hindi ko siya kayang kunsintihin sa gawain niyang iyon!" Sabi ko at mabilis na tumalikod kay Xanth at lumapit ako kina Dad at sa nanay ko. Nasilip ko pa sa gilid ng mga mata ko na lumapit si Vixen kay Xanth. Kumirot ng bahagya ang dibdib ko. Pero, hindi ko na sila pinansin pa. They need to talk! Kaagad akong niyakap ng nanay ko pagkalapit ko sa kanila. "Zekeilah.. My long lost baby.." Humihikbing sambit ng nanay ko. "She's no longer a baby, Cris. She's a grown up now," singit ni Daddy, malawak ang ngiti. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng english. "She's still my baby, Zandro. Right, baby?" Nangingiti rin akong tumango ngunit nangingilid ang luha sa mga mata ko. "Hindi ko po akalain na makikilala ko pa kayo. Akala ko talaga ay wala na akong nanay.." "Ako din, anak. Hindi ko rin akalain na mangyayari pa ito. Na makakasama ko pa kayo ng Daddy mo. Antagal kong nangulila sainyo lalo na sayo.." "Magkakasama na tayong muli," ani dad at ikinulong kaming dalawa ng nanay ko gamit ang dalawang malalaking braso. "Umuwi na muna tayo sa bahay at doon na natin pagusapan ang iba pa." Tumango ako. Saka na kami inakay ni dad papasok sa sasakyan niya ngunit mayroon ding dalang sasakyan ang nanay ko kaya hindi ko malaman kung kanino akong sasakay sapagkat niyayaya din ako nitong doon sa sasakyan nito sumakay. Nagulat na lang ako ng biglang may humapit sa beywang ko at inilayo ako kay Dad at Mommy Cris. "Sa akin na ho sasabay si Zekeilah," si Xanth na nakangiti sa dalawa. Nakangiti namang tumango si dad at gano'n din ang nanay ko. "Ambilis niyo namang magusap ni Vixen??" Tanong ko habang nasa loob na kami ng sasakyan ni Xanth. Kasalukuyan na kaming bumabiyahe at nakasunod sa dalawang sasakyan sa unahan namin. Walang kangiti-ngiti niya akong nilingon at pagkuway lumabi. "Wala kaming dapat na pagusapan, Zekeilah," aniya at muling ibinaling ang atensyon sa pagmamaneho. Napakarami kong gustong itanong sa kanya ngunit pinili ko na lang na manahimik. Pakiramdam ko ay wala ako sa lugar para mangealam sa relasyon nila. At kung anuman ang ipinapakita sa akin ni Xanth ngayon ay dahil sa dinadala ko ang magiging anak niya at nagaalala siya para rito. Sa biyahe pa lang ay nakatulog na ako. Kaya nang magising ako ay nasa loob na naman ako ng kwarto ko ng hindi ko namamalayan. Naging tulog-mantika yata ako simula ng mabuntis ako. Ngunit, magisa lang ako sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon para uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako! Lumabas ako sa kwarto. Subalit, papasok na sana ako ng kusina nang may maulinigan akong naguusap-usap sa may dining area. I'm a little bit curious so I manage myself to come near them. And hear them what they were talking about. "Why don't you tell her truth and your real feelings, hijo?" Boses iyon ng nanay ko. "I have been wanting to tell her the truth many times but I'm afraid she might think I am just acting again," si Xanth. Ako ba ang tinutukoy nila? 'Tsaka, anong totoo? "Kilala ko ang anak kong 'yan, Xanth, hijo. Ipakita mo lang sa kanya na sinsero ka sa panunuyo mo sa kanya at dadating ang araw na maniniwala na siyang muli sayo. Napatunayan ko na 'yan noon no'ng minsang magalit siya sa akin sa pagiwan ko sa kanya sa mga lolo at lola niya." Okay then, I knew it.. They were talking about me. But, what are they talking about? "I still don't know how to talk to her about it. I'm afraid that would affect our baby. But, yeah.. I'll do everything to win her back." I'll do everything to win her back... Parang um-echo 'yon sa pandinig ko. Xanth's wants to win me back? But why? What about Vixen? Is he really going to dumped her? "Oh my.. Zandro! Were going to be a granny and grandpa soon!" Mom exclaimed for excitement. I smiled hearing it. "But, son, I had an advice for you. You too need to get married!" Nagulat ako sa sinabing iyon ng Mommy Cris ko. Natabig ko tuloy ang vase sa gilid ko dahilan upang mahulog ito at mabasag! Napapalibutan tuloy ako ng mga durog na vase. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko! Idiot!! Tarantang nagsilapit sa akin ang tatlo at gulat na gulat na tumingin sa akin! "Don't move, Zekeilah! You might step up of the tiny broken vase." Utos sa akin ni Xanth at nagmadaling naghanap ng walis at dustpan. Napalitan ng pagaalala ang mga mukha nina Daddy at Mommy Cris habang nakamasid sa akin.. Maya-maya lang ay dumating na si Xanth at mabilis na winalis ang mga durog na vase. Sinipat niyang mabuti ang sahig para siguruhing wala ng matitirang bubog. Pagkatapos ay inilagay niya muna sa gilid ang dustpan at walis saka siya nagaalalang lumapit sa akin. "Come here. Let me check you!" Hinila niya ako papaupo sa sofa. Kaagad nga niyang tiningnan ang mga binti ko upang alamin kung may may talsik ba ng bubog doon. Imbes na magalala ako sa magiging findings niya ay mas umaapaw ang kiliti sa katawan ko dahil sa paraan ng paghawak niya sa mga binti ko! I heard him sigh in relief. I think, there is no wound he found. But still, he worriedly stared at me. And then, he caresses my hair. "Babe, be careful next time, okay?" Natutulala lang akong nakatingin sa kanya. Wala akong masabi sa pagiging concern niya ngayon. Saka naman ako inabutan ni Dad ng malamig na tubig na di ko namalayang kinuhanan pala ako ng tubig. "Thanks, dad," sabi ko. Kaagad kong ininom iyon ng isahan. Uhaw na uhaw talaga ako. "Walang anuman, anak," ani Dad at kinuha sa akin ang baso. "Anyway, baby, what are you doing there behind the wall?" Nagtatakang tanong ni Mommy Cris. "Kanina ka pa ba doon?" "S-Sinilip ko lang po kayo. At nang aalis na ako ay bigla ko namang natabig 'yong vase." Pagdadahilan ko. Tiningnan nila akong tatlo ng mapanuring tingin. Napalunok ako at pagkuway bumuntong-hininga. "Kagigising ko lang at nakaramdam ako ng pagkauhaw. Kaya pupunta sana ako sa kusina ng madinig kong may naguusap-usap dito kaya sumilip ako. At kayo lang nasilip ko." "W-What did you hear then?" si Xanth. Kabadong nakatingin sa akin. Umiling ako. "Wala. Nang masilip ko kayo ay agad akong umalis. 'Tsaka, may dapat ba akong madinig sa mga pinaguusapan niyo?" Kunwari'y wala akong alam sa pinagusapan nila. "Zekeilah.." Hinawakan ni Xanth ang kamay ko at pinakatitigan akong maigi. "I have to tell you something," anya at bumaling kina dad at mom. "Oh! Alright! Maiwan muna namin kayo. Come on, Zandro! May paguusapan din tayo," ani Mommy Cris at hinila na si Dad na pilyo namang ngumiti. I smiled seeing them together. But, I took a deep breath. Yeah. I am now happy that I'm complete! But, not yet completed. There's one more missing in my life.. And my heart knows who he is. "Zekeilah.." Pukaw sa akin ni Xanth kaya napatingin akong muli sa kanya. "What?" "I-I have to tell you something," kabado pa rin. "Ano nga kasi 'yon?" Kunwari'y iritable kong tanong. Napalunok muna siya at saka hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko. "I-I'm going back to Manila tomorrow morning." Sandali akong natigilan. Ibig sabihin ba no'n ay hindi ko na siya makikita dito? Kaya ba sinusulit niya ang araw niya para makasama ako—ang baby sa tiyan ko? Maya-maya ay dahan-dahan akong tumango. "Akala ko naman kung ano na, eh!" Singhal ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Okay lang sa 'kin, go! Kaya kong alagaan ang baby natin kahit wala ka dito. 'Tsaka, naroon ang business niyo at saka napapabayaan mo na rin ang career mo dahil nandirito ka," mahaba kong sinabi ngunit parang walang naintindihan ni isa man sa sinabi ko si Xanth. "Babe.. Will you.." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Nanay Suling sa likuran namin. "Xanth! 'Nak! Madaming media sa labas ng bahay at ikaw ang hinahanap! Hindi na nagulat na tumayo si Xanth at masuyo niya akong hinaplos sa baba saka niya ako dinampian ng halik sa labi. "Just stay here, babe. Haharapin ko muna sila," anya at nagmamadaling lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD