"DON'T make some noise! Come on! Get out of this room!"
Hindi ko na magawang lingunin pa ang taong humihila sa 'kin papalabas ng opisinang iyon sapagkat para akong nawala sa katinuan dahil sa nasaksihang eksina.
Saka ko lang namalayan kung nasaan na ako at kung sino ang humila sa akin kanina nang tumunog ang makina ng sasakyan at magsimula itong umandar.
Napalingon ako sa nagmamaneho at gano'n na lang kaba ko ng makita kong punong-puno ng galit ang mukha ni Xanth Eadric!
"Xanth.." Tawag-pansin ko sa kanya ngunit hindi niya ako kinibo at ni hindi man lang niya ako nagawang sulyapan.
Marahil, nakita rin niya ang kung anumang nasaksihan ko kanina at iyon ang ikinagagalit niya ngayon.
Napapikit ako at muling nanariwa sa 'kin ang kababuyang ginawa ni Vixen at ni Sir Kleint pati na ng dalawa pang lalaki. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Vixen gayong ikakasal na sila ni Xanth!
Naaalala ko pa kung paano siyang ginawang putahe na pinagsasalo-saluhan ng mga gutom na leon! Ang lalaswa nila!
Hindi ko rin akalain na magkakaroon ako ng kapatid na katulad niya at naaawa ako sa daddy ko dahil nagkaroon siya ng anak na kagaya ni Vixen.
Alam kong wala akong karapatang manghusga subalit hindi ko magawang pigilan.
At kung malalaman lang ito ni daddy ay siguradong itatakwil siya nito! Pero, hindi ako sigurado kung maniniwala si dad kung ako mismo ang magsasabi dito.
Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na naman namalayang nakahinto na pala ang sasakyan. Ngunit, nang tumingin ako sa labas ay ibang bahay ang hinintuan namin!
Kung kaya't nagtataka akong napalingon kay Xanth.
Pero, hindi ko na nagawang magtanong nang agad niyang kalasin ang seatbelt ko at walang imik na lumabas para pagbuksan ako.
Tahimik na lang din akong bumaba ng kotse niya. Gusto ko sana siyang kulitin at tanungin kung kaninong bahay itong pinapasok namin ngunit kinakabahan ako sa pananahimik niya.
"Stay here for a while, Zekeilah. I'll talk to someone. Just stay here. Don't go anywhere else, okay?" Bilin niya at mabilis akong tinalikuran at iniwan sa napakalawak na sala.
Wala akong nagawa kundi ang maupo na lang muna sa sofa at luminga-linga. Halos mahilo ako nang mapadako ang mata ko sa napakalaking chandelier na nasa mataas na kisame. Napakaganda ng desenyo niyon at napakasarap titigan ngunit dahil sa mahiluhin ako ngayon ay tinigilan kong tumitig dito.
Nangunot ang noo ko dahil ilang minuto na ay hindi pa rin bumabalik si Xanth. Kaya napagdesisyunan kong sundan siya sa pinasukan niyang pintuan kanina.
Nababagot na ako at gusto ko ng umuwi at matulog.
Gano'n na lang ang kaba ko nang makita kong naguusap sina Xanth at ang mommy niya. At doon din ay dinig na dinig ko na ang mga boses nila. Nanatili ako sa may pintuan at para akong naestatwa roon.
"Spare her, Mom! Please!" Dinig kong pakiusap ni Xanth.
"I'm telling you, Xanth Eadric. That woman is a gold digger! Binigyan ko siya ng half million cash para subukan ang katapatan niya sayo and then she grab it! Hiniwalayan ka niya at umalis siya dala ang perang ibinigay ko sa kanya! So, what do you call her? She's a gold digger, am I right?"
Para akong inulos sa kinatatayuan ko at sumiklab ang galit sa dibdib ko sa mga narinig kong kasinungalingan nito tungkol sa akin.
Dala ang galit ay mabilis akong lumapit sa mga ito at hinarap si Madame Devorah na gulat na gulat naman pagkakita sa akin. Kaagad din akong dinaluhan ni Xanth at hinawakan sa braso ngunit tinabig ko iyon.
"Zekeilah? I told you not to go somewhere else—" pinutol ko ang sinasabi niya at hinarap ulit si Madame Devorah.
"Hindi ho totoo ang mga pinagsasasabi niyo! Hindi ho ako gold digger at hindi ko ho tinanggap ang perang pilit niyong iniaabot sa akin noon! Umalis ho ako..oo! Iniwan ko ang anak niyo dahil sa iyon ang kagustuhan niyo at noon pa man ay ayaw na ayaw niyo na ho sa akin! Kaya mas pinili kong lumayo dahil gusto kong maging tahimik ang buhay ko! Hindi ko ho kailangan ng pera dahil kaya ko namang paghirapan iyon para magkaroon din ako! At bakit niyo ho ako patuloy na sinisiraan kay Xanth? Para saan pa ho gayong hiwalay na nga kami at ikakasal na nga siya kay Vixen!" Halos hingalin ako sa naging pahayag ko at ni hindi ko na naman naisip ang magiging epekto no'n sa baby ko.
"Zekeilah.." Si Xanth habang nagaalang dinaluhan akong muli.
"Ang lakas ng loob mong sigawan ako sa mismong pamamahay ko, lapastangan ka! At anong ginagawa mo dito, ha?! Lumayas ka!!" Dinuro ako nito at sinenyasang umalis.
"Wala ho'ng problema sa 'kin! Hindi ko rin naman ginustong pumarito, eh! Hinila lang ako nitong anak niyo!" Tinabig kong muli ang kamay ni Xanth at akma sana akong tatalikod ng marahas niyang hablutin ang braso ko at ikulong ako sa mga bisig niya. "Bitawan mo 'ko, Xanth!"
"Let her leave, Xanth Eadric!!" Utos nito kay Xanth.
"Enoughhh!!!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Xanth at halos mapapikit pa ako. "Why are you doing this?!" Hindi ko malaman kung sino sa amin ng mommy niya ang tinatanong. "Mom!!!"
Nagtaka ako at doon na ako lumingon kay Xanth at nakita ko kung paano nagbago ang hitsura niya na mula sa pagiging maamo ay ngayon tila isa ng mabangis na leon. Naglilitawan na rin ang mga ugat sa leeg niya sa tindi ng galit.
"Why me??" Palag ni Madame Devorah. Tinitigan ako nito ng masama. "What do you mean, Xanth Eadric?!"
"Bakit mo ginawa iyon kay Zekeilah?? Why did you do that?!" Tanong ni Xanth sa ina.
Ngumisi ito sa tanong ni Xanth. "So, are you saying na mas pinaniniwalaan mo ang babaeng nangiwan sayo kesa sa 'kin na mommy mo??"
Ngumising pabalik si Xanth at tumiim ang mga mata maya-maya. "Yes! And, I think you already forgotten your place!"
"Xanth Eadric!" Halos lumuwa ang mga mata sa panlilisik si Madame Devorah. "I know my place and I was just protecting you from that user!"
Muli ko sanang ipagtatanggol ang sarili ko ng hawakan ni Xanth kamay ko at pinisil iyon. Parang sinasabi niya na ikalma ko ang sarili ko. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi ko magawang ikalma ang sarili ko ngunit kailangan! May buhay na magsasakripisyo kapag hindi ko nagawang kumalma.
Gano'n na lang ulit ang panlilisik ng mommy niya sa amin.
"Aside from gold digger, user, and you used to call her lapastangan, ano pa ba ang iba pang itinatawag mo sa ina ng magiging anak ko?? Ano pa ba?!"
Napaawang ang bibig ni Madame Devorah pagkarinig sa sinabi ni Xanth.
"Do you think I can forgive you if there's something happened in her and my child, huh?!"
"Y-You're having a child with her??" Nagugulat pa ring tanong ng mommy niya.
"Yes! And, that's why she's here with me!!"
Doon muling tumingin si Madame Devorah sa akin. Sa tingin niyang iyon ay alam kong may isang bagay siyang nais isiwalat. Nilukob akong muli ng kaba sa dibdib.
Napapikit ako at handa na akong tanggapin ang kung anuman ang magiging reaksyon at desisyon ni Xanth Eadric.
"Hello?? Guys?"
"Wohoo! Anybody home?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng mga boses na iyon. At namilog ang mga mata ko nang makita ang dalawang nakababatang kapatid ni Xanth na sina Flynn Kaizzer at Drake Kimpner!
"What's going on in here? Oh!" Gulat na napatingin sa akin si Flynn. "Zekeilah? Oh God! Nice to see you again!"
Lalapitan sana ako nito ng mabilis na iniharang ni Xanth ang braso niya sa 'kin.
"Back off!" Seryosong utos ni Xanth kay Flynn habang tatawa-tawa naman sa tabi si Drake.
"No worries, brother! Flynn is now dating a gorgeous woman. What's her name again?"
"Shut up, Drake!" saway nito sa kapatid at bumaling kay Xanth na madilim pa rin ang mukha. "Relax! I just wanna say hi to Zekeilah!" Anito at tumingin naman sa akin. Malayo ang distansyang kumaway ito at malawak ang ngiti. "Hi, Zekeilah!"
Tipid ko siyang nginitian. "Hi, Flynn." Tinanguan ko naman si Drake.
"Enough! What are you doing here, Kaizzer and Kimpner? Kailan pa kayo dumating? At bakit hindi man lang kayo tumawag?" Nakataas na kilay na tanong ni Madame Devorah sa mga anak na kumibit lamang ng mga balikat.
"Why do we have to tell you... Mom?" Magkapanabay pa sa pagsagot ng dalawa na ikinatagis ng ngipin ng mommy nila!
"I want to know that's why I'm asking!"
"Oh, well.. fine. We're here because we want to surprise you!" si Drake na nakadipa ang mga kamay.
Nangunot naman ang noo ni Madame Devorah. "What??"
"Aren't you surprised that we're here and we found out your secret cave?" Si Flynn habang inililibot ang paningin.
Secret cave?
"What are you saying, Kaizzer?? Drake?? Deretsuhin niyo nga ako! Ano ba kayo!" Kabadong tanong nito.
"Xanth tell us where you hiding so.. Surprise!!" Si Drake ulit.
Walang anu-ano'y biglang nagsipasok ang nasa anim na bilang na mga armadong pulis at lumapit ang mga iyon kay Madame Devorah na biglang nataranta at nagpupumiglas habang pinupusasan.
"Ano 'to!? Anong ibig sabihin nito?!Bakit niyo 'to ginagawa sa 'kin?! Mommy niyo 'ko!! Bitawan niyo 'ko!" anito sa mga pulis.
"You are not our mom, Miss Devorah Santillan! Because our real mom are died already and you killed her!" Nagulat ako sa sigaw na iyon ni Flynn.
"What?! That's not true! I'm innocent!" Sigaw ni Madame Devorah.
"We have now the real footage where you killed our poor mom!" Muling sigaw ni Flynn.
May nilabas na USB si flynn at kinuha ang laptop na hawak naman ni Drake at isinalpak iyon. Maya-maya lang ay nag-play doon ang isang footage kung saan kitang-kita ang pagtatalo ng isang ginang at ni Madame Devorah na sa tingin ko ay nasa trenta anyos pa lang ang mga ito. Hindi gaanong maintindihan ang pinaguusapan ng mga ito ngunit kita na doon ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Tinutulak-tulak ni Madame Devorah ang ginang at pilit namang sinasalag iyon ng ginang. Hanggang sa magpambuno na ang dalawa. Dahil sa mas malaki at mas matangkad si Madame Devorah ay dehado ang ginang. Hanggang sa ilang sandali pa ay maitulak ng malakas ni Madame Devorah ang ginang sa isang nakausling pader. Doon nawalan ng malay ang kawawang ginang habang nagpapadausdos sa sahig at bumuhos na ang dugo sa ulo nito.
Kaagad na isinarado ni Flynn ang laptop at namumula ang mukha. Maging si Drake ay halos sugurin na ang natitigilang si Madame Devorah. Ramdam ko rin ang galit ni Xanth dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Put her in jail now!" Sigaw ni Xanth.
Nagulat ako ng maya-maya ay humalakhak si Madame Devorah habang mahigpit na hinahawakan sa magkabilang braso ng dalawang pulis.
"Bagay lang iyon sa kanya!! Mga ganid!! Napakasakim niya sa pera! Hinihiraman ko lang siya ng pera na para sana maipampagamot ko sa nanay kong may sakit ngunit hindi niya ako pinagbigyan! Hanggang sa namatay na lang ang nanay ko! Kulang pa ang buhay ng ina niyo para mapagbayaran ang ginawa niya! Sakim siya! Sakim!!" anito at biglang humagulhol ng iyak. Maya-maya ay bigla namang tumawa. "At 'yang daddy niyo naman... Hahaha! Napakatanga at nabighani sa akin! Dahil rin sa katangahan niya ay hindi niya namalayang nilalason ko na pala siya!"
Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig.
"Fvck you!!!" Nagkapanabay pa ang tatlo. "Hayop ka! Inakala naming namatay si Dad dahil sa sakit niya sa puso tapos ngayon, nilason mo pala siya!" Sigaw ni Xanth.
"Hinding-hindi ka na makakalabas pa ng kulungan, murderer! We will make sure of that!" Ani naman ni Flynn.
"You will rot in jail, devil woman!!" Galit ding sigaw ni Drake.
Napapikit akong muli sa mga naririnig at nalaman ko. Napabuntong-hininga ako ng malalim at saka ko hinaplos ang tiyan ko. Nagaalala ako sa baby ko.
Nakita naman ni Xanth ang paghaplos ko sa tiyan ko kaya't niyakap niya ako ng mahigpit.
"Zekeilah? A-Are you okay? I'm so sorry for everything," bulong niya sa tenga ko.
Hindi ako umimik. Tango lang ang itinugon ko.
"Officer, put her in jail now!" ani ni Xanth sa mga pulis at tumalima naman ang mga ito.
Muling nagpumiglas si Madame Devorah sa mga pulis at nagsisisigaw. Ngunit kinaladkad lamang siya ng mga ito.
"Flynn, Drake, make sure na hindi siya makakatakas. Iuuwi ko muna si Zekeilah. She's pregnant and her pregnancy are too sensitive."
Namilog naman ang mga mata ng dalawa. Napa-O pa ang bibig ng mga ito.
"Congrats, bro!" Si Drake at kinamayan si Xanth. Sumunod naman ang lulugo-lugo pang si Flynn.
"Congrats, bro! And best wishes!"
"Thank you."
Alam kong wala sa tyempo ang pagusapan ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil kagagaling lang namin sa mainit at tensyunadong kaganapan. Pero, gano'n ang mga magkakapatid na ito. Parang walang nangyari.
Nauna ng lumabas ang dalawa at sinundan ang mga pulis.
"Let's go home, babe." Akay na ako ni Xanth papalabas at kuntodo alalay siya sa 'kin.
Pagkalabas namin sa bahay na iyon ay nangunot ang noo ko dahil naroon pa rin ang mga pulis at si Madame Devorah na nakaluhod sa harapan ni..Daddy!
Nagulat si Xanth nang kumawala ako sa kanya at halos gusto ko ng takbuhin ang kinaroroonan ng mga ito. Subalit, pinigilan ako ni Xanth.
"Zandro, tulungan mo 'ko! Ayokong makulong! Parang awa mo na. Ayokong mabulok sa bilangguan!" Pagmamakaawa ni Madame Devorah kay Daddy.
"Dad?" Tawag-pansin ko kay daddy at agad naman itong lumingon sa akin.
"Let them talk first and listen. You need to know the truth," bulong sa akin ni Xanth.
Napamaang ako. "Anong kailangan kong malaman?"
"Just listen to them, babe," madiin niyang sabi kaya natahimik ako.
Nakita ko sina Flynn at Drake na nasa gilid ng sasakyan at pinapalibutan ang dalawa.
"Anong kasalanan mo?" Malumanay na tanong ni Dad.
"They we're accusing me that I killed their parents. Help me, Zandro! I need your help, please!"
Napatingin sa amin si Dad na nangungusap ang mga mata. Tinanguan naman ito ni Xanth. Saka muling bumaling sa umaarteng nakaluhod sa harapan.
"Hindi kita matutulungan, Devorah, pasensya na. Pagbayaran mo kung anumang naging kasalanan mo. Hindi ka nila ipakukulong kung wala silang nakitang sapat na ibidensya laban sayo."
"No! Dinoktor lang nila ang video footage na ibidensya nila! Hindi talaga ako ang pumatay sa nanay ng mga iyan!" Isa-isa nitong dinuro ang tatlong magkakapatid.
"Nai-record namin ang isinawalat mo kanina na nilason mo ang daddy namin!" Sigaw ni Drake.
"At hindi namin dinoktor ang footage na iyon! Nakuha namin ang USB na 'yon diyan mismo sa lungga mo!" Ani naman ni Flynn.
"Ahhhh! Tumigil kayo!!" Nababaliw na sigaw ni Madame Devorah. Saka bumaling uli ito kay Daddy. "Zandro! Maniwala ka sa akin! Hindi ko magagawa iyon! Tulungan mo 'ko!"
"Will you shut up, Devorah! Enough the drama!!" Sigaw ng isang ginang sa di kalayuan.
Nakatulala akong napatitig sa babaeng naglalakad papalapit. May edad na rin ito ngunit napakaganda pa rin ng mukha at ang hugis ng katawan. Nagulat ako ng tumabi ito kay Daddy at pagkuway tumango. Saka muling ibinaling ang tingin sa napiping si Madame Devorah na dahan-dahang tumayo.
"Crisanta.. Buhay ka??"
Ngumiti ang bagong dating na babae.
"Yes. I'm alive and kicking, Devorah. Nagulat ka ba?"
"Pinatay na kita, ha!! Bakit nabuhay ka pa?!"
"Sadyang maswerte pa rin ako dahil binigyan ako ng pangalawang buhay para balikan ka!" Gigil na sabi ng babae.
"Hayop ka!"
"Mas hayop ka at masahol ka pa sa demonyo!! Mamamatay tao!!! Dahil sayo kaya nawalay ako sa anak ko! Matagal na panahon bago bumalik ang alaala ko nang magkaroon ako ng amnesia! Ilang taon kong hinanap ang magama ko ngunit hindi ko sila matagpuan sapagkat iyon pala'y nakapiit ang asawa ko sa impyernong ikaw din ang may kagagawan!"
"Hahahaha!" Nababaliw na tawa ni Madame Devorah.
"Wala kang puso, Devorah!" Malumanay ngunit bakas ang galit sa boses ni Daddy.
Napaawang ang bibig ko. "I-Ibig bang sabihin.. K-Kayo ho ang N-Nanay ko?" Uutal-utal kong tanong.
"Ako nga, anak ko.. Ako ang Mommy mo," nakangiting tugon nito at namumungay ang mga matang tumingin sa akin. Saka ito mabilis na naglakad papalapit sa akin.
Pinakawalan naman ako ni Xanth para salubungin ko ang nanay ko!
Mahigpit kaming nagyakap at doon ko naramdaman ang tinatawag na lukso ng dugo. Napaiyak ako. Nang mahimasmasan ay kumalas ako sa pagkakayakap namin at nakangiti akong pinakatitigan siya.
"Ibig bang sabihin, ikaw ang pinuno ng mga bumihag kay Tito Zandro at sayo rin napunta ang fifty million na ipinangtubos ko?" Galit na tanong ni Xanth kay Madame Devorah.
"Hahahaha! Oo!! At inubos ko 'yon sa casino!" Nababaliw na nitong tugon.
"Napakasama mo!!" Sigaw ni Xanth.
Ngunit inilingan lamang siya nito. "Napakasarap sa pakiramdam na paikot-ikutin kayong mga bobo! Pero, hindi ko akalain na may mga utak din pala kayo at matutuklasan niyo ang maitim kong sekreto! Hahahaha!" Nababaliw na tawa ni Madame Devorah at bumaling sa nanay ko. "Ano! Crisanta! Hindi ba dapat ay nagpapasalamat ka sa 'kin dahil kung hindi sa ginawa ko sayo ay patuloy ka pa rin sa pakikipagtalik kung kani-kanino! Hindi ba't isa kang bayarang babae, ha?"
Napalunok ako. Kaagad akong napatingin kay Xanth na tumiim ang mga bagang sa narinig. Agad nabaling ang tingin ko sa nanay ko na nasa katabi ko at kumunot lang ang noo. Gayon din si Daddy na pinakatitigan si Madame Devorah at tila napamaang. Nasulyapan ko rin sina Flynn at Drake na tila din naghihintay sa kasagutan ng nanay ko.
"Saan mo nakuha ang maling impormasyon na 'yan, ha? Devorah?" Si Daddy ang sumagot habang deretso ang tingin sa nangingisi pa ring si Madame Devorah.
"Hindi ba't isa siyang bayarang babae at kung kani-kaninong lalaki pumapatol? At kung hindi dahil sa kalandian niya ay hindi ka niya maaagaw sa akin, Zandro!"
"Hindi naging tayo, Devorah! Si Crisanta ang nagiisang kasintahan ko noon at hindi siya bayarang babae!! Nagiisa siyang anak ng Duke! Isa siyang maharlika kaya't papaanong magiging bayaran ang isang katulad niya?"
Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ko sa narinig at muli akong napatingin kay Xanth na ngayo'y titig na titig na rin pala sa akin.
"Anak ng Duke??" Gulat na tanong ni Madame Devorah at napatingin sa nanay ko na ngayo'y napapailing lang.
"Malaking kasalanan ang magparataang ng karumihan sa isang tao, Devorah. Sa pagkakataong ito, natitiyak ko na wala ka ng laya pa," mahinahon ng sambit ng daddy ko. Naroon pa rin ang galit ngunit mas pinili na nitong magtimpi.
"Kung gano'n, sino pa bang bayarang babae ang naanakan mo, Zandro?! Hindi ba't si Crisanta lang naman ang naanakan mo??"
"My mom."
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon na nasa di kalayuan at doo'y natatakpan ito ng usok na nanggagaling sa hinihithit nitong sigarilyo!
Authors Note: This is my second account guys coz I can't reopen my old account(@PrincessGomezJacob). Please do follow me and leave some comments. Thank you so much! Mwah!