CHAPTER ELEVEN (SPG)

2928 Words
WARNING: SPG NAGISING ako nang maramdaman ko ang malamig na bagay na dumampi sa labi ko ngunit nanatili akong nakapikit at dinama iyon. Napakasarap sa pakiramdam at animo'y idinuduyan ako sa alapaap. "I love you.." Dinig kong bulong nito sa puno ng tenga ko matapos ang ginawa nito ngunit mahina lamang iyon at hindi ko masyadong naintindihan. "Wake up.." Nanuot ang kiliti sa katawan ko dahil sa ginawa nito at nang imulat ko ang mga mata ay ang nakangiting mukha ni Xanth ang bumulaga sa akin. "Wake up sleepy head." Nagulat ako kaya malakas ko siyang naitulak. Kamuntikan pa siyang mahulog sa kama. Mabuti na lang at mabilis naman niyang naitukod ang braso niya. Kaagad niya akong binalingan. Nawala ang napakagandang ngiti na kanina lang ay ibinungad niya sa akin. "I'm sorry to wake you up, babe. It's just that, you have to take your dinner.. that's why. It's already eight in the evening," malungkot niyang sabi kaya agad naman akong nakunsensya sa pagtulak sa kanya. Napabuntong hininga ako at agad na kinalma ang sarili. "Sorry din nagulat lang ako kaya kita naitulak," hinging paumanhin ko saka ako bumangon sa higaan. Aalalayan niya sana ako ngunit agad ko siyang pinigilan. "Xanth, you don't have to do this. Kaya ko pang gumalaw ng magisa. Hindi pa nga umuumbok ang tiyan ko, eh. Saka mo na ako alalayan kapag malaking-malaki na ang tiyan ko," mahinahon kong sabi. Napayuko naman siya sa sinabi ko. "Zekeilah, please.. Let me do this. Just for our baby.. And I was just worried about your pregnancy. Our baby is too sensitive," sabi niya maya-maya at pinakatitigan ako. Natigilan naman ako. Our baby.. Ang sarap sa pandinig.. Pero sana, kahit dumating man ang panahon na malaman mo ang totoo ay sana'y gano'n pa rin ang sasabihin mo.. "Nagugutom na ako," pagbabago ko ng usapan. Saka ako bumaba ng kama at dumeretso papalabas ng kwarto. Tahimik naman siyang nakasunod sa akin. Ikinapagtataka ko din kung bakit nandirito pa rin siya sa bahay gayong marami siyang pinagkakaabalahan sa buhay. Bukod sa negosyo nila, career niya, ay nandiyan pa na malapit na silang ikasal ni Vixen! Kaagad akong dumeretso sa kusina at doon ko naabutan sina Daddy at Nanay Suling na masayang naguusap. Napukaw ang mga ito at nabaling ang mga paningin sa akin nang makalapit ako habang nakasunod si Xanth sa likuran ko. "Halika na kayo't kumain, " anyaya ni Daddy sa amin. "O, anak! Paborito mo itong ulam natin at talagang magugustuhan mo 'to," ngiting-ngiting ipinaghila ako nito ng mauupuan. Ngumiti ako at saka ako dumulog sa mesa. Kaagad akong naupo at hinarap ang pagkain. Natakam ako nang naroon nga't nakahain ang mga paborito ko! Naroon ang baboy na inadobo sa asin, buttered shrimp at tinolang manok! "Wow!!" Bulalas ko! Napakagat pa ako ng labi ng marinig ko ang pagkalam ng tiyan ko. Natatawa akong hinaplos iyon. Marahil gutom na rin ang baby ko. Napatingin din si Xanth sa tiyan ko at ngumiti. "Maupo ka na rin, 'nak. Dito ka na sa tabi ng asawa mo," ani naman ni Nanay Suling kay Xanth na mabilis namang tumalima. Napatingin naman ako kay Nanay Suling dahil sa sinabi nitong 'asawa'. "Nay, hindi niya ho ako asawa. Si Vixen ang magiging asawa niya," pagtatama ko sa sinabi nito. "Nak, magkakaroon na kayo ng supling. Kasal na lang ang kulang sa inyo at magiging isa na kayong pamilya. Maiintindihan naman iyon ni Vixen kung ikaw ang pipiliin ni Xanth," anya at kumuha ng baso at pinaglagyan ako ng juice, gano'n din si Xanth na ngayo'y natahimik at nakinig na lamang habang kumakain. Napailing na lang ako. Mahihirapan akong ipaintindi iyon kay nanay sapagkat hindi niya alam ang mga nangyayari sa amin. Saka, imposible ding mangyari na ako ang pakakasalan ni Xanth. Anong gagawin niya Vixen? Itatapon na lang bigla sa tabi? Nang sulyapan ko si Xanth ay tahimik pa rin siya. Ni-hindi ko maarok kung anuman ang bumabagabag ngayon sa isipan niya. "Kumain ka na, anak. Huwag mo na munang intindihin ang sinabi ni Suling at baka ma-pressure ka. Magpakabusog ka muna," bulong ni daddy sa tenga ko. Saka naman ito bumaling kay Nanay. "Suling, hayaan mo na ang mga bata na siyang magdesisyon para sa kanila. Hayaan muna natin silang makapagusap-usap tungkol diyan." "Bueno, malalaki na rin naman na sila. Alam na nila ang tama at mali," sagot ni Nanay Suling at tinanguan ako. "Kain na, 'nak. Huwag niyo akong intindihin. Magpakabusog ka para sa baby." Tumango ako at saka ko na nilantakan ang mga pagkaing nakahain sa harapan ko. Nakaramdam tuloy ako ng matinding gutom. Ni wala na akong pakealam sa mga nakatingin sa akin. Kumain ako hanggang sa maubos ko ang huling butil ng kanin sa plato ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko pagkatapos kong inumin ang apple juice. "Grabe! Busog na busog ako, 'nay! Bakit ang sarap ng luto niyo ngayon? The best!" Nag-approve sign pa ako dito na ikinakunot naman nito ng noo. "Hehe. 'Nak, hindi ako ang nagluto niyan.." Nakangisi nitong tugon. "Huh? Sino po? Si daddy?" Saka ako bumaling kay dad na umiiling-iling din. "Hindi rin ako, anak." "Glad that you like it. Then, I'll cook yummy foods for you everyday," basag ni Xanth sa katahimikan niya. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang malawak ang ngiti. "Ikaw ang nagluto??" Tanong ko. Tumango siya. "Yeah," anya at kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng bibig ko. "Ang ganda-ganda mo pa rin kahit na may nakadikit na paminta sa bibig mo." Nakangiti niyang sabi na ikinainit ng mukha ko. Hayan na naman ang pambobola niyang nagpapainit ng kamalayan ko! Pakiramdam ko ay pulang-pula ngayon ang pisngi ko. Umismid ako at saka ako tumayo. "Salamat sa masarap na pagkain," sabi ko at agad ko na silang tinalikuran. Ni hindi tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kina Daddy at Nanay Suling. "Zekeilah!" Habol na tawag ni Xanth ngunit hindi ko na siya nilingon pa. "Hahaha! Ganyan talaga ang mga naglilihi, 'nak! Kailangan mong pagtiisan 'yan. Matopak ang mga 'yan!" Dinig kong sabi ni Nanay Suling na sinundan naman ng tawa ni dad. Napailing na lang ako at saka na ako dumeretso sa kwarto at kinuha ang laptop ko. Naupo ako sa kama at doon gumawa ng resignation letter. Ipapa-print ko na lang kinabukasan at dadalhin ko bukas sa shop. Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng file nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napaangat ako ng tingin sa pumasok. "I brought your milk, babe. This is for pregnant. Drink this before you go to sleep, okay?" ani Xanth at ipinatong sa side table ko ang baso. Sinulyapan ko siya saglit. "Salamat," pasalamat ko habang nakatuon na ang paningin sa ginagawa ko. Nagulat ako nang sumampa siya sa kama at tiningnan ang ginagawa ko. Pero, mabilis ko namang inilayo iyon sa kanya. "What are you doing?" Nakangiti niyang tanong. "I just want to see it, babe." "Babe mong mukha mo! Wala kang pakealam dito! Lumayo ka nga sa 'kin! 'Tsaka, ano pa bang ginagawa mo dito? Bakit di ka pa umuuwi?" Balik tanong ko habang nakatiklop na ang laptop ko. Nakasimangot niya akong siniringan. "I'll sleep here," anya at humiga na sa kama ko. "Dito sa bahay namin?" "Dito sa kwarto mo." "Ano?? Sira ka ba? Teka nga at tatawagan ko si Vixen, lintik ka! Naiinis ako sayo!" Natatawa siyang lumapit sa akin at mabilis akong ikinulong sa mga braso niya. "Xanth! Ano ba! Bakit mo pa ba ginagawa 'to?" "I'm so happy knowing that I'm going to be a dad, babe. Thank you for giving me such blessing," sagot niya. Malayong-malayo sa sagot na iniisip ko. Napalunok ako nang unti-unti ay bumitaw siya sa akin at ikulong niya naman sa magkabilang kamay ang mukha ko. Pinakatitigan niya ako ng maigi. Tila may naghahabulang daga sa tiyan ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at dampian ng halik ang noo ko.. ilong ko.. Hanggang sa dumampi ang labi niya sa labi ko. Siniil niya ako ng halik hanggang sa halos mapugto na ang mga hininga namin. Wala na. Nagpapaubaya na naman ako. Napakarupok talaga ng katawan ko! "I'll take care of you and our baby, okay?" Bulong niya. "Let me stay here for a night." I nodded.. "And, I'll make you happy." Muli niya akong siniil ng halik. Alam na alam niya ang kahinaan ko at kung papaano akong paaamuhin. Sa pagkakataong ito ay muli na naman akong nagpapaanod sa napaka-romantiko niyang paraan ng paghalik at haplos. Halos galugarin na naman niya ang bibig ko at halos magkapalit na kami ng dila sa patuloy niyang pagsipsip doon. Marahan niya akong inihiga sa kama at doon niya ako sinimulang romansahin. Isa-isa na rin niyang tinanggal ang mga damit namin hanggang sa tuluyang bumandera ang mga hubad naming katawan. Muli niya akong hinalikan. Kaagad siyang dumausdos paibaba sa leeg ko at natigil iyon sa malulusog kong dibdib. Pinagnasaan niya iyon at halos ayaw na niyang tigilan. Ngunit maya-maya'y muli na siyang dumausdos paibaba sa tiyan ko hanggang sa marating niya ang hiyas. Nagpakawala ako ng impit na ungol nang simulan niyang dilaan ang parteng iyon. Mas lalo pa niyang pinaghiwalay ang mga hita ko para malaya siyang makagalaw doon. Napapikit ako ng mariin at halos mapunit na ang sapin ng kama ko sa lakas ng kapit ko. Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang dumausdos paitaas hanggang sa muling magtagpo ang mga labi namin. "I'm going in, babe. Can you allow me?" anya sa paos na boses. Langong-lango ako sa init ng nararamdaman ko kaya mabilis akong tumango. "Say it, please.." Utos niya. "Yes." Iyon lang at dahan-dahan na niyang ipinasok ang sandata niya sa entrada ko. Isang mabilis na salpukan lang at hindi na naulit pa dahil sa nakatulog na naman ako. Nagising ako kinaumagahan nang nakakaramdam ng paghilab ng tiyan. Kaagad akong bumangon at pumunta ng banyo upang doon magsuka. Halos maiyak na ako dahil kahit wala na akong mailabas pero patuloy pa rin ako sa pagsusuka! Hanggang sa maramdaman ko ang mahinang paghagod ng kamay sa likod ko dahilan para gumaan-gaan ang pakiramdam ko. Hindi ko ito nilingon dahil sa amoy suka ako! Maya-maya lang ay umayos na ang pakiramdam ko. Kaagad akong naghilamos at nagsipilyo. Saka ko hinarap ang taong iyon na humagod sa akin. "Xanth." Napatitig ako sa kanya at para akong nahihipnotismo sa ganda ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Saka ko lang napansing wala pala akong suot ni kahit panty man lang. Tsk! "Syete 'yan!" Mabilis kong naitakip ang mga kamay ko sa maseselang bahagi ng katawan! "You're still naked, babe," kagat-labi niyang ibinalot ang hawak na tuwalya sa katawan ko. Namumungay din ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. "You're so beautiful.." Napapikit ako ng dampian niya ako ng halik sa labi. Mabilis lang iyon at agad na niya akong inalalayan hanggang sa makarating sa kama ko. "Sleep if you're still sleepy, babe," anya habang inalalayan akong humiga. Tinanggal niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko at pinalitan niya iyon ng kumot. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko'y sisimulan na naman niya akong romansahin. Tsk! Tumalikod na siya at tinungo ang study table kung saan nakalagay ang mga importante niyang gamit. Ang totoo ay inaantok pa ako. Hindi ko alam kung bakit gusto kong matulog na lang sa maghapon. Pero, kailangan ko ng tapusin ang naunsyami kong paggawa ng resignation letter. Kaya muli akong bumangon. "What are you doing?" Nagulat si Xanth nang nasa likod na niya ako at pilit kong inaabot ang laptop ko. Nasa dulo kasi iyon at nahaharangan pa niya ako. Kaya't siya na ang umabot no'n at ibinigay sa akin. "Here. Be careful next time, babe. Baka maipit ang baby natin," nagaalala niyang hinaplos ang tiyan ko na medyo naipit ng abutin ko ang laptop. Ngunit napatingin na naman siya sa kabuuan ko kaya marahan ko siyang itinulak at tinakpan ko ng laptop ang bahaging pinagnanasaan ng mga mata niya. Kagat-labi siyang ngumiti. "Pervert!" singhal ko at saka ako bumalik sa kama at doon ko muling binuksan ang laptop ko. Subalit, nagulat ako nang makitang tapos ng ma-encode ang resignation letter ko at ready na to print out. Napatingin ako kay Xanth na abala na rin sa pagkalikot ng laptop niya. Sigurado akong siya ang tumapos nito kagabi or kanina. Saka alam na niya tuloy na aalis na ako sa trabaho. Tsk! "Thank you.." nagpasalamat pa rin ako. Napalingon siya sa akin. "For what, babe?" "Pinakealaman mo lang naman ang resignation letter ko kaya salamat. Sabagay, dapat mo naman talagang tapusin 'to. Kasi kung hindi mo 'ko inistorbo kagabi, siguradong natapos ko na 'to," sabi ko habang inaalala ang namagitan sa amin kagabi. Naginit na naman tuloy ako! Ngumisi siya. "You're welcome, babe," sabi niya at muling itinuon ang atensyon sa laptop. "Saka, mabuti naman at napagisipan mo ng mag-resign. Thanks for that. Sasamahan kitang pumunta sa management niyo." Nabigla ako. Talaga??? Eh, dati-rati ayaw niya akong sinasamahan sa mga lakad ko dahil baka maipit ako kapag dinumog siya ng mga tao. Saka, pribado kasi ang relasyon namin. Walang ibang nakakaalam. Napabuntong-hininga ako at tiningnan siya habang nakatalikod pa rin. "Madaming makakakita sayo doon at baka dumugin ka lang. Saka, kaya ko na 'tong magisa," sabi ko at humalukipkip. Muli siyang lumingon sa akin. "I'll come with you, babe and don't worry about me." Napabuga na lang ako sa hangin. Kapag sinabi niya ay talagang gagawin niya. Tsk! Bahala nga siya. Desisyon niya 'yan, eh. "You have to take a bath now, babe. We'll eat breakfast after you took a bath. Maaga akong nakapagluto," sabi niya habang abala pa rin sa ginagawa. Talaga??? Pinagluto niya ako ulit? Lihim akong napangiti. "Sige.." sabi ko at mabilis na bumaba ng kama at tinungo ang banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabanlaw ng pumasok si Xanth sa banyo at sumabay sa akin. Napalunok pa ako ng makita ko na naman ang tayong-tayo niyang sandata. "Ba't hindi mo na lang ako hintaying matapos?" Pagtataray ko. Tumalikod ako sa kanya dahil nagiinit ang katawan ko kapag nakikita ko ang sandata niya. "Antagal mo kasing maligo, eh. Mali-late na tayo sa pupuntahan natin," anya at naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko. Ramdam ko ang matigas na bagay na tumutusok sa akin. "Eh, sa nag-i-enjoy pa akong maligo!" Singhal ko na ikinangisi niya. "I know. Gusto ko ring makasabay ka ulit sa pagligo." Niyakap niya ako mula sa likuran ko at hinalik-halikan ang batok ko. Muli na naman akong nakiliti sa ginagawa niya! Ngunit agad ko na siyang pinigilan. "Xanth.. Mali-late na tayo kaya magdali na tayo!" Ulit ko sa sinabi niya kanina na ikinatawa niya. Lihim din akong natawa at binilisan na ang pagbabanlaw. Hindi ko na rin siya pinansin pa dahil kung papatulan ko ang pangsi-seduce niya ay baka maging dahilan pa para tuluyan kaming ma-late sa pupuntahan namin. Natatawa naman siyang nagpatuloy sa paliligo. WE'RE ON THE WAY to my working place. Inihatid nga ako ni Xanth at kasalukuyan pa kaming nasa biyahe gamit ang kotse niya. "Ako na lang ang papasok sa loob ng opisina, Xanth. Huwag ka ng sumama. Madaming makakakita sayo," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang sandali niyang paglingon sa akin dahil sa sinabi ko. "I'll come with you." Lumingon ako sa kanya. "Bakit ka pa kasi sasama? Dati-rati naman ay ayaw mo kong samahan. Bakit ngayon na kung kailan wala na tayo at ikakasal ka na rin sa iba ay saka ka naman nila makikitang kasama ako? Mas lalo kang paguusapan niyan." Ayokong isipin na ang baby namin ang dahilan kung bakit niya gagawin ito. Mas lalo na ang isipin na nagseselos siya kay Sir Kleint. Imposible! Tsk! Ayaw kong magisip at baka ma-stress lang ako. Dinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at hindi niya ako nagawang sagutin. Tahimik niyang iminamaneho ang sasakyan. Hindi na rin ako umimik pa. Ilang sandali pa at nakarating na rin kami sa shop. Pagkahinto ng sasakyan ay saglit muna kaming nagpapakiramdaman. Hanggang sa alisin niya ang seatbelt ko at marahan niyang hinaplos ang tiyan ko. "Please, take care, babe. I'll wait you here," nasabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi. Ilang saglit pa akong natigilan bago ako tumango at saka lumabas ng kotse niya. Lumingon pa ako sa kanya at nakita ko siyang kumaway sa 'kin. Tsk! Hindi ako makapaniwala.. Gusto kong maging masaya sa nangyayari ngayon ngunit nilulukob pa rin ako ng mga agam-agam ko dahil alam ko naman na ikakasal na siya sa half sister ko na si Vixen na magmula naman no'ng pumunta sa bahay ay hindi ko na ulit nakita. Gano'n din ang pagbabanta sa akin ni Madame Devorah Segovia. Sa ginagawang ito ni Xanth ay ilalagay niya lang ako magulong sitwasyon pati na ang magiging anak namin. Sandali akong napapikit at nang magmulat ako ay saka ko napansing nasa harapan na ako ng opisina ng manager. Kaagad akong kumatok. Sandali pa akong naghintay ngunit walang nagbubukas ng pinto. Muli na sana akong kakatok nang kusa iyong bumukas kaya't agad na akong pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakararating sa manager's desk nang makarinig ako ng impit na ungol. Nangunot ang noo ko. Alam ko ang ibig sabihin no'ng ungol na iyon kaya agad na hinanap ng mga mata ko ang pinagmumulan no'n. Napatda ako sa kinatatayuan ko nang makita mismo ng dalawang mata ko kung kanino nanggagaling ang ungol na iyon! Ang nakahubot-hubad na si Vixen na nasa ibabaw ng lamesa habang hinahataw ni Sir Kleint at ng dalawa pang hindi ko kilalang lalaki!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD