CHAPTER TEN

3408 Words
"WHY DID you vomit? Are you not feeling well?" Tanong ni Xanth habang mataman pa ring nakatitig sa akin. "Anak, anong nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" nagaalala namang tanong ng daddy ko. "'Nak, panay-panay na ang pagsusuka mo, ha? May sakit ka ba?" tanong naman ni Nanay Suling na hanggang ngayon ay wala pa ring alam sa pagdadalantao ko. Napabuntong-hininga ako saka ko sila tiningnan isa-isa! "M-Masama lang ang pakiramdam ko. 'Wag kayong magalala sa 'kin. 'Tsaka, wala akong sakit," pangungumbinse ko sa kanila dahil ayaw ko pang ipaalam ang totoong kalagayan ko lalo pa't nasa harapan ko ang ama ng dinadala ko! "Are you sure?" paniniguro pa rin ni Xanth. Seryoso ngunit naroon ang pagtataka sa mukha niya. "I can drive you to the hospital or even in the nearest clinic just to check you up, Zekeilah." may himig din ng pagaalala sa boses niya. Tumingin ako sa kanya nang may pait sa dibdib. Lumapit pa siya sa akin ngunit umurong ako. Nahilo ako kaya't muntik pa akong mabundol sa pinto ng banyo. "Be careful, please!" agap niya sa akin. Hawak niya ako sa magkabilang siko. Di niya alintana na nasa likuran lamang niya ang babaeng pakakasalan! Kaagad kong tinabig ang mga kamay niya kaya napaatras siya. Saka ko siya sinamaan ng tingin. "Okay nga lang ako! 'Wag ka ngang OA! 'Tsaka, umuwi ka na nga! Umalis ka na dito!" inis kong baling sa kanya. Nawala na rin sa isip ko na siya ang nagligtas sa daddy ko. Nagagalit ako sa kanya at iyon ang nararamdaman ko ngayon! "Anak! Zekeilah.." pananaway ni daddy sa iniasta ko. Agad itong bumaling kay Xanth. "Mr. Segovia—hijo, pasensya ka na. Marahil masama lang talaga ang pakiramdam ng anak ko." Hinging paumanhin nito na ikinainis ko lalo. Agad naman itong bumaling kay Vixen na nakahalukipkip lang sa tabi nito. "Anak, umuwi na muna kayo, sa susunod na lamang tayo muling magusap kapag maayos na ang pakiramdam ng ate mo." Ate mo? Oo nga pala at kapatid ko ito. "It's okay, dad. I'll go ahead na. Take care of yourself, dear sister! Bye," anya at tumingin muna sa akin bago kay Xanth saka nagmamadaling lumabas ng kusina. Nangunot ang noo ko kung bakit nauna itong umalis gayong nandirito pa sa harapan ko ang fiancee niya! But I just ignored it. Bahala sila! "Magpapahinga na rin ako," sabi ko at muling yumakap kay Daddy. Pagkatapos ay kumalas ako at walang-lingong likod akong tumalikod sa kanila. Ngunit mariin akong napapikit nang maramdaman kong nakasunod sa akin si Xanth. Kaya nagmadali akong dumeretso sa kwarto ko at agad ko iyong ini-locked. Isasalya ko na naman sana ang katawan ko sa kama kung hindi ko lang naalala na may laman pala ang tiyan ko.. Damn it! Hindi ako nagiingat! "Zekeilah! Open this door, please! Let's talk!" Dinig ko ang boses ni Xanth sa labas at ang sunod-sunod niyang pagkatok sa pinto. "Zekeilah, please!" Mariin akong napapikit sa kairitahan! Bakit hindi na lang niya lang sundan si Vixen? Bakit di na lang siya umalis!? Ayoko na siyang makita pa! "Zekeilah! I know your pregnant! You can't hide it from me!" Dinig kong sigaw niya sa labas na mas lalo kong ikigimbal! Paano niyang nalaman na buntis ako?? Sinong nagsabi sa kanya?? "Zekeilah, please!" Muling tawag niya sa pangalan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at umusbong ang matinding kaba sa dibdib ko. Bumangon ako at kabado akong naglakad papunta sa pinto. Pagkabukas ko ay matalim ko siyang tinitigan. Hindi ko naman magawang ipaliwanag ang mukha niya pagkakita sa akin. "Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi ako buntis! Masama lang ang pakiramdam ko!" Pagtanggi ko sa sinabi niya. Kaagad niyang hinawakan ang tiyan ko na ikinapitlag ko. Kinapa niya iyon. "Then, let's go to the hospital. Or I will call my doctor to go here to check you," madiin niyang pagkakasabi. Napabuga ako sa hangin. Saka ako nagpalinga-linga sa paligid at walang ibang naroon. Kung bakit hinayaan ni daddy na puntahan ako ni Xanth dito sa kwarto ko ay hindi ko alam! "Zekeilah! Come on!" Pamimilit niya. Dinuro ko siya ng akma na naman niya akong hahawakan. "Pwede ba!Kanina lang ay hinihingi mo ang kamay ni Vixen sa daddy ko para pakasalan, tapos ngayon, magsisisigaw ka ng gano'n? Na kesyo buntis ako! Ginagago mo ba ako, Xanth?!" itinulak ko siya gamit ang dalawang kamay kaya napaatras siya ng kaunti. Nagagalit ako ngayon dahil pinagmumukha niya akong tanga! "Let me explain!" anya ngunit umiling ako. "I'll explain everything.. Just, please, listen to me." Napangisi ako. "Sa harapan ko mismo, hiningi mo ang kamay ng babaeng 'yon! Tapos sasabihin mong buntis ako at hindi ko maaaring itago 'yon sa 'yo? Bakit? Kung may nangyari man sa atin, hindi nagkabunga 'yon! Hindi ako buntis!!" "Zekeilah.. You're pregnant with my baby.. I felt it. Please, 'wag mo ng itago sa 'kin 'yan," pagmamakaawa ni Xanth na ikinabigla ko. Subalit nagmatigas pa rin ako! "I'm not pregnant! Umalis ka na, Xanth! Ayoko ng makita ka! Umalis ka n—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang dumilim ang paligid ko. Ngunit, bago pa man ako panawan ng ulirat ay napahawak muna ako sa tiyan ko dahil sa tindi ng sakit. Hanggang sa hindi ko na makita ang buong paligid at mawalan ako ng malay-tao. "HAYY! SALAMAT sa Ama at gising ka na, Zekeilah!" dinig kong sigaw ni Camille nang siya ang una kong masilayan pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko. "Kumusta na ang pakiramdam mo, ha?" Nailibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Purong puti iyon at mas malaki pa sa sarili kong kwarto! "Nasaan ako?" Nagtataka kong tanong at tumingin ako sa kanya. "Nandito ka ngayon sa hospital, Zekeilah. Alam mo bang kinakabahan na kami sa 'yo, syete ka! 'Kala namin di ka na gigising, eh! Kagabi ka pang tulog, eh! Hapon na, oh!" anya at itinuro ang orasan na nakasabit sa dingding. "Bakit? Anong nangyari sa 'kin? 'Tsaka, k-kumusta ang baby ko, Camille?" Nagaalala akong hinawakan ang tiyan ko. "Ayon nga, na-stressed ka at mabuti naman at okay ang baby mo. Muntik ka pang makunan, jusko!" Napapahawak sa sintidong aniya. Napapikit ako ng mata sa narinig. Muntik ko na naman palang ipahamak ang baby ko. Agad kong inalala ang nangyari kagabi. Matindi 'yong inis na naramdaman ko kay Xanth kaya siguro gano'n na lang ang naging epekto sa akin. Pero, agad na naman akong nilukuban ng matinding kaba! Sigurado akong alam na ni Xanth ang totoo! Wala na akong lusot. Subalit, matatanggap kaya niya kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ko? Kung sino ang nanay ko? Kung anong klase ng dugo ang nananalaytay sa akin pati na rin sa magiging baby ko? Marahil ay pandidirihan niya lang din ito katulad ng mommy niya! 'Tsaka, nasabi na ba ng daddy ko ang lahat sa kanya? Saka ako napatingin kay Camille na nagbabalat ngayon ng suha na paborito kong paglihian. "Bakit nga pala ikaw ang nandito, Camille? Nasaan 'yong mga nagdala sa akin dito? Nasaan si.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iluwa doon ang taong hinahanap ko! Kasunod nito ang doktor at ang daddy ko. Dumeretso silang tatlo sa kinahihigaan ko ng malalawak ang mga ngiti sa labi. I know they had a good news based on their smile! Nakatingin silang lahat sa akin. Napabuntong hininga naman ako ng malalim at napasulyap kay Camille na hindi pa rin tapos sa pagbabalat ng suha. "Glad that you're awake now, Miss Mauricio. How are you feeling right now?" nakangiting tanong ng doktor at chineck ang blood pressure ko at pagkatapos ay tinanggal na ang dextrose ko. "I'm feeling well now, thank you." Tipid ko itong ginantihan ng ngiti. "Are you hungry?" Sabad na tanong ni Xanth habang nakatunghay sa akin. Hindi ko siya sinagot bagkus kinuha ko ang prutas na nabalatan na ni Camille at agad ko iyong kinain at inubos. "Anak, mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo," ani tatay. Ngumiti siya sa akin bago bumaling sa doktor. "Dok, kailan ho siya makalalabas ng hospital?" "Well, she's fine now and the baby. Medyo maselan nga lang ang pagbubuntis niya kaya kailangan niya ng matinding pagiingat dahil baka duguin na naman siya. Hindi siya maaaring gumawa ng mabibigat na trabaho at higit sa lahat ay hindi siya maaaring ma-stress. Iyon ang naging dahilan kung bakit siya dinugo. Ingatan niyo siyang mabuti. Saka, maaari na rin siyang i-discharge ngayon," anya at pinaglipat-lipat ang paningin kay Xanth at kay dad na mabilis namang tumango. Saka ito bumaling sa akin. "Mrs. Segovia, you have to take care of yourself and your baby. Eat more healthy foods and take your vitamins everyday, okay?" Mrs. Segovia??? Nanindig ang mga balahibo ko sa itinawag sa akin ng doktor. Ni hindi ko na halos natandaan ang mga sinabi niya kanina! Pagkuway nabaling ang tingin ko sa nakangiti ng si Xanth. Nadaanan din ng mata ko ang gulat na gulat na si Camille. "Thank you, Doctor Velasquez," si Xanth. Malawak ang ngiti habang nakikipagkamay sa doktor na halos kasing edad niya lang din yata. "Thank you for taking care of her." Ngumiti rin ang doktor pabalik sa kanya. "It's my duty, Mr. Segovia. Take care of your gorgeous wife and your baby." Anong pinagsasasabi ng doktor na 'to? Anong wife? Hindi ako asawa ni Xanth! Ngunit hindi ko magawang isatinig iyon. Parang akong napipi sa mga nadidinig ko! Nakaawang na lang ang bibig ko habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila! "Yeah, I will." saglit pang sumulyap sa akin si Xanth kaya't unti-unti na naman akong nilulukob ng kaba! "Thank you." "I'll go ahead now," ani doktor at lumabas na. "Thank you, dok!" Pahabol na pasasalamat ni Camille at inihatid pa ang doktor hanggang sa makalabas ng silid ko. Kinikilig itong naglakad pabalik sa kinahihigaan ko. Napailing na lamang ako. Lumapit naman sa kinahihigaan ko si Xanth at naupo sa silyang nasa katabi ng kama. Nakangiti siyang tumingin sa akin. "Did you hear what doctor says? I'll take care of you and our baby.." "Anong pinagsasasabi no'n, ha? Bakit Mrs. Segovia ang itinawag niya sa akin? At anong wife? Bakit hindi mo itinatama ang mga sinasabi niya?" "Relax, please.. Don't mind it, okay? Hindi ka pwedeng ma-stress." Mahinahon niyang sabi kaya natahimik ako. Ibinaling ko na lamang ang paningin kay Camille na abala na sa pagi-empake ng mga gamit ko at kay tatay naman na abala rin sa paghahanda ng pagkain ko. Naiilang lang ako sa mga titig niya sa 'kin! Nang lumapit si tatay sa akin upang pakainin ako ay agad naman akong tinulungang makaupo ni Xanth. Hinayaan ko na lamang siya dahil sa matindi na rin ang gutom na nararamdaman ko. "Kumain ka na muna, anak," iniabot sa akin ni daddy ang mangkok ng mainit na sopas ngunit mabilis iyong kinuha ni Xanth. Nangiti na lamang ang daddy ko. "Kumain ka ng marami, Zekeilah." "Let me feed you," ani Xanth at sinimulan niya na akong subuan. Naiilang man ay pilit kong nilulunok ang bawat pagkaing isinusubo niya sa akin. Hanggang sa masimot ko iyon. "Salamat," tipid ko siyang sinulyapan ng iabot niya sa akin ang isang baso ng gatas. Kaagad ko iyong ininom at maya-maya'y napadighay pa ako. "Opps, sorry!" Napapahiyang tinakpan ko ang bibig ko. "Gutom na gutom ang baby mo, Zekeilah! Grabe.." Natatawang sambit ni Camille habang iniaabot sa akin ang ipampapalit kong damit. "Halika na at tutulungan kitang magbihis." Tumango ako. Kuntodo alalay na naman si Xanth kahit bababa lang naman ako sa kama. Napaka-OA pero gano'n talaga siguro. Habang nagbibihis ako ay panay ang tanong ni Camille. Ni hindi ko nga maintindihan ang mga pinagtatatanong niya dahil nasa ibang dimension yata ang isip ko. Saka ko lang siya naintindihan ng lumabas na ako sa C.R. "Grabe, Zekeilah! Parang umaayon sayo ang langit, alam mo ba 'yon? Biro mo, nasa tabi mo ngayon ang ama ng dinadala mo imbes na nasa tabi ito ng fiancee niya! 'Tsaka, hindi talaga ako makapaniwala na nandirito na si Tito Zandro! Syete! Hindi mo man lang ako tinawag kagabi ng nakapaghanda man lang tayo ng welcome home party! Ano daw ba ang nangyari sa kanya? Saan siya galing at bakit antagal niyang nawala? At ano na ang plano mo ngayong alam na ni Xanth ang ipinagbubuntis mo? Sasama ka ba sa kanya kapag niyaya ka niyang bumalik ng Manila? Oh my.. iiwanan mo na naman pala ako dito kung oo... Huhu!" Umarte pa siyang maiiyak at nagpadausdos paibaba habang nakasandal sa pinto. Napapailing na lang ako sa kaartehan niya. "Gusto ko ng umuwi, Camille." Wala ako ni isa mang sinagot sa mga katanungan niya dahil meron pa akong hangover sa mga nangyari. Baka maging dahilan na naman iyon para duguin ako. "Zekeilah naman, eh!" Nagpapapadyak pa siya habang nakasunod sa akin papalabas ng CR. "Saka ko na iku-kwento sayo ang lahat kapag nakapagpahinga na ako ng maayos," sabi ko at inangkla ko ang kamay ko sa kanya at sabay na kaming lumapit sa kama ko kung saan naghihintay si daddy. Wala roon si Xanth kaya nagpalinga-linga pa ako. At marahil nahulaan naman iyon ni dad. "Lumabas muna si Xanth, 'nak dahil may tinanggap na tawag mula raw sa opisina," nakangiting sabi ni dad at iminuwestra akong maupo sa kama. "Gusto ko na po'ng umuwi, dad. Gusto ko ng magpahinga ng maayos at matulog ng maaga dahil may gagawin pa ako at may pupuntahan din ako bukas," sabi ko at humalukipkip. Balak ko ng gumawa ng resignation letter pagkauwi ko at dadalhin ko iyon sa shop bukas na bukas din. "Gano'n ba, sige at hintayin muna natin si Xanth." Tumayo siya at inayos na ang mga bagahe ko. Nangunot ang noo ko. "Bakit po kailangan pa nating hintayin si Xanth, Daddy? Mauna na kaya tayo." Iritable kong sabi na ikinailing niya. "Anak, siya ang ama ng dinadala mo. Magaalala 'yon sayo kapag iniwan natin siya ng hindi niya alam." Mahinahon niyang tugon na ikinabuntong hininga ko. Napatingin naman ako kay Camille na ngayo'y nakatuon sa cellphone niya at animoy kinikilig. Ngiting-ngiti habang prenteng nakaupo sa sopa. Tsk! Tsk! Sana all masaya! Samantalang ako.. Nakapa-kumplikado ng buhay ko. Nandito na ngang muli ang daddy ko at nandirito rin ang ama ng magiging baby ko pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako mapalagay. Marami pa ring bumabagabag sa akin. Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pinto. Ngunit nabigla ako nang ibang tao ang iluwa noon. Nakita kong natigilan din si tatay at Camille habang nakatingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan namin. "Nakabukas ang pinto kaya't pumasok na ako," ani Sir Kleint habang papalapit sa akin at nakangiting iniaabot ang pumpon ng mga nagagandahang bulaklak! "For you, Zekeilah." Napapalunok ko naman iyong tinanggap. "Salamat po, Sir." "Hello, Sir! I am Kleint Ian Samonte, Zekeilah's boss." Nakipagkamay muna siya sa daddy ko at kumaway naman kay Camille bago muling bumaling sa akin. "I heard na dinala ka dito and I'm worried about you. I'm sorry kung ngayon lang din ako nakadalaw sayo," hinging paumanhin niya sa akin. "Salamat po sa pagaalala, Sir Kleint, pero maayos na po ako ngayon," tugon ko. Tipid ko siyang nginitian. Ngayon ko lang siya muling nakita pagkatapos ng mangyari sa resort. Ngumiti siya sa akin. "Good to hear that. So, paano, hihintayin ko na lang ang muli mong pagpasok sa shop natin?" Nagatubili akong sagutin siya. Papaano kong sasabihin na balak ko ng magresign bukas? Pero bago pa man ako makapagsalita ay muling bumukas ang pinto at iluwa no'n si Xanth na agad namang kumunot ang noo. "Mr. Samonte, what brings you here?" Napalingon naman si Sir Kleint sa kanya at agad na nakipagtitigan. Saka tipid na ngumisi. "I am her boss, Mr. Segovia. I'm just visiting my good employee. How about you? Why are you here? Oh, is Vixen's with you?" Tumingin pa ito sa likod ni Xanth at animoy may hinahanap. "No," tipid na sagot ni Xanth saka seryoso akong sinulyapan at agad na sumalubong ang mga kilay ng makita ang hawak kong bulaklak. "You're asking me why I'm here, right?" "Yeah." Tumatangong sambit ni Sir Kleint. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Xanth at yapusin ako mula sa likuran ko. "We're having a baby," anya at hinaplos-haplos ang tiyan ko na lalo kong ikinapitlag! Awang ang bibig at hindi makapagsalitang napako ang paningin ni Sir Kleint sa amin. Hindi rin tuloy ako makatingin dito. Nang sulyapan ko sina daddy at Camille ay tahimik naman ang mga itong ipinaglilipat-lipat ang paningin sa amin! Maya-maya'y ngumisi ng nakakaloko si Sir Kleint. "Well, congratulations!" Lumapit pa ito sa amin at kinamayan kami. Pagkatapos ay muli niyang tinitigan si Xanth na ngayo'y nakatayo na sa gilid ko. "So, you are going to dumped Vixen now, am I right? Because, Zekeilah is already pregnant and you have to marry her." "Yeah. And, it's none of your business after all. It's all mine. I'll handle everything by myself, thank you," sagot ni Xanth at nakapamulsang nakipagtitigan kay Sir Kleint. "And by the way.." Kinuha niya ang bulaklak na hawak ko at ibinalik iyon kay Sir Kleint. "Zekeilah is too sensitive by her pregnancy. She doesn't like strong essences." Nangunot ang noo ko. Hindi naman ako sensitive sa bulaklak, ah?? "Oh! Sorry.." Ngumising muli si Sir Kleint at tumingin sa akin. "I'm sorry, Zekeilah. I didn't know that." "Okay lang po, Sir." Napapahiya kong tugon. Ano ba kasing ginagawa ni Xanth? Sayang naman 'yong bulaklak! "Well, I'll go ahead na, Zekeilah, please be well. I and my shop will be waiting for your come back," anya at bumaling kay dad na nakatayo na rin. "Sir, nice to meet you and Camille..." Ngumiti ito kay Camille na ngayo'y hindi makatingin ng deretso. "Thanks for informing me about Zekeilah. I'll see you tomorrow." Saka naman ito bumaling kay Xanth. "I'll go ahead, Mr. Segovia." "Take care." Tugon naman ni Xanth. Ngumisi ito. "Of course! Bye, everyone!" Kumaway pa ito bago lumabas ng pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis na si Sir Kleint. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting tensyon sa pagitan nila ni Xanth. Napapikit ako ng mata at muling huminga ng malalim. "Are you still going to work after what happened to you, babe?" Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pagkairita sa mukha niya. Babe?? Feeling close uli? Gano'n?? "Ewan ko. Siguro oo. Ayoko ding maburo sa bahay. Ayoko ng walang ginagawa," tugon ko. Gusto kong alamin ang magiging reaksyon niya kaya iyon ang isinagot ko. Ngunit balak ko na naman talagang umalis na sa trabaho. "Bawal ka ng mapagod, Zekeilah. Please, mag-resign ka na sa trabaho mo," ani pa niya. "Kaya ko pa naman, eh." "Anak, 'wag ka ng bumalik doon. Alagaan mo na lang muna ang bata sa tiyan mo. Para maiwasan mo din ang stress at pagod," sabad naman ni dad. "Mas mai-stress po ako kapag wala akong ginagawa, dad," tugon ko at saka tumingin kay Camille. "Nandiyan naman po si Camille, eh. Lagi niya akong sinasamahan." Dinig kong humugot ng malalim na buntong hininga si Xanth. Tumiim din ang mga bagang niya nang tumingin ako sa kanya. "Zekeilah, please. This is for the sake of our baby.." "Alam ko ang ginagawa ko, Xanth. 'Tsaka, mabait sa akin si Sir Kleint. Hindi niya ako hahayaang mapahamak sa trabaho." Nakita kong pumait ang mukha ni Xanth. Hindi ko alam kung selos ang bumalatay sa mukha niya. "Zekeilah, please!" Pagmakakaawa niya. "Whatever, Xanth Eadric!" Kunwari'y inis kong singhal sa kanya at saka ako bumaba ng kama. At mabilis pa sa alas kwatro naman niya akong naalalayan na animoy hindi ako makapaglakad. "Tsk. Kaya ko namang maglakad magisa, eh. Hindi ko kailangan ng alalay." Ngunit walang imik niya akong inalalayan papaupo ng wheelchair hanggang papalabas ng hospital. Sa loob-loob ko ay nangingiti akong tinitingnan ang bawat reaksyon niya! Nakalabas na kami ng hospital at maingat pa rin niya akong inaalalayan hanggang sa papasok ng kotse niya. Hindi niya talaga ako nilulubayan! Maging sa sasakyan ay magkatabi pa rin kami! Si tatay na ang nagpresintang magdrive ng kotse niya. Nasa passenger seat naman si Camille na tatahi-tahimik sa ngayon. Kaya naman, lihim akong nangingiti habang nagtulog-tulugan! Pero, nagulat ako nang marahan niyang kunin ang ulo ko at inihiga niya iyon sa dibdib niya. Tuloy ay yakap-yakap niya ako ngayon. God! Binalewala ko na lang hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD