A FEW WEEKS LATER.. Kararating ko lang galing sa check up sa kakilalang OBgyne ni Camille at napagalaman ko na medyo maselan ang dinadala ko. Kaya't napagdesisyonan kong bukas na bukas din ay magpa-file na ako ng resignation letter kay Mam Chandie, ang pumalit kay Mam Vixen.
At syempre, dahil na rin sa suhestiyon ni Camille na magpahinga na ako sa trabaho. Ayaw ko na ring makipagdiskusyon sa babaeng 'yon dahil unang-una, siya ang karamay ko ngayon.
Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Pagod ako sa maghapon dahil sa bago pa kami pumunta sa OB ay pumasok pa kami sa shop.
Sumagap ako ng sariwang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana. Sobrang presko ng hangin. Napapikit pa ako dahil nakakaramdam na ako ng antok. Subalit, hindi pa ako maaaring matulog dahil hindi pa ako kumakain. Mapapagalitan na talaga ako ni Nanay Suling kapag nalipasan na naman ako ng pagkain.
Sobrang dilim sa labas. Naisip ko, kailangan ko ng sarhan ang bintana lalo pa't kaming dalawa lang ni Nanay Suling ang nakatira dito. Baka magulat na lang ako kung bigla na lang may makapasok na akyat-bahay dahil sa nakabukas ang bintana ko.
Muli akong bumangon. Tinungo ko ang bintana at nang akma ko ng isasara iyon ay agad akong nasilaw sa liwanag na tumama sa mismong mukha ko. Napapikit ako at napayuko. Maya-maya'y muli kong inangat ang paningin at doon ko natanaw ang pamilyar na sasakyan na nakahinto sa mismong harapan ng gate namin.
Nangunot ang noo ko at agad akong kinabahan. Dinig ko ang malakas na pintig ng puso ko.
Ipinilig ko ang ulo dahil ayokong isipin na si Xanth ang nasa loob ng sasakyan. At imposible na ring mangyari 'yon!
Para kumpirmahin ay dali-dali kong isinarado ang bintana at nagmadali akong nagpalit ng damit pambahay! Pagkatapos ay saka ako lumabas ng kwarto para alamin kung kanino ang sasakyang nakaparada sa labas.
Sa sala, naabutan ko si Nanay Suling na mukhang naalimpungatan pa at nagkakandaugagang hanapin ang salamin sa mesita. Marahil ay nagising siya sa tunog ng makina ng sasakyan.
Lumapit ako sa kanya. Ako na mismo ang nag abot ng eye glasses sa kanya.
"Salamat, 'nak," anya ng maisuot na ang salamin sa mata.
"Kanino ho'ng sasakyan 'yon, 'nay? Bakit nakaparada diyan sa tapat natin?" Tanong ko at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.
"Hindi ko alam, 'nak." Sumilip siya sa bintana na katabi lang ng main door. Nagulat pa ako nang bigla niyang sarhan ang bintana at nakaawang ang bibig na tumingin sa akin. "Zekeilah.."
"Bakit po?? Sino ho'ng nakita niyo? Bakit ho ganyan ang mukha niyo?Para kayong nakakita ng multo, eh."
Ngunit nakatingin lamang siya sa 'kin. Mas lalo akong kinabahan!
Maya-maya pa'y narinig namin ang mahinang katok sa gate. Wala sa aming gumalaw para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Nang muling kumatok at may kalakasan na ay saka pa lang natauhan si Nanay Suling.
"Ako na ang magbubukas. Dito ka lang muna, 'nak. Huwag kang lalabas muna, ha?" anya at tumango ako.
Hinayaan kong si Nanay Suling ang magbukas ng pintuan at ilang sandali pa ay dinig ko na ang pakikipagusap niya sa taong dumating ngunit hindi ko nga lang masyadong maintindihan ang kanilang pinaguusapan dahil mas nangingibabaw ang tunog ng videoke ng kapitbahay!
Napabuntong-hininga ako at kinalma ko ang sarili. Minabuti ko munang pumunta sa kusina para uminom ng tubig upang pakalmahin ang dibdib kong nagwawala sa kaba.
Ilang sandali pa nang maulinigan kong papasok na sila sa bahay.
"Zekeilah? 'Nak, nasaan ka? May bisita ka!" Naroon ang galak sa boses ni Nanay Suling.
Nangunot ang noo ko. Sinong bisita??
Kaya naman agad akong lumabas ng kusina.
Unang dumapo ang paningin ko kay Nanay Suling na namumula ang mata at malawak ang ngiti sa labi. Saka ko tiningnan ang kaharap niya na naging pamilyar sa akin! Hindi ko pa man nakikita ang lalaking nakatalikod ay nagsimula na namang dumagundong sa kaba ang dibdib ko! Hanggang sa na-estatwa na lamang ako sa kinatatayuan nang pumihit ang lalaki papaharap sa 'kin.
"Thaileen Zekeilah." Ngumiti ito sa 'kin. "Kamusta ka na, anak ko?"
Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko nang marinig kong muli ang baritonong boses ng daddy ko! Halos sampong taon na no'ng huli ko siyang nakasama. Kaagad kong natutop ang bibig upang pigilan ang sarili kong mapahagulhol.
At dahil sa para akong ipinako sa kinatatayuan ay siya na mismo ang kusang lumapit sa akin at agad akong kinabig upang yakapin.
"Anak.."
"Daddy ko..." Humagulhol na ako. "Daddy..."
Rinig ko ang mahina niyang pagsinghot. Batid kong umiiyak din siya.
Ilang sandali pa ay kumalas ako sa pagkakayakap namin upang pakatitigan ko siya. Hinawakan ko pa siya sa magkabila niyang pisngi upang kumpirmahing buhay siya.
"Dad, h-hindi po ako makapaniwala... Bakit po kayo biglang umalis? Saan ka pumunta, Dad? Bakit ngayon ka lang po nagpakita sa 'kin? Sampong taon kayong nawala!" Sunod-sunod kong tanong habang nagpupunas ng tumutulong sipon sa ilong.
Mapait siyang ngumiti sa akin. "Mahabang istorya, anak. Masakit alalahanin." anya saka napayuko.
Nadurog ang puso sa tanawing iyon. Hindi pa man niya naiku-kwento ay ramdam ko na ang bigat no'n.
Muli ko sanang yayakapin ang daddy ko nang masulyapan ko ang lalaking nakatayo sa labas ng pinto habang nakaharap sa amin. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim ang kinatatayuan nitong pwesto.
"Pumasok ka na, hijo." ani Nanay Suling.
Laking gulat ko nang masinagan ng liwanag ang mukha ng lalaki pagkaapak nito sa entrada ng pinto.
"X-Xanth??"
Natigagal ako sa kinatatayuan ko habang awang ang bibig at natulalang nakatingin sa naglalakad papasok na si Xanth Eadric!
Bakit siya nandirito?? Nangako siyang hindi na magpapakitang muli sa akin pero bakit ngayon ay naririto siya.. At ngayo'y nasa harapan ko na!
"Zekeilah... For you." si Xanth habang tipid ang ngiting inaabot ang bungkos ng bulaklak. Ngunit hindi ko iyon nagawang abutin dahil sa halos hindi ko maigalaw ang mga parte ng katawan ko! "Please, accept this." malumanay niyang pakiusap.
Wala na akong nagawa nang ipatong niya iyon sa dalawang kamay ko kaya doon pa lang ako biglang natauhan.
"A-Anong ginagawa mo dito, Xanth? Hindi ba't nangako ka na sa 'kin na hindi ka na magpapakita pa? Why you're always breaking your promise? 'Tsaka..." Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila ni daddy. "Bakit magkasama kayo?"
Doon naman ako marahang hinawakan ni daddy sa balikat at saka niya pinisil iyon. Ngumiti siya sa akin saka gano'n din kay Xanth nang ibaling niya dito ang tingin.
"Mas mabuti pa sigurong doon na kayo magusap-usap sa salas nang makapagusap-usap kayo ng maayos." Nakangiting suhestiyon ni Nanay Suling.
Kaagad namang sumangayon si Dad. "Mas maigi pa nga. Halina kayo doon sa salas." Malawak ang ngiting anyaya niya sa amin ni Xanth.
Nakangiti naman akong tinanguan ni Nanay Suling nang tumingin ako dito.
"Maiwan ko na kayo at paglulutuan ko kayo ng makakain." anya at tinalikuran na kami saka tumungo na sa kusina.
Naghahabulan ang hininga kong sumunod kay Daddy na nagpatiuna ng pumunta sa sala.
Kung bakit ba naman kasi ay nandirito ang lalaking iniiyakan ko lang kanina!
Subalit, ikinapitlag ko nang maramdaman kong nakasunod si Xanth sa likuran ko. Nang lumingon ako ay laking gulat ko nang bigla niya akong kindatan. Kaagad kong binawi ang paningin at saka sabay akong napalunok!
Malaki ang bahay ng lolo ko kaya't may kalayuan din ang pribadong salas na para lamang sa mga bigating bisita. Doon tumungo si Dad.
Tahimik akong naglakad. Pero nagulat ako nang sumabay sa akin sa paglalakad si Xanth at ipinalupot ang kamay sa beywang ko. Para akong kinuryente sa simpleng hawak niyang iyon.
"Alisin mo nga 'yang kamay mo!"
Naiilang at kinakabahan kong palag sabay distansya sa kanya. Natahimik naman siya sa inasta ko. Ngali-ngali kong ihampas sa kanya ang bulaklak na ibinigay niya.
"I'm sorry.." Dinig ko ang mahinang tikhim niya.
Napabuntong-hininga ako. Natatakot akong maramdaman niya ang baby sa tiyan ko! Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang totoo.
Naabutan naming prenteng nakaupo sa pangisahang upuan si Dad. Habang nakangiting naghihintay na makalapit kami.
Malayo pa lang ay nginitian ko na rin siya!
Hindi ko talaga mapaniwalaan na nandirito na ngang muli ang daddy ko! Nakikita kong buhay at masayang nakamasid sa akin. Naging seryoso lang ang mukha niya nang makaupo na kaming dalawa ni Xanth.
Laking gulat ko naman nang tumabi si Xanth sa sofa na inuupuan ko!
Hindi ko napansin na 'yong mahabang sofa pala ang inukupa kong upuan! Hindi ko na magawang lumipat dahil nakakahiya naman sa daddy ko at baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Kaya nanahimik na lang akong nakatingin ng deretso kay Dad.
"Okay. Saan ba tayo maguumpisa? At teka, ano nga ba ulit 'yong tanong mo kanina, anak?" seryosong tanong ni dad, nakatingin sa akin at napapasulyap sa katabi kong lalaki.
"Madami po akong gustong malaman, Dad. Madami po akong gustong itanong. Pero, una, bakit po kayo magkasama ni Xanth Eadric?"
Napalingon ako kay Xanth na prente ring nakaupo sa tabi ko na nakapandekwatro pa. Tahimik na nakatingin sa kawalan.
Saka ko ibinalik ang tingin kay dad na seryoso pa rin ang mukha.
"Anak, hindi ko alam na magkakilala kayo. Pero, si Mr. Segovia ang nagligtas sa akin. Siya ang nagbayad ng malaking halaga para pakawalan ako ng mga taong bumihag sa akin. Limampong milyon kapalit ng buhay ko."
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko rin magawang alisin sa nagtatagis niyang ngipin ang paningin. Saka ako bumaling kay Xanth na tutok din ang paningin sa akin!
"Papaano mong nalaman ang tungkol kay Daddy? I mean, sa tagal nating magkakilala, alam mong nabibihag ang daddy ko? At ni hindi mo man lang nabanggit sa akin? Bakit, Xanth?"
He sighed. "Let him finish to tell you everything."
Hindi ako makapaniwala! Mariin kong naipikit ang mga mata. Nagsimulang manubig ang mga mata ko. Nagitla ako sa unang kwento pa lang. Ngunit patuloy akong nakinig kahit para ng pinipiga ang dibdib ko.
"Naging bihag ako ng mga terorista, anak. Sa loob ng sampong taon ay inalipin nila ako at ginawang hayop ng mga iyon! Pinahirapan nila ako, ginutom, sinaktan, at kung ano-ano pa ang ginawa nila sa akin. Kapalit ng kalayaan ko ay ang pera na ipantutubos sa akin. Sa laki ng halaga niyon ay hindi ko alam kung sino ang hihingian ng tulong. Hanggang sa pumasok sa isipan ko ang mga Segovia, sa kanila ako lumapit."
Kaya ba gano'n na lang ang tingin sa amin ni Mrs. Devorah Segovia? Na isa kaming gold digger? Sigurado naman akong alam niya ang tungkol dito..
"Dad.."
Napayuko si dad. "Ninais ko ng mamatay noon pero sa tuwing naiisip ko ang pamilya ko, lumalakas ang loob ko. Lumalaban ako, anak. Nilakasan ko ang loob kong lumapit sa mga Segovia hanggang sa dumating ang panahon na palayain na ako ng mga bumihag sa akin.. Para akong nakawala sa lungga ng mga diablo."
Nagtagis ang mga bagang niya at saka kumuyom ang mga kamao.
"Ngunit akala ko ay magiging maayos na ang buhay ko ng makalaya ako, pero nagkamali ako.. Dahil noong palayain nila ako ay pinainom pa nila ako ng bawal na gamot na nagpabaliw sa utak ko kaya't nawala ako sa sarili. Sa tulong uli ni Mr. Xanth Segovia ay kaagad akong naipagamot hanggang sa gumaling ako." Patuloy niya.
Gano'n na lang ang sikdo ng damdamin ko. Kung gano'n ay napakalaki ng utang na loob ng daddy ko kay Xanth.
Bumaling ako sa katabi ko at nagulat ako dahil nakatingin na rin siya sa akin. Tipid ko siyang nginitian.
"Salamat sa tulong mo," sabi ko at saka ako tumayo upang lumapit kay Dad.
Niyakap ko ito ng sobrang higpit. Nangilid na naman ang luha ko.
"Hindi ko naisip na gano'n ang naging kapalaran niyo sa kamay ng mga taong iyon, Dad.. Kung gaano kang naghirap." Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko habang nanatiling nakayakap kay daddy. Hinagod-hagod naman niya ang likod ko. "Salamat po sa Diyos at iniligtas ka niya.."
"Oo, anak. At salamat dahil iniligtas ako ni Mr. Segovia."
Kumalas ako sa kanya at pinakatitigan ko siya.
"Kinasangkapan po siya ng Diyos, dad para mailigtas ka. Magiging maayos na ang buhay mo.."
Tumango siya saka tumingin kay Xanth Eadric. Nabaling din tuloy ang paningin ko sa kanya. Nakatingin din siya sa amin ng seryoso pa rin ang mukha.
"Mr. Segovia, kung mayroon ka man na gustong hilingin sa akin ngayon kapalit ng pagkakaligtas mo sa buhay ko, ano iyon? Sabihin mo sa akin at buong puso kong tutaparin iyon."
Gulat akong napatingin sa daddy ko! Saka ako tumingin kay Xanth na ngayon ay nakangiti na ang mukhang nakatingin... sa akin!
"You know, I only have one wish in my life that has never been granted yet. Nasa akin na ang lahat at ito na lang ang kulang. And maybe this time, you will grant it." sabi niya at imbes na kay daddy ang kanyang paningin ay nasa akin siya nakatingin!
"A-Ano iyon?" Kabado namang tanong ni Dad. "Sabihin mo sa akin."
Tumayo si Xanth at saka lumapit sa amin. "Mr. Mauricio.. can I have your daughter's hand? Because I want to walk down the aisle and marry her.." anya at kumindat sa akin!
Nagulantang ako sa sinabi niya! Anong pinagsasasabi niya?? Hindi ba't ikakasal na siya sa iba?!
"You're kidding right?" pagak akong natawa sa kahilingang iyon ni Xanth Eadric! "You're asking marriage to me?! Hindi ba't ikakasal ka na sa iba??"
I know he was just kidding! Or baka inaasar lang talaga ako? Bakit naman iyon ang hihilingin niya sa daddy ko gayong ikakasal na nga siya kay Mam Vixen? Bigla akong nilukuban ng inis!
"Ginagago mo ba ako, Xanth Eadric?!" patuloy ko.
Subalit nakita kong naging seryoso ang reaksyon ng mukha niya habang naghihintay sa kasagutan ni dad na ngayo'y nakaawang naman ang bibig at napapalunok pa. Seryoso talaga siya at ni walang bahid ng kalokohan ang itsura niya! Bumaling siya kay daddy at ni hindi niya pinansin ang mga sinabi ko.
"Mr. Mauricio, look. I know that is too much to ask from you but I hope you will grant my only wish. Please, I'll marry your daughter." Ulit niya at nagsusumamong naghintay sa kasagutan ng daddy ko.
Tsk. Hindi ako makapaniwala!
"Kanino?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naging tanong na iyon ni dad!
"K-Kanino? M-May iba pa po ba kayong anak maliban sa akin?" Naguguluhan kong tanong! Hindi ko magawang alisin ang tingin kay dad na ngayon ay nagaalalang nakatingin sa akin.
Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lamang sumulpot si Mam Vixen na napaka-elegante sa suot nitong black fitted dress at ngiting-ngiting lumapit kay Xanth na agad na yumakap pagkalapit!
"Am I late?" Tanong nito na nakapulupot pa ang kamay sa braso ni Xanth.
"You're just in time." Sagot naman ni Xanth.
'Yong kaninang inis ko ay bigla na lang napalitan ng pagkapahiya! Para na akong lumalangoy ngayon sa nagyeyelong dagat!
Saglit akong napapikit dahil naramdaman kong umiba ang timpla ng tiyan ko. Naibaling ko ang tingin sa ibang dereksyon pagmulat ko.
Nang muli ko silang tingnan ay napakalawak na ng ngiti ng mga ito habang magkatabi na sa upuan.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at hindi ko na sila muling tinignan pa! Ayaw kong tumulong muli ang luha ko sa mismong harapan nila!
"Bakit nandito ka, Vixen? Akala ko ba'y hindi ka makakasama?" takang tanong ni Dad.
Mas lalo akong naguluhan! Paanong kilala niya si Mam Vixen?
"I've changed my mind, Dad!" sagot nito na ikagulat kong lalo! "Oh! Hi, Zekeilah!" nakangiti niya akong kinawayan.
Dad?? Anak ni Dad si Mam Vixen?? At siya ba ang tinutukoy ni Xanth na pakakasalan niya at hindi naman ako?? Oo nga pala! Hindi ba't si Mam Vixen nga naman talaga ang fiancee niya?? Bakit kailangan ko pang pagdudahan iyon?!
Inakala kong AKO ang hinihiling ni Xanth na pakakasalan niya... Syete! Nakakamatay pala talaga ang maling akala! Napahiya ako do'n ng sobra-sobra!
Lumipad ang paningin ko kay daddy na ngayo'y hindi mapakali.
"A-Anong ibig sabihin nito, dad? Please, paki-explain sa 'kin ng maliwanagan ako. Naguguluhan ako, eh." Halos bumikig ang lalamunan ko at parang may naghahabulang kabayo sa dibdib ko! "A-Anak niyo rin po si Mam Vixen?"
Tumango siya. "Mula no'ng iwan ka sa akin ng nanay mo at iwan niya ako ay saka ko nakilala ang nanay niya. Anak ko si Vixen sa ibang babae, Zekeilah."
Napayuko ako at agad na kumuyom ang mga palad ko. "Kaya niyo ba ako ibinigay kina lolo at lola? At minsan ko lang kayong makasama?"
"Anak.. Masyadong magulo ang buhay sundalo. Kailangan kitang protektahan, kayo ni Vixen. Sa katunayan ay ngayon ko lamang din nakilala at nakasama ang anak kong 'yan. Dinala siya ng nanay niya sa ibang bansa at inilayo sa akin," anya at tumingin kay Vixen na ngayo'y nagpupunas na ng luha.
Para akong tinamaan ng sinabi ni daddy. Naihahalintulad ko ang ginagawa ko ngayon, ang ilayo rin ang magiging baby ko sa tatay niya.
Parang sumikip ang dibdib ko.
"Kung iyon ang kapalit ng pagliligtas mo sa akin ay ibibigay ko ang kamay ng anak ko sayo. Ibibigay ko din ngayon mismo ang basbas ko, Mr. Segovia," sagot ni tatay sa naging katanungan ni Xanth kanina.
"Thank you," dinig kong pasasalamat ni Xanth. Naroon ang galak sa boses niya. Masaya siya dahil ikakasal na sila ni Vixen.
Napasinghap ako nang biglang sumikip ang dibdib ko. Para akong tinutusok ng karayom sa sakit. Napayuko ako para maiwasan kong tumingin sa kanila.
"Can I talk to you, Zekeilah?" Napapitlag ako sa biglaang paglapit ni Xanth sa akin.
Saka ko inangat ang paningin sa kanya at walang emosyon ko siyang tinitigan sa mata.
"Wala tayong dapat pagusapan," maagap kong sagot sa kanya.
Pinakatitigan naman niya ako saka marahang tumango. "Okay. I'll understand," saka bumaling kay daddy. "Maybe we'll go ahead for now, Tito. I'll be back here tomorrow or the day after tomorrow to talk about our wedding plan." dinig kong saad ni Xanth at marahil na kay Vixen na
"Sige. Hihintayin ko kayo." tugon ni tatay.
"Zekeilah—"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil agad ko na silang tinalikuran. Kung bakit nagkataon pang sumama ang pakiramdam ko at nakakaramdam na ako ng pagkahilo! Parang hinahalukay ang tiyan ko nang may maamoy akong hindi gusto ng tiyan ko! Saka ko napansin
'Oh my god! Not now baby!'
Agad akong tumalilis papasok ng kusina at kung bakit doon ko pa naisipang pumasok gayong naroon pa naiwan ang amoy ng niluto ni Nanay Suling.
Ayokong makaamoy ng cheese!
Mas lalo akong nahilo at mas tumindi pa ang paghalukay ng tiyan ko! Kaya naman ay dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo at doon idinuwal ang lahat ng laman ng tiyan ko! At kahit pa wala na akong maiduwal ay patuloy pa rin ako sa pagsusuka. Ilang minuto rin akong pumirme doon bago ako nahimasmasan.
Hindi ko namalayan na nakabukas pala ang pinto ng banyo sa taranta kong huwag magkalat sa labas! Agad na nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong nakahilera ang apat sa labas ng banyo at nagaalala ang mga mukhang nakatingin sa akin!
Agad kong kinalma ang sarili ko at tipid na sumulyap sa kanila ngunit hindi pa rin nagbabago ang mga reaksyon nila lalo na si Xanth na palipat-lipat ng tingin sa mukha ko at sa tiyan na hawak ko!