CHAPTER EIGHT

3163 Words
MATAPOS kong sabihin kay Camille ang totoong kalagayan ko ay pikit-mata akong bumuntong-hininga saka ako bumalik sa kama at doon tahimik na umiyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa 'kin. Muli siyang naupo sa tabi ko at tahimik na pinakikinggan ang bawat paghikbi ko. "Si Xanth ba ang ama?" Maya-maya'y tanong niya, bakas ang pagaalala sa tono ng boses niya. Tumango ako nang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa unan. "Oo, si Xanth." Dinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Kailan pa? I mean, ilang buwan na ba 'yang tiyan mo? Nagpatingin ka na ba sa doktor? 'Tsaka, alam ba 'yan ng ex-boyfriend mo? Well, I guess, hindi. Kasi kung may alam siya, imposibleng hindi ka niya panagutan, Zekeilah." sunod-sunod niyang tanong. Inangat ko ang paningin sa kanya saka bumuntong-hininga. "Hindi niya alam. Wala siyang alam sa sitwasyon ko, Camille. Wala na kami no'ng malaman kong nagdadalantao ako, eh. Hindi ko rin naamin sa kanya no'ng muli kaming magkita sa resort dahil nga sa nalaman kong may iba na siya at ikakasal na rin sa iba." Sabi ko at muling tumulo ang luha ko. "Gusto ko nga sanang sarilinin na lang 'to pero ilang buwan pa ay malalaman at makikita na ninyo ang sitwasyon ko. Hindi ko na maitatago ang pagdadalantao ko kapag lumaki na ang tiyan ko." Minsan pa akong napabuntong hininga. Nakita ko siyang natahimik at bakas ang lungkot sa napakaamo niyang mukha. Shocked, and at the same time ay pagaalala ang makikita mo roon. Nakatingin na lamang siya sa akin at ni walang salitang lumalabas sa bibig niya. "Nang hindi ako dinatnan no'ng unang buwan, agad akong nagtake ng Pregnancy Test and then I found out na buntis ako. Ngayon ay magtatatlong buwan na akong buntis." sabi ko nang hindi pa rin siya makaimik. Doon lang siya biglang natauhan at nahimasmasan. "P-Paano 'yan? Paano ka?" kandautal pa niyang tanong. "Kakayanin ko.. para sa baby ko." Malungkot kong tugon. "Kagustuhan ko din naman na maghiwalay kami ni Xanth kaya ayaw ko naman na maghabol ulit sa kanya dahil lang sa ipinagbubuntis ko ang anak niya." "Hindi mo kagustuhan! Kagustuhan iyon ng nanay niya kaya kayo naghiwalay!" Nanggigigil niyang anas. "Bakit hindi mo subukang sabihin kay Xanth ang tungkol diyan sa pinagbubuntis mo? Habang hindi pa siya ikinakasal, Zekeilah. 'Tsaka, karapatan niya ring malaman 'yan! Anak niya 'yang dinadala mo!" histerikal niyang suhestyon. Muli pa akong napailing. "Gustuhin ko man pero.. baka pandirihan niya lang din 'to katulad ng mommy niya kapag nalaman niya ang tungkol sa dugong nananalaytay sa akin. Ayokong madamay ang magiging baby ko." bumikig ang lalamunan ko at handa na namang tumulo ang luha ko. Nangunot ang noo niya saka napailing-iling. Sabay kamot sa noo niya. "Pero, paano naman pala kung kabaligtaran 'yang iniisip mo sa gagawin ni Xanth? Paano pala kung mas tanggapin ka pa niya at ang magiging anak niya? Hindi mo pa nga nasusubukang aminin sa kanya, eh." "Camille, kahit naman matanggap niya kami, nandiyan pa rin 'yong katotohanan na ikakasal na siya sa iba. Ayaw ko ng hadlangan 'yon. Saka, sa ginawa niya ay mas napatunayan ko rin na hindi ako naging kawalan sa kanya dahil dalawang buwan pa lang no'ng maghiwalay kami tapos ngayon malalaman kong may bago na kaagad siya at mas malala pa ay ikakasal na sila! Kaya, mas mabuti na rin siguro na hindi ko na lang muna ipapaalam sa kanya. Lalo lang kasing gugulo ang buhay ko pati na rin ang buhay ng magiging anak namin." Napahilamos ako ng mukha at muling napasubsob sa unan. "Zekeilah.." Malungkot niyang hinawakan ang kamay ko. Inangat ko ang mukha ko at pinunasan ang mga luha na naguunahang dumaloy sa pisngi ko. "Pipilitin kong maging okay. Mawawala rin 'tong sakit sa puso ko. Matatanggap ko rin balang araw na wala ng Xanth sa buhay ko, namin ng magiging anak ko." Malungkot akong ngumiti saka ko hinaplos ang tiyan ko. "So, ano ang plano mo? Itutulad mo siya sayo na walang kinikilalang nanay?" Malumanay niyang pagkakatanong ngunit napakalakas ng impact sa akin ng tanong niyang iyon. Napatingin ako sa kanya at matagal ko siyang tinitigan. "Ayaw ko siyang itulad sa akin, Camille. Pero, kung katulad ng sa akin ang magiging kapalaran niya, wala na akong magagawa pa. Ipakilala ko naman siya sa daddy niya balang araw, eh, pero.. hindi ngayon." Alam kong pagiging makasarili ang naging desisyon ko para sa magiging anak ko ngunit ito lang ang alam ko na makakabuti para sa kanya. Magiging magulo lang din buhay niya kaya sisikapin ko na siyang ilayo upang maging mapayapa ang buhay niya kapag nasa labas na siya. Napabuntong hininga siya ng malalim. "Kung 'yan ang desisyon mo, wala na rin akong magagawa. Basta, nandito lang ako sa likod mo." nagaalala niyang sambit at hinaplos-haplos ang braso ko. "Anyway, papasok ka pa ba sa trabaho? Syempre, bawal ka na niyang mapagod at ma-stress. Baka makunan ka." "Balak ko rin naman na mag-resign, siguro mga dalawang buwan pa. Sa ngayon, habang hindi pa gaanong umuumbok ang tiyan ko ay magtatrabaho pa rin ako para may maipandagdag pa ako sa ipon ko. Pero, may sapat na ipon naman na ako sa bank account ko kaya hindi ako masyadong magaalala sa pinansyal na pangangailangan ng baby ko. Gusto ko pa ring maging abala sa trabaho kaya papasok pa ako sa shop." Tugon ko saka ko muling hinawakan ang tiyan ko. "Kailangan kong ingatan ang baby sa tiyan ko kaya tatantyahin ko rin kung kakayanin ko pang gumalaw-galaw." "Owkey, sige. And oh! Speaking of 'ingat'—syete ka! Alam mo na palang buntis ka no'ng mag-night swimming tayo, eh, ba't ka pa uminom ng alak! Naku! Hindi mo ba alam na makakaapekto 'yon sa baby mo! Mabuti at hindi ka dinugo.. Tsk! Tsk!" Napapaling niyang sermon sa 'kin. Nakagat ko ang sarili kong labi at saka ako napatingin sa tiyan ko. "Yun nga, eh. Nawala sa isip ko. Wala kasi ako sa sarili no'n, eh. Dala rin siguro ng naramdaman kong lungkot no'ng malaman kong may iba na si Xanth. Hindi ko na uulitin 'yon." Hindi ko na binanggit sa kanya ang iba pang dahilan. Lalo na tungkol sa namagitan sa amin ni Xanth ay ayaw ko na ring ibahagi pa dahil matinding sermon ang ipupukol niya sa 'kin. "Talaga! Huwag na 'wag mo ng uulitin 'yon, Zekeilah! Dapat alam mo na ang mga bawal sayo. Itatak mo diyan sa kukute mong may baby na sa tiyan mo!" Dinutdot pa niya ang sentido ko ngunit agad din niyang inalis ng samaan ko siya ng tingin. Saka siya ngumiti sa akin. Minsan ko pang hinaplos ang tiyan ko na nananatili pa ring flat. Kaya hindi pa rin mahahalatang nagdadalantao ako. Nagpapasalamat ako dahil malakas ang kapit ng baby sa tiyan ko. Napangiti ako. "Sa off natin, sasamahan kitang magpa-check up sa OBgyne. Psh! Ingatan mo na 'yan, Zekeilah, ha? Maselan ang mga baby lalo pa't nasa first trimester ka pa lang." anya at kinunutan ako. "Oo na." napabuga ako. "Talo mo pang lola ko kung magsalita, eh. Gayong mas matanda pa ako sayo ng isang taon." Nangisi ako. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng tuwa kapag nagiging concern siya sa akin. Hindi ko akalain na mananatili ko siyang kaibigan kahit na ilang taon na kaming hindi nagkasama. Inirapan niya ako. "Pinapaalalahan lang kita, Zekeilah! Psh!" Mataray niyang sabi pero maya-maya'y nangiti na rin at saka lumambot ang itsura. "Wala na akong ibang masasabi sa 'yo ngayon kundi lakasan mo ang loob mo.. para sa baby mo, Zekeilah. 'Tsaka, promise ko dito ako lagi para samahan ka, damayan ka. Di na kita kukulitin kasi baka maging kamukha ko pa 'yang magiging baby mo. Hehe." Napangiti ako sa mga sinabi niya. "Thank you, Camille. Saka, okay lang naman sa 'kin na maging kamukha mo 'to... Para kung sakaling makita ni Xanth ang anak niya, hindi niya agad malalaman na anak niya iyon dahil kamukha mo. Iisipin niya na anak mo 'yon, hindi akin." Muling lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko. "Ayaw mo ba talagang sabihin kay Xanth ang tungkol sa magiging anak niyo?" muli niyang tanong. Tuloy ay muli na naman akong nilukuban ng lungkot sa dibdib. "Sinabi ko na naman sayo kanina na ipakikilala ko ang magiging anak ko sa kanya, diba? Kapag naging maayos na ang sitwasyon ko at lubusan na akong nakalaya sa kanya saka ko ipagtatapat sa kanya ang lahat. Sa ngayon, hindi pa ako handa.." Kumibit siya ng balikat. "Well.. wala na akong magagawa. Desisyon mo 'yan, eh. Basta ako, nandito lang ako sa tabi mo." Ngumiti ako saka ko kinabig si Camille at niyakap ko siya ng mahigpit. Yumakap din siya pabalik sa akin at hinaplos-haplos ang likod ko. Simula noong mamatay ang lolo at lola ko, maging ang pagkawala ng daddy ko ay pakiramdam ko'y magisa na lang ako. Nagkaroon lang ulit ako ng karamay noong maging kasintahan ko si Xanth, pero isa din pala siya sa mawawala sa akin. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay ramdam ko na may karamay ako sa pagkakataong ito. Magisa ko mang itataguyod ang pagbubuntis ko ay alam kong nandiyan siya para tulungan ako, gano'n din si Nanay Suling. Alam kong nariyan sila para sa akin. "Salamat, Camille. Kahit papaano ay nandyan ka para makinig sa mga kadramahan ko," sabi ko nang maghiwalay kami at parehong nakangiti sa isa't-isa. "Psh! Ano ka ba naman! Syempre! Para saan pa't naging magbesprend tayo?" anya at bumaba na sa kama. "Sabi ko nga din sa 'yo kanina, diba? Na promise ko sa 'yo, nandito lang ako para damayan ka." Tumango ako at saka muling ngumiti sa kanya. "Salamat talaga." sabi ko. Para na naman akong maiiyak sa sinabi niya. Nag-finger heart siya sa akin saka kumindat. "O sige na. Uuwi na ako sa amin at baka nagrarambol na naman 'yong mga magulang ko, eh, wala pa 'yong referee nila! Bwahahaha! Mga isip-bata kasi mga magulang ko, eh! Alam mo na! Hehehe!" anya. Tawang-tawa. Natawa din tuloy ako. "Kaya pala may pinagmanahan ka? Gano'n ka din naman minsan, eh." pangaasar ko sa kanya. Sa kaartehan, ipinitik pa niya ang buhok sa hangin. "Duh! Mas matino naman ang isip ko kesa sa dalawang 'yon! Akala mo'y palaging may gyera sa bahay, eh! Laging may LQ! Hahaha!" "Loko! Marinig ka nga nila, eh. Sige na! Ingat ka paguwi mo. Ginabi ka ng masyado." pagtataboy ko sa kanya. Hindi na ako bumangon para ihatid pa siya sa labas. Pakiramdam ko kasi ay ambigat-bigat ng katawan ko ngayon. "Sabay na tayong pumasok sa work bukas, ha? Daanan kita dito!" anya at kumaway pa habang nasa hamba na ng pintuan. Tumango ako. "Sige!" "Bye!" muli siyang kumaway bago tuluyang lumabas ng kwarto ko at isinara ang pinto. Napabuntong-hininga ako. Muli akong nilukob ng lungkot nang mapagisa ako. Saka tuloy muling nanariwa sa alaala ko ang una naming pagkikita ni Xanth. Kung paano kaming nagkakilala at kung paano kaming humantong sa relasyon. ————FLASH BACK———— "Hello! Good morning, Sir. I am Thaileen Zekeilah Mauricio, your newly hired secretary." Kabado akong humarap sa napakagwapong boss ko. First day ko iyon sa trabaho. At kanina pa akong nakatayo sa harapan ng desk niya at kanina pa akong nakatunghay sa mala-adonis niyang hitsura. Kasalukuyan siyang nakayuko at nagtitipa sa laptop niya kayat malaya kong napagmamasdan ang kabuuan ng mukha niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang iangat ang mukha niya saka ako pinakatitigan. Tiningnan niya ako mula ulo.. nahinto siya sa dibdib ko ng ilang segundo bago bumaba iyon sa paa ko. Napalunok ako. Para akong hinuhubaran sa paraan ng titig niya. "I know you already Miss Mauricio. I was the one who personally hired you, right?" He smiled at me. "Now, go to your desk and wait for my call." "Yes, sir." Kamuntikan pa akong masamid dahil sa pagkapahiya ko. Dumaan ang isang linggo ko bilang sekretarya niya at masasabi kong napaka-professional niya sa work as a CEO of the big company. Ni hindi ko nga maisingit ang paghanga ko sa kanya dahil sa subsob ako sa trabaho. Hanggang sa isang araw ay in-announce niya sa team na magkakaroon kami ng two days visiting the paradise island pero part pa rin sa work ang ipupunta namin doon. Isang pribadong isla na naipanalo niya sa bidding ang pupuntahan namin kaya't sobrang excited ng lahat, including me, of course. Pinaghandaan ko iyon ng sobra! Makakasama ko ba naman sa outing ang mala-adonis kong boss? Sa biyahe, malungkot ako dahil hindi ko katabi si Boss. Iba ang katabi niya sa unahan ng sasakyan, isa rin marahil sa nagpapantasya sa kanya dahil parang uod itong binubudburan ng asin, ang likot! Nakaramdam ako noon ng selos kahit na wala naman akong karapatan. Ang laki na ng paghanga ko sa kanya kahit pa isang linggo pa lang kaming nagkakilala at nagkasama... bilang isang boss at sekretarya pa. Kaya, pinipigilan ko ang sarili kong huwag mahulog ng tuluyan sa kanya. It's already evening time no'ng makarating kami sa isla. Malayo ang naging biyahe kaya't pagkatapos makapag-swimming ng ilang sandali at makakain ng hapunan ay nagsitulugan na ang iba naming kasamahan. Iilan lang kaming natira sa may dalampasigan, kasama na doon si boss, Xanth Eadric. Isa sa mga kasama namin ang gumawa ng bonfire at nagkatuwaan ang mga nandoon na uminom ng alak. Syempre, hindi naman killjoy ang boss kaya't siya na ang nagutos na ilabas ang mga dalang alak. Nakisama ako sa ibang empleyado. Ngunit naupo ako sa may buhanginan na medyo malayo sa mga iyon at dala ang isang bote ng alak na may tatak ng kabayo. Naghahanap pa sana ako ng wine kaso wala. Agad ko rin iyong ininom hanggang sa makalahati ko. Medyo may tama na ako noon kahit na hindi ko pa nauubos ang isang bote. Hindi ako sanay. Saka ko namalayan ang paglapit sa akin ni boss at naupo pa siya sa tabi ko. Kaya napapitlag ako. "S-Sir?" "What are you doing here? Ayaw mo bang makipagusap sa ibang mga employee?" tanong niya. "I-I am comfortable when I'm alone, sir. Lalo na kapag gabi na." "So, ayaw mo bang nandito ako para samahan ka?" Lumingon ako sa kanya at nasinagan naman ng buwan ang mukha niya. Pilyo siyang nakangiti sa akin. "Just tell me if you're not comfortable—" "Dito ka lang po, sir. Okay lang sa akin." sabi ko saka ko tinungga ang huling patak ng alak sa bote. Saka ako tumayo para muling kumuha ng isa pa ngunit nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Muntik ko pang mabitawan ang bote dahil doon. Mabilis naman niya akong naalalayan at muling iniupo. Sapo-sapo ko ang ulo ko habang nagdedeliryo sa kanyang amoy. Napakabango niya! "Bakit ka ba tumayo? Naiilang ka ba sa akin?" Prankang tanong niya. Umiling ako. "Ah, hindi po. Kukuha sana ako ng isa pang beer. Gusto ko pa kasi, eh." "Oh, okay. Alright then, ako na ang kukuha. Just wait me here, okay? Don't move. Baka mahilo ka." Bilin niya bago tumayo at pumunta sa pinaglalagyan ng mga inumin. Ilang saglit lang ay dumating na siya at hawak ang mga alak sa magkabilaan niyang kamay. Iniabot niya sa akin ang dalawa. "Baka mabitin ka ulit kaya dinalawa ko na." Nakangising anya saka ipinagdikit ang mga boteng hawak namin. "Cheers!" "Cheers." Nakangiti ko ring sambit. Marami kaming napagkwentuhan maliban nga lang ang tungkol sa pamilya ko, lalo na sa nanay ko. Pero nasabi ko naman sa kanya na hindi ko nakilala ang nanay ko. Hanggang sa makarating ang usapan namin tungkol sa kung papaanong wala pa akong nagiging boyfriend. "Are you sure of that? I just can't believe it." Di siya makapaniwala. "Siguro po kasi ay pangit ako. Wala namang nagkakagusto sa akin, eh. Kung meron man, hindi ko naman maramdaman." Naramdaman ko ang biglaan niyang usog sa tabi ko hanggang sa magkiskisan na ang mga braso namin. Napalunok ako. Naninindig na rin ang mga balahibo ko dahil sa pagkakadikit ng mga balat namin. Grabe ang epekto niya sa akin. "What if I tell you, I like you?" Bulong niya sa tenga ko na ikinakiliti ko. Ngunit nabigla ako sa sinabi niya. Dala ng nainom na alak ay napahagikhik ako. "That's imposible po, Sir." Napahawak pa ako sa tiyan ko. Imposible na magkaroon ng pagkakagusto ang isang katulad niya sa kagaya ko na hamak lang. Siya? Mayaman, gwapo at isa pa'y kilala ng buong mundo sa larangan ng pagnenegosyo. "You want a proff?" anas niya. "Sige po. Patunayan mo—" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi at siilin niya ako ng halik sa labi. Gusto kong magprotesta dahil sa hindi ko napaghandaan iyon subalit nagpaanod na lamang ako sa kanyang ginagawa. Nangunyapit pa ako sa batok niya para huwag siyang patigilin. This is my first kiss. He is my first kiss. At masaya ako dahil sa kanya ko iyon naibigay. Hanggang sa maging mapusok ang halik niya. Bumaba sa leeg ko ang labi niya kaya kumawala ang impit na ungol sa bibig ko. Hindi ko mapigilan dahil sa kiliting dulot niyon. Maging ang mga kamay niya ay malaya na ring lumalakbay sa buong katawan ko at kasabay no'n ang mahina niyang pagpisil sa bawat madaan. Nabaliw ako ng matunton ng kamay niya ang gitna ng mga hita ko. Manginig-nginig pa ako nang bitawan niya iyon. Nagulat ako nang tumayo siya at alalayan din akong makatayo. "Come! Let's go to my room!" paos niyang boses na animoy hiningal. Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako. Nadaanan pa namin ang mga kasamahan namin na nagkakasiyahan pa sa harap ng bonfire. Binati nila kami ngunit hindi namin sila pinansin pa dahil ramdam ko ang init na lumulukob sa aming dalawa. Sa ikalawang palapag ng resthouse ang silid niya at nagkukumahog siyang buksan ang pinto. Nang makapasok kami, agad niya akong binuhat at dinala sa banyo. Binuksan niya ang shower at doon niya ako muling pinupog ng halik. Siya na din mismo ang naghubad sa akin habang patuloy pa rin sa pagaangkin ng labi ko. Nang gabing iyon, iyon din ang panahon kung kailan ko isinuko ang sarili ko sa kanya. At nang magising kami kinabukasan ay doon naman niya ako kinausap ng tungkol sa amin. "I want you to be my girlfriend, Zekeilah." anya habang nakayakap pa sa akin. Tumango ako. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Nilalasap ko pa ang mahapding kirot ng pagitan ng mga hita ko. "But you know it's still complicated, right? Gusto kong i-sekreto muna natin 'to. Ayokong pagpiyestahan ka ng mga media. Is that okay to you?" Dahil sa naibigay ko na rin sa kanya ang bandana kaya pumayag na rin ako sa kagustuhan niya. "And I'll promise, ikaw lang ang babae sa buhay ko. When everything is fine, I'll marry you." ————END OF FLASHBACK———— Hanggang sa nakatulugan ko na ang pagtanaw ng alaala kay Xanth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD