Kieyrstine Lee's POV Kunot-noo kong tinignan ang nakasulat sa papel. Baka naman may ibang code pa na ginamit dito. Teka susubukan ko yung iba.. Muli kong itinuon ang atensyon sa librong nasa harap ko. Dahil sa nasimulan ko na ay na-eenganyo akong malaman kung mayroon ba talagang mensahe na nakapaloob sa nangyayaring kaso ngayon. Ngunit ilang oras na yata akong tutok sa ginagawa ko, hindi ko parin malaman ang ibig sabihin ng code. Wala parin akong makuhang matinong sagot. Hindi ko alam kung tama ba yung ginamit kong code kanina. Bakit IAMBL? Hindi ko maintindihan o baka talagang tama lang si Sergeant Orton na walang kinalaman ang codes sa nangyayari ngayon. Baka tama nga siya na nagkataon lang yung nakuha ko sa mga naunang case ng Miraveles. Pero paano kung meron nga? Aish! Mababa

