Kieyrstine Lee's POV. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit agad ring namuo ang mga luha rito nang maalala ang katakot-takot na sinapit ko kagabi. Mahigpit akong napahawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko. "Kieyrstine! You're awake." bungad ni Sergeant Orton at tarantang lumapit sa akin. Napansin niya siguro ang takot sa mukha ko kaya mabilis niya akong kinompronta at hinagod sa buhok. "It's okay. Nasa ospital ka na. Huwag kang mag-alala." sabi niya pero hindi iyon nakatulong pa. Nandoon parin ang takot sa loob-loob ko. Agad na hinanap ng paningin ko sa paligif si Pakialamero nang maalala ang boses niyang narinig kong umalingaw-ngaw sa tainga ko kagabi. Sigurado akong siya iyon.. "Yung Mom at Dad mo ay iniimbestigahan pa ang nangyari. Pupunta rin ang mga iyon dito ma

