Kieyrstine Lee's POV Agad akong nagtungo palabas ng opisina ni Black at nagpunta ng departamento. Naabutan ko si Detective Phoenix na nakikipagdaldalan sa kambal na Mclinton. "Oh, Kieyrstine. Ba't ang tagal mo? Kanina ka pa hinahanap ni Sergeant Orton may assault case raw kayo ngayon." bungad niya sa akin nang dumako ang tingin niya. Agad akong lumapit sa ka niya at yumuko. "P-Pasensya na po. Actually, kanina pa ako nandito. Nagstay lang ako sa office ni Sergeant Black." sabi ko sabay kamot sa batok. Agad namang nagsalubong ang kilay ko nang magtinginan ang tatlo at maya-maya ay sabay na nagsilingunan sa akin. Agad akong napaatras nang ilapit ni Detective Axel ang mukha niya nang may nakakalokong ngisi. "Nakascore ba si Sergeant?" tanong nito at mabilis ko naman siyang binatukan. Ala

