Kieyrstine Lee's POV "Kieyrstine hija?" pinagbuksan ako ng pinto ni Manang nang makarating sa bahay. Agad niyang kinuha ang bag ko mula sa pagkakasukbit sa balikat ko at saka iginiya paupo sa sofa. "Bakit pawis na pawis ka?" taka nitong tanong at inabutan ako ng towel. Mabilis ko naman itong ipinunas sa mukha at leeg ko. "W-Wala Manang, hinabol lang ako ng aso sa daan." sabi ko at natatawa naman siyang umiling. "Oh siya, magbihis ka na sa kwarto mo at nang makakain ka kasama ang mga magulang mo." sabi niya at kinuha sa kamay ko yung towel. "Nakauwi na sina Mom?" taka kong tanong at tumango naman si Manang. Matapos nung ginawa kong pangigialam sa crime scene ni Sheena ay natatakot na akong magpakita sa kanila lalo na kay Dad. Apat na araw na rin akong umiiwas na makita sila. "Nag

