Kieyrstine Lee's POV "This is the 4th murder case happened." sabi ni Mom nang makalabas ng crime scene. Mabilis naman akong umiling at sunod-sunod na luha ang tumulo sa pisngi ko. No.. Hindi ito nangyayari. "Kieyrstine, baby.." hinawakan niya ako sa braso at napaatras naman ako. "Sheena's---" "No!" sigaw ko bigla at patakbong umalis sa lugar na iyon. Sunod-sunod na hagulhol ang pinakawalan ko at hindi ko na alam kung saan man ako dalhin ng paa ko. Himinto ako sa ilalim ng isang malaking puno saka inis iyon na pinagsisipa at pinagsusuntok. Sobrang sikip ng dibdib ko at hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa mga hikbing pinapakawalan ko. "Sheena.." hindi ko mapigilan ang bibig kong iusal ang pangalan niya. Paano nangyari yun? Bakit iyon nangyari! Para akong baliw na nakaupo s

