Chapter 9: Intrude

5200 Words
Kieyrstine Lee's POV "Sama ako?" nakangiti kong bungad kay Pakialamero nang maglakad siya papunta sa mesa namin nina Kuya Carter. "Hindi na." Nanlaki ang mata ko sa isinagot niya. W-what? "Baket?" naiinis kong tanong at tinapunan naman niya ako ng masasamang tingin. "Anong bakit?" tanong niya pabalik at ibinigay sa akin ang mga makakapal na libro na kinuha niya mula sa maliit na drawer na nasa gilid niya "Pag-aaralan ninyo 'yan. Bukas ay iisa-isahin ko kayo para diyan." aniya at akmang aalis na sana nang hinila ko ang jacket niya kaya napahinto siya at inis na hinarap ako. "Ano?" inis niyang tanong sa akin. "Sama ako." sabi ko at ngumuso pa. Nagpapacute. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Black na nagmamadali nang mag-ayos ng mga gamit at lumabas ng departamento kasama ang ilang detectives. Waaa! Gusto kong makita na naman siyang kumilos sa imbestigasyon. "Hindi." matigas niyang sabi pilit na hinihila ang jacket niya sa pagkakahawak ko. "Sinasayang mo ang oras ko Lee." galit na sabi nito nang hindi ko pa bitawan ang damit niya. Narinig ko naman ang bungisngisan nina Nate sa likod ko kaya inis ko silang nilingon. "Isama mo nalang 'yan si Kieyrstine, Detective Hererra." natatawang sabi ni Kuya Carter at agad naman akong napangiti. Tinignan ko si Pakialamero at nakita kong inis niyang tinapunan ng tingin sina kuya Carter na nasa likod ko. Natahimik tuloy sila at natigil sa ginawang pagbungisngisan. "Tignan mo, nasasayang na ang oras mo." sabi ko sabay nguso sa orasan sa pader na nasa bandang kaliwa niya. "Isama mo na kasi ako. Promise ko, pag aaralan ko lahat itong binigay mo." sabi ko sa kaniya. Ang tindi naman ng Pakialamero na ito. Hindi marunong makaramdam ng awa. Aish! Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy nang maglakad palabas ng departamento. "Isasama mo na ako?" nakangiting sigaw ko pero hindi na niya ako sinagot. Agad kong kinuha ang bag ko na nasa mesa. "Salamat sa inyo. Babawi ako bukas promise!" sabi ko kina kuya Carter at patalon-talon na lumbas ng departamento. Nakita kong nakaangkas na si Pakialamero sa motor niya. Agad naman akong lumapit. "T-teka. Nasaan yung isang helmet mo?" tanong ko nang makitang isang helmet lang ang nakasabit sa menibela niya. "Hindi ko dinala." ani nito. "E-eh anong gagamitin ko?" inis kong sabi sa kaniya. Kakagigil talaga ang isang ito. Hindi man lang nag-iisip. "Sino bang may sabi sa iyong isasakay kita?" sabi niya at nanlaki nalang ang mata ko nang magpaharurot ito paalis. "H-Hoi! Leche ka talaga Pakialamero!" sigaw ko sa kaniya nang iwan niya akong nakatayo roon. Bwisit! Bwisit! Bwisit ka talagang hinayupak ka. Arghhhh! Inis akong napapadyak sa paa ko dahil sa inis at padabog na itinapon sa sahig ang bag ko. "Aish!" ginulo ko ang buhok ko sa inis. Mamaya ka sakin. Makikita mo talagang hinayupak ka! Inis kong pinulot ang bag ko sa sahig at akmang babalik na papasok sa estasyon nang may humuntong itim na kotse sa harap ko. Kunot-noo kong tinignan ang nasa loob nun. Agad naman nitong ibinaba ang bintana. "B-Black?" nauutal kong sabi nang makita kumg sino ang nasa loob. "Get in." sabi niya at nakanganga naman akong napatingin sa kaniya. Shet! Omo! Omo! Totoo ba ito? Marahan kong sinampal sampal ang sarili ko sa hindi pagkapaniwala. "Sasakay ka o hindi?" sabi nito at taranta naman akong lumapit sa passenger's seat. Bubuksan ko na sana ito nang magsalita na naman siya. "Sa back seat ka." dagdag nito at napapahiya naman akong binuksan ang pinto ng back seat. Shet! Hindi talaga ako makapaniwala. T-totoo ba ito? K-kasama ko sa isang sasakyan si Black? Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko nang pagmasdan ko siya sa salamin na nasa harap at seryosong nagmamaneho. "A-ah.. B-bakit mo pala ako pinasakay?" tanong ko. Binabasag ang katahimikan sa loob. "Why? Ayaw mo ba? I can stop the car here." sabi niya at akmang p-preno na sana nang pigilan ko. "No. Hindi!" sabi ko at napalingon naman siya sa gawi ko at muling itinuloy ang pagmamaneho. "A-ano kasi, d-diba sabi mo sakin na bawal akong makialam sa g-ganitong kaso?" tanong ko nang maalala yung sinabi niya sa akin. "What can I do?" sabi nito at napailing pa. "You're hardheaded." "Ano?!" sigaw ko sa gulat. "What you are doing is unfair to those who are also trainees." sabi nito at napayuko naman ako sa pagkapahiya. "Hindi magandang rason na pinapayagan kang sumama sa ganitong uri ng kaso dahil may posisyon ang mga mgulang mo." Gusto kong magsalita at tutulan ang mga sinasabi niyang ginagamit ko ang posisyon ng mga magulang ko. It's not like that. H-hindi ko sila ginagamit. Pero may parte sa akin na sinasabing tama siya. Wala na akong makapa pang salita kaya nanahimik nalang ako. Maya-maya ay huminto kami sa isang lugar. Tahimik at katulad nung mga naunang biktima ay malayo sa mga kabahayan ang lugar. Bumaba siya ng kotse at agad na rin akong bumaba. Psh! Hindi siya gentleman. Tsk. Turn off 101 ka sakin Black. Para naman akong aso na sumunod sa kaniya sa paglalakad. Maya-maya ay nakita ko na ang mga pulis na nagkalat papaikot sa isang bahay. Lumapit si Black doon at lumapit din ako. Hehe Bumukas ang gate at lumabas mula rito ang isang Ale na umiiyak. Humihikbi pa ito kaya agad naman siyang kinompronta ng mga pulis. "Ano po ang nangyari ma'am?" tanong ng isang pulis na hindi ko kilala. Nagulat ang lahat nang biglang umupo sa sahig ang Ale at umiyak na parang bata. Agad naman siyang tinulungan na tumayo at kinunan ng upuan saka tubig na maiinom. "Ma'am magsalita po kayo. Ano ang nangyari?" pag-uulit ng pulis halatang kating-kati nang malaman ang sagot. "Nasaan yung lokasyon ng pinatay?" "N-nasa loob." humihikbing sagot nito at napahagulhol na naman sa pag-iyak. Sumenyas ang isang pulis na pumasok ang iilan sa loob ng bahay at yung iba ay mag ikot-ikot sa paligid. Nakita kong pumasok si Black sa loob kaya palihim rin akong sumunod. "Tss." narinig kong may nagsalita sa likod ko at nang makita kong si Pakialamero ito ay agad ko siyang inisnaban at nagtuloy papasok ng bahay. Waw! Ang kapal niyang magpapansin sa akin matapos nung ginawa niya. Ameyzing. Isang masigabong sapak sa mukha para sa kaniya. Nang makapasok ay tumambad sa amin ang masangsang na amoy at nagkalat na dugo sa may pintuan pa lang ng bahay. A-ano kayang nangyari? Nanlaki ang mata ko nang tuluyan nang makapasok at makita ang sinasabing minurder nung babae. "Shet." bulong ko at agad na lumapit sa biktima. Hindi naman nila ako pinigilan na lumapit. Narinig ko pa ang iilang mura ng ibang mga pulis, mayroon pang napahilot nalang sa kanilang ulo. "Kawawa naman 'yung aso.." naiiyak kong sabi habang pinagmamasdan itong nakahandusay at nagkalat pa ang dugo sa katawan. Waaaa! Napaka walanghiya ng may gawa nito, taena lang! Agad na pumasok yung Ale sa loob ng bahay niya at muli na namang humagulhol habang nilalapitan ang walang awang pinatay na alaga. Napatingin ako sa mga pulis na halata na ang pagkainis sa mukha yung iba naman ay lumabas na halatang hindi kayang makita ang nangyari sa aso. Kawawa naman kasi.. "Ano bang nangyari riyan?" inis na tanong ni Sergeant Ibarra na para bang napipilitan nalang na magtanong. "Tinuklaw siya nung manok na yun!" sabi nung Ale sabay turo sa manok na nasa likod namin. "Ikulong ninyo 'yan! Kakasuhan ko ang animal na 'yan!" sigaw nito at humagulhol na naman sa pag-iyak. "Krook krook rook!" sabi nung manok at naglakad palabas ng pintuan. Sinundan naman siya ng tingin ng mga pulis. "Tignan ninyo? Hah! Napakawalang hiya! Hindi man lang marunong makonsensya!" Oo nga! leche ang manok na yun! Kung sa akin din siguro ginawa ang bagay na ito, ginilitan ko na yun ng leeg. Hayop siya. Well, hayop naman na talaga siya. Tch! "Pfft--" napalingon ako sa gilid ko at nakita si Black na tinatakpan ang kaniyang bibig ng kaniyang kamao. "You look insane, Tine." H-Hanuraw? T-tama ba ang narinig ko? T-tine? T-tinawag niya akong Tine? "Yeah.." wala sa sariling sagot ko habang nakatitig sa mukha niyang namumula dahil sa pagpipigil ng tawa. Nagulat nalang ako nang bigla siyang bumulalas ng tawa. Napalingon sa gawi namin ang lahat sa ginawang pagtawa ni Black. Maya-maya ay bigla niyang sineryoso ulit ang mukha niya nang mapansing nasa kaniya na ang lahat ng atensyon. Tumikhim siya at agad na nagtungo palabas ng bahay. Wow! Paano niyang nagagawa yun? Yung baguhin agad ang reaksyon? Nakakamanghang ang natatawa niyang mukha kanina ay agad niyang napalitan ng pagkaseryoso. Woah Black kakaiba ka talaga. ---------- Kinabukasan. Sabado. "Good morning!" masiglang bati ko pagkapasok ng departamento. Nakangiti naman akong nilingon ng lahat. "Good morning din Kieyrstine." ani Detective Phoenix. Agad ko namang ibinigay sa kaniya ang zest-o juice at isang fita . "Woah para sa akin 'to?" gulat niyang sabi at tumango naman ako. "Eto rin para sa inyo Detective Axel at Alex hihi." sabi ko sa dalawang cute na kambal na kasalukuyang nagtitipa sa harap ng kanilang computer. "Salamat dito hahaha!" ani nila at muling ibinalik ang atensyon sa ginawa. "Eto naman sa'yo, Sergeant Ibarra at Sergeant Orton." sabi ko sabay abot ng mga snacks nila. Nang mabigyan ko ang lahat na nasa departamento ay agad akong lumapit kina Kuya Carter na nakaupo na sa table namin. "Siguro naman ay kasali kami riyan Kieyrstine hahaha!" ani Xavier at tumawa pa. "Oo naman syempre haha! May utang na loob ako sa inyo eh!" sabi ko at inilabas sa bag ang tatlong coke in a can at tatlong sandwich. "Parang madaya 'yan ah!" narinig kong sabi ni Detective Phoenix mula sa kinauupuan niya at tinawanan ko lang siya. Grabe naman siya, binigyan ko na nga nagrereklamo pa. Di na nga kita bibigyan sa susunod. Tsk! "Oi! Ano 'to. Ang sarap naman nito!" agad kong tinapik ng malakas ang kamay ni Nate nang akma niyang hahawakan ang lunchbox na dala ko. "Hindi 'yan sa inyo!" singhal ko at inilayo sa kanila yung lunchbox. Nakita ko naman na nagkatitigan yung tatlo at ngumisi ng nakakaloko. "Hulaan ko para kanino 'yan?" sabi ni Xavier at kumikindat pa akong tinignan. Oh edi ikaw na manghuhula. Napairap nalang ako sa kawalan at umupo sa upuan ko. "Para kay Detective Hererra yun no?" biglang sabi ni Nate at kumunot naman ang noo ko. "Ano? Hindi no? Sino namang may sabing dadalhan ko isang iyon!" inis kong sabi. Nasira tuloy ang maganda kong mood. Aish! "Eh para kanino 'yan? Sa'yo lang?" tanong ni Kuya Xavier at ngumisi naman ako bigla. "Para sa isang taong espesyal hahahaha!" sabi ko at isinilid na sa bag yung lunchbox. "Ay madaya hahaha! sino ba kasi iyan?" sabi ni Nate at dinalaan ko lang sila. "Sikret. Hulaan ninyo." sabi ko at nagtawanan nalang sila. Wala pala kayo eh. "Let's start." halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Aish! Naiinis talaga ako sa pagmumukha ng hinayupak na ito. Teka? Ano bang gagawin ngayon? "Lahat ba ng yung nasa libro itatanong mo Detective Hererra?" kakamot-kamot ulong tanong ni Nate. "Oo lahat. Sampun maling sagot may parusang matatanggap." sabi nito sabay tingin sa akin. "Ano?!" sigaw ko. Patay. Hindi ako nakapag-aral. Jusko naman. --------- "Woah! Hahaha buti nalang 44/50 nakuha ko pfft--" Natatawang sabi ni Nate ng makuha yung papel niya. "Sakin muntikan na hahaha 42/50." sabi naman ni Xavier. "Itong si Carter talaga ang matalino. Parang kinakain ang libro eh. Akalain mo isa lang mali hahaha" dagdag pa at napapahiya nalang akong nag-iwas ng tingin sa kanila. "Ilan yung sa'yo Kieyrstine?" tanong ni Nate. "H-ha? Sakin?" tanong ko sabay turo pa sa sarili. Nilingon ko si Pakialamero at nakatingin lang siya sa amin. Nakikinig. "Oo ilan ang mali mo?" tanong pa muli nito. "I-isa?" sagot ko. "Isa lang yung mali mo?" namamanghang sigaw nito. "H-hindi. Isa lang yung tama ko hehe." sabi ko at muling napatingin kay Pakialamero na ngayon ay umiiling na. Psh! Ano bang masama dun! Ang importante may nasagot akong tama. Yun 'yun! "I'll give you 1 hour break. Balik agad kayo." sabi ni Pakialamero at agad naman akong tumayo dala yung lunchbox. "Maiwan ka Lee." dagdag pa niya at naupo sa upuan niya. "A-ano? Diba sabi mo 1 hour--" "Pag-uusapan natin ang parusa mo." putol niya sa sinasabi ko. Aish! Leche ka talaga oh! Seryoso talaga yung parusang sinasabi niya? Inis akong lumapit sa kaniya. "Ano po ba yung parusa ko Detective Hererra." nakangiwi kong sabi at may inabot naman siya sa aking papel. Wow te! Tamad na tamad magsalita? At talagang nakalista pa, parang pinaghandaan talaga. "Mamaya ko na 'to babasahin." sabi ko saka naglakad na paalis. Huminto ako sa harap ni Detective Phoenix nang nakangiti. "Ah, Detective.. Saan dito ang mesa ni Sergeant Black?" tanong ko sa kaniya. "Nasa kabila sila naka assingn. Dun mo nalang itanong." sabi niya sa akin at muling itinuloy ang ginagawa. Eh? Saang kabila naman yan? Kabilang kanto? Kabilang bayan? Tsk! Inis akong lumabas ng departamento at hinanap yung kabila na sinasabi ni Detective Phoenix. Aish! Kagigil naman. Habang paikot-ikot sa estasyon ay nakita ko ang isang astig na babaeng naglalakad papunta sa gawi ko. Siya si Inspector JM Lavigne. Isa sa mga babaeng Detective. Sa pagkakaalam ko tatlo lang silang babaeng detective rito. Si Mom, si Lavigne at yung Orton na binigyan ko ng snack kanina. Agad akong humarang sa daanan niya at nakangiting tinignan siya. "P-pwede pong magtanong Inspector?" sabi ko sabay kamot sa batok. "What is it?" tanong niya sa akin at taas kilay akong tinignan mula ulo hanggang paa. "A-alam n'yo po ba kung saan ang mesa ni Black?" tanong ko. Jusko nakakahiya naman ito. "You mean his office?" tanong nito sa akin. M-may opisina siya rito? Woah! Sila Mom nga walang opisna rito tas siya meron? "Anong kailangan mo sa kaniya?" tanong nito sa akin. "M-may ibibigay lang ako sa kaniya." sabi ko sabay pakita nung bag kung saan nandoon ang lunchbox. "Ako na ang magbibigay." sabi nito at kinuha agad ang bag ko saka naglakad paalis. Hindi naman ako nakapagsalita agad kaya bumalik nalang ako sa departamento. Sana di niya yun kainin. Huhuhu! Pinrepare ko yun para kay Black eh. ------ Tinignan ko ang oras at inis na kinuha yung mop sa gilid ko. [10:15pm] Gusto ko na umuwi! Huhuhu! Buti pa sina Xavier nakauwi na. Amp. Inis kong tinignan si Pakialamero na ngayon ay prenteng-prenteng nakaupo sa upuan niya. Nakataas pa ang mga paa niya sa mesa habang nag se-cellphone. Lumapit ako malapit sa upuan niya saka minop ang ilalim ng mesa niya sinasya kong tabigid ang upuan niya ng ilang beses hanggang sa nainis nga siya at tignan na naman ako ng masama. "May problema ka?" tanong nito. "Wala po Detective. Nililinis ko lang ng maayos ang ilalim ng mesa mo kasi sobrang dumi." sabi ko sabay irap sa kaniya. "kasing dumi ng mukha mo." inis kong bulong. "Gusto mong madagdagan ang gawain mo Lee?" sabi nito at pinamewangan ko siya. "Waw naman ser kung makautos ka sa akin, kanina pinag-pile mo ako nung mga papel na nakatambak sa stockroom, pnaglinis mo pa ako sa interrogation room, tas ngayon pinagmop mo ko at may lilinisin pa akong crime laboratory. Tas ngayon dadagdagan mo? Bakit hindi mo nalang sinabi na linisin ko ang buong estasyon, pati selda ng mga nakakulong lilinisin ko na para sayo---hm!" bigla niyang nilagyan ng papel ang bibig ko at inis ko naman iyong kinuha agad. "Ang ingay mo. Tapusin mo na 'yan bago pa magbago ang isip ko." sabi niya at umalis mula sa pagkakaupo saka lumabas ng departamento. Argh! Bwisit ka talaga sa buhay ko damuho ka! "Oh Kieyrstine. Ba't di ka pa umuuwi?" nagulat ako nang makita si Inspector Will habang kinukuskos ko ang sahig na namantsyahan. Dali-dali namang napatayo at yumuko sa harao niya. "Good eve po Inspector." bati ko. "Bakit ka naglilinis diyan?" tanong niya nang makita ang balde ng mop na dala ko. "A-ah ano po." sabi ko at naghanap ng palusot. Hindi ko pwedeng sabihin na pinarusahan ako dahil mababa ang score na nakuha ko kanina. Nakakahiya kaya. "A-ah nakita ko po kasing madumi Inspector. Tsaka naisip ko rin na kung hindi man ako makapasa sa training mag aapply nalang akong janitor dito hehehe." sabi ko. "Palabiro ka talagang bata ka. Oh, siya nasimulan mo naman rin iyan. Pakisali nalang din yung opisina ko. Medyo napakaalikabok na" sabi niya at tinap ang likod ko bago naglakad paalis. Agad akong napaupo sa sahig-- waaaaaa! Ayoko naaaaaa huhuhuhu. --------- Lumabas ako ng opisina ni Inspector matapos ko itong linisin. Napahawak pa ako sa may pader at di makatayo ng maayos dahil sa sobrang pagod. Ayoko na talaga. "Tapos ka na?" narinig ko ang boses ni Pakialamero at hindi ko na siya tinignan pa. Dumerecho ako ng mesa at pasuray-suray na kinuha yung bag ko. Para akong lasing jusko. "Bukas mo nalang linisin yung laboratoryo." sabi niya at nakahinga naman ako ng maluwag. "Uwi na ako." walang gana kong sabi naglakad palabas ng departamento. Gustong-gusto ko nang humiga. Yung likod ko sabrang sakit na. "Ihahatid na kita." narinig ko si Pakialamerong sumunod sa akin. Iwinasiwas ko naman ang kamay ko . "Hindi na kailangan. Baka isang helmet na naman ang dala mo. Tch." sabi ko habang nagpatuloy sa paglalakad. Nang makalabas ng departamento ay nanlaki ang mata ko nang makita si Black na naglalakd papunta sa kotse niya. Parang nawala bigla ang pagod ko kaya tumakbo ako para mahabol siya. "Black teka lang!" tawag pansin ko sa kaniya. Huminto naman siya at nilingon ako. Hingal na hingal akong lumapit sa kaniya at napahawak pa ko sa mga tuhod ko na animo'y para akong nagmarathon sa sobrang pagod. "N-natanggap mo ba?" tanong ko sa kaniya at nakita kong kumunot ang noo niya. "Y-yung lunchbox na ibinigay ko?" sabi ko at pilit na ngumiti sa kabila ng pagod na naramdaman. "Where?" tanong niya at ako naman ang nagtaka. "H-hindi mo nakuha? W-wala kang natanggap?" tanong ko at umiling naman siya. Biglang nagring ang ang cellphone niya at muling tumingin sa akin. "I have to go." sabi nito saka pumasok sa kotse niya at pinaandar to paalis. Hindi niya nakuha? Muli kong naramdaman ang pagod ko na kanina ko pa naramdaman. Pumara na ako ng taxi at umuwi ng bahay. ------- Kinabukasan: Isinuot ko ang hand gloves at face mask tsaka nagtungo papasok sa laboratoryo. Okay Kieyrs! Last na 'to! Sabi ko sa sarili ko. "Good morning po Ma'am Mitch!" bati ko kay Maam nang makita siya na nag aayos ng gamit. "Oh Kieyrstine you're here! Ikaw na muna ang bahala rito ah? I know you already know the rules kung ano ang bawal galawin rito. Walis-walis at punas ka lang. Okay?" sabi nito at nakangiti naman akong tumango. "I need to go." sabi nito at ngumiti saka lumabas ng laboratoryo. Hindi naman siguro marami ang lilinisin ko rito. Malinis na rin naman kasi. Kinuha ko ang walis at mop na nasa tabi ko saka agad na nagsimulang maglinis. Hindi ko maiwasang mamangha sa bawat cabinet na napupunasan ko. Nakakamanghang ang mga gamit ay may kani-kaniyang glass o kabinet na pinaglalagyan. Sa loob nito ay may mga ilaw na sa pagkakaalam ko ay Ultraviolet lights. Napaka organisado rin ng mga gamit. May safekeeper drying cabinets, storage cabinets, fuming chambers, at hindi ko na kilala ang iba pa. Kumunot ang noo ko nang makita yung cap. Woah! Akala ko ba di na nila ito pagtutuunan ng pansin kasi walang kwenta? Tss. Pero nung makita ko ang cap na ito. Pakiramdam ko kilala ko ang maysuot neto. Hindi ko lang maalala kung sino. Sobrang napakapamilyar ng cap. Napatingin ako sa may pinto at muling ibinalik ang pansin sa cap. Eh kung ako kaya ang humanap kung sino? Baka makatulong ako para magkaroon sila ng lead dun sa killer. Tama! Tama! Lumapit ako sa mesa ni Maam Mitch at kinuha yung hand gloves niyang nakasabit sa gilid ng lampshade, kumuha na rin ako ng evidence bag na mapaglalagyan. Isinuot ko ito saka dahan-dahang kinuha yung cap. Malalaman ko rin kung sino yung killer. At pag nalaman ko, marami ang hahanga sa akin. Hindi na magagalit sa akin si Dad. Papayagan na niya ako sa desisyon kong magpatuloy sa ganitong uri ng trabaho. Hihihi. Nakangiti kong isinilid sa maliit kong bag yung cap tsaka muling nagtuloy sa paglilinis ng laboratoryo. ------- "Manang? Sina Mom?" tanong ko kay Manang nang makauwi ako ng bahay. "Wala ba dun sa estasyon? Kaninang umaga pa sila nagmamadaling umalis." sabi ni Manang at kukunin na sana yung bag ko para ilagay sa kwarto nang pigilan ko siya. "Hehe. Ako na ang magdadala nito Manang." sabi ko at hinila yung bag sa pagkakahawa niya. "Eh hindi ka ba kakain muna? Namamayat ka nang bata ka." sabi nito sa akin at ngumiti lang ako. "Kakain ako Manang don't ya worry, may gagawin lang ako sandali." sabi ko sa kaniya sabay tapik sa braso niya. "Sigurado ka ah? Maghahanda na ako sa hapag." sabi nito at tumango naman ako. Agad na nagtungo si Manang sa kusina kaya dali-dali naman akong nagtungo sa basement. Buti nalang at nay access ako para makapasok agad sa loob ng laboratoryo nina Mom. May hindi kalakihang laboratoryo sina Mom rito sa bahay. Ginagamit nila ito sa tuwing may mga special cases silang ginagawa. Kompleto sa equipment at makina ang laboratoryo. Dito rin sila laging tumatambay ni Dad pag walang trabaho. [WELCOME please enter your code] Bungad ng malaking monitor na nasa harap ko. Agad ko namang ipinatong ang isang card na ibinigay sa akin ni Mom. Ilang beses narin naman akong nakakapasok dito kasi dinadala ako rito ni Mom. Pero ngayon lang ako nakapasok nang wala si Mom na nag-aalalay sa akin. Medyo kinakabahan ako at baka madatnan nila ako rito. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at pumasok ako rito ng walang paalam. Desisdo akong malaman kung sino ang may ari ng cap. Pakiramdam ko kilala ko. Marahan kong kinuha ang cap sa loob ng bag tsaka lumapit ako sa isang spectrophometer. Hindi ko alam paano gamitin ito. Napakamot ako sa ulo ko habang pinagmamasdan ang makina at ang cap na nakapatong dito. Pinihit ko paikot ang isang bilog na bagay pero walang nangyari. Paano kaya ito? Nakita ko si Mom na gumagamit nito dati. Nakikkita kong lumalabas na puting lazer sa may itaas na bahagi. Kinuha ko yung cap na nakapatong at hinawakan yung metal na nasa ibaba. Halos mapasigaw sa sakit nang mapaso ang kamay ko rito. Shet! Shet! Tinignan ko agad ito at nakitang nasunog pati yung gloves na suot ko. Napaupo ako sahig at ininda yung sakit. Namumula ang kamay ko at sobrang hapdi nito. Hinipan ko ito ng hinipan ngunit mas lalo lang itong humahapdi. [WELCOME please enter your code] Nanlaki ang mata ko sa narinig at dali-daling tumayo. Kinuha ko ang cap sa mesa at agad itong isinilad sa bag. Hindi ko na ininda pa ang sakit, yung matinding kaba ang bumalot sa akin. "Kieyrstine Lee." napahinto ako sa paggalaw nang marinig ang nakakatakot at ma awtoridad na boses ni Dad. Hindi ko magawang lingunin si Dad. N-natatakot ako. Nagulat ako nang biglang may humablot sa bag na hawak ko. Napatingin ako kay Dad at nag-aalab sa galit ang kaniyang mga mata. Naramdaman ko nalang ang mga luha kong sunod-sunod na tumulo mula sa aking mga mata. "Alam mo bang nagkagulo sa departamento kanina dahil sa paghahanap dito?!" galit niyang sigaw sa harap ko. "D-Dad I'm sorry gusto ko lang namang---" napahinto ako sa pagsasalita nang salubungin niya ang mukha ko ng isang napakalakas na sampal. Hindi agad ako nakagalaw. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang pisngi ko. "George!" sigaw ni Mom at patakbong lumapit sa akin. Hindi ko na hinintay pang makalapit nang tuluyan si Mom. Patakbo at umiiyak akong lumabas ng laboratoryo. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na huwag umiyak pero napakatraydor nila. Patuloy sila sa pagbagsakan at pagtulo. "Hija anong nangyari--" hindi ko pinansin si Manang at nagderecho ako palabas ng bahay. Umiiyak akong pumara ng taxi at doon itinuloy ang pag-inda sa sakit na naramdaman. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko kung paanong namumula at namamaga na iyon, maingat kong tinanggal ang gloves at itinapon sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit ngayon. Itong kamay ba o yung pisngi kong nasampal ni Dad kanina. Pinahinto ko ang taxi nang makita ang isang bukas na restaurant sa gilid ng kalsada. Dahil wala akong dalang pamasahe ay yung suot kong bracelet ang ibinayad ko sa driver. Hindi ko na inintindi pa kung gaano kamahal ang halaga nun. Gusto kong mapag-isa ngayon.. Topher Hererra's POV "Umuwi ka na muna Hererra kami na ang bahala rito." ani Inspector Will sa akin at tinapik ako sa balikat. "Tumawag si Inspector George Valler nasa kanila na yung cap." Dagdag ni Inspector Lavigne habang hawak pa ang telepono. Agad akong napailing nang kanina pa ay naisip kong na kay Lee nga ang cap na nawawala. Ang pinagtataka ko ay kung bakit niya iyon kinuha. Ano na namang katangahan ang naisip ng babaeng iyon? "Oi nakangiti si Hererra oh. Ano kayang iniisip nito?" tukso ni Phoenix sa akin at napailing nalang ako. "Mauna na ako." paalam ko sa kanila saka nagderecho palabas ng estasyon. Agad kong pinaharurot paalis ang motorsiklo. Patuloy parin ako sa pag-iisip sa nangyaring pagkawala ng cap kanina. Habang sila ay nagkakagulo ako naman ay pailing-iling lang na iniisip na kay Lee nga iyon. Wala namang ibang tanga ang gagawa nun maliban sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng bumaba ng taxi. Tch! Ano namang ginagawa niya sa labas ng ganitong oras? Hindi ko na siya pinansin pa at nagderecho na pauwi ng bahay. ---- "Tigilan mo na 'yan." sabi ko sa kaniya at hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Kumunot naman ang noo niyang nag angat ng tingin sa akin. "Tch! Ano ba! Wag mo nga kong pakialaman!" sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. "Wag kang makialam rito Pakialamero. Hindi ito kaso para pakialam mo. Umalis ka na. Shoo!" sabi niya sa akin at tinungga yung isang mangkok ng sabaw na nasa harap niya. "Pang limang order mo na 'yan." sabi ko at inilayo sa kaniya yung mangkok. "Eh ano naman? Pake mo ba ha?" sabi sa akin na animo'y parang lasing. "Alam mo bagay na bagay talaga sa'yo ang pangalang pa-ki-a-la-me-ro. Ang galing ko mag isip diba?" dagdag pa niya sabay tungga na naman sa sabaw. "Wala kang pambayad." sabi ko at agad naman siyang napatingin sa akin saka tumawa ng malakas. "Edi magpapakulong ako hahahaha!" sabi niya at iwinasiwas ang kamay sa ere. Agad namang lumapit ang waiter. "Isang mangkok pa nga kuyang waiter." sabi niya rito. "Anong nangyari riyan sa kamay mo?" kunot-noong tanong ko rito nang makitang parang sunog ang balat nito. Umiling agad siya sabay ngiti. "Wala 'to." sabi niya at bigla nalang nangilid sa mga mata niya ang luha. Tss. "Wala to kumpara sa sakit dito." sabi niya sabay turo sa dibdib niya. Napatingin naman ako roon at muling kumunot ang noo. "Anong nangyari riyan?" tanong ko habang nakatingin doon. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hampasin ng kutsara ang ulo ko. "Tangina! Baliw ka ba!" inis kong sigaw sa kaniya. "Bastos!" sabi niya at inakmaan ako ng tinidor sa mukha. Ilang segundo pa bago ko naintindihan ang sinabi niya. Tsk! Nabobobo ako pag kasama ang babaeng ito. Kieyrstine Lee's POV "Akin na ang kamay mo." nagulat ako nang magsalitang muli si Pakialamero. Ano kayang ginagawa ng lalaking ito rito? Paano niya nalamang nndito ako? Wait? Sinundan niya kaya ako? Sabi na nga ba't--- "Bakit may ganiyan ka?" takang tanong ko nang may inilabas siyang first aid kit mula sa bag niya. "Hindi ka ba nakikinig sa training?" masama ang tinging tanong niya sa akin at agad naman akong nag-iwas ng tingin. Eh sa napakaboring niyang magsalita. Psh! Sino bang gaganahang makinig ha! "Akin na." sabi niya at agad ko namang iniabot ang kamay ko sa kaniya. Sobrang hapdi na talaga nung sugat. Feeling ko pati yung laman ko nasunog dahil sa makinang iyon. Aish! "Sa susunod huwag kang makikialam sa mga gamit sa laboratoryo." dagdag niya pa habang pinupunasan ng alcohol ang sugat ko. Shez, ang hapdi. Huhuhu. "Tss. Sorry na okay? Hindi na mauulit." sabi ko nalang at umirap sa kawalan. "Akala ko kasi may magagawa ako eh." sabi ko sabay buntong hininga. Alam kong mali talaga yung nagawa ko. Alam kong wala akong karapatan na magalit kay Dad sa ginawa niyang pagsampal sa akin kanina kasi nga mali ako. Hindi lang talaga ako makapaniwala na napagbuhatan niya ako ng kamay to the point na naisip ko tuloy na wala nga talaga akong kwentang ampon. "Kung nandito lang si Kuya Alter.." sabi ko at pinahiran ang mga luhang nagsisimula na namang tumulo. "Ano ba ang nangyari sa kaniya?" tanong ni Pakialamero matapos lagyan ng band aid ang sugat ko. Hinigop ko yung mangkok ng sabaw na nasa harap ko saka tumingin sa kaniya. Kita ko ang kuryusidad sa mga mata niya. "Ang kwento ni Manang sa akin, car accident raw." pagsisimula ko. "Namatay siya dahil sa paghahanap kay Ate Andrea." "Andrea? May babaeng anak ang mga Valler?" kunot-noong tanong niya sa akin, agad naman akong umiling. "Ate ko yun. Dalawa kami ng kapatid kong inampon ng mga Valler. Alam kong mahal ni kuya Alter ang Ate ko kaya disidido talaga siyang mahanap ito." dagdag ko pa. Ibinigay ko kay Pakialamero yung isang mangkok ng sabaw pero tinanggihan niya ito. Arte tch! "Paano nangyari ang car accident? Ano ang dahilan?" tanong pa niya at napaisip naman ako. "Sa pagkakaalam ko may sinusundan si kuya nun eh. Pinasabog yung sasakyan niya. Feeling ko may kinalaman kay Ate yung taong sinusundan niya nun, wala namang ibang tinatrabaho yun bukod sa paghahanap kay Ate." sabi ko pa. Abuso na ang isang ito ah! Napaparami na ng tanong. Tsk! "Nung mamatay ba si Alter, may kasama siya sa loob ng sasakyan?" tanong niya at kumunot naman ang noo ko. Kasama? Sa pagkakaalam ko.. "Mukhang wala naman. Isang bangkay lang raw yung nakita eh." pagkasabi ko nun ay pabagsak na hinampas ni Pakialamero ang mesa namin. Gulat akong napatingin sa kaniya pati na rin yung mga taong nasa paligid. "H-Hoi anong-- saan ka--" tumayo ako para pigilan siya pero dali-dali na siyang naglakad palabas ng restaurant. "Aish! Taena mo talagang hinayupak ka!" sigaw ko sabay gulo sa buhok at pabagsak na umupo. Nasipa ko pa yung mesa dahil sa inis. Argh! Wala ka talagang silbi! Taena mo talaga sinumuspa kitang hayop ka! Paano na ako magbabayad nito? Leche naman oh! Grr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD